03/06/2025
๐ผ๐ฉ๐ฉ๐๐ฃ๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ฃ๐จ!! โจ
Makiisa na sa Brigada Eskwela 2025! Sama-sama tayong kumilos para sa mas maayos at ligtas na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral. Inaanyayahan namin ang lahat na maging bahagi ng makabuluhang gawain ng Brigada Eskwela na may temang "Sama-sama Para sa Bayang Bumabasa".
๐ค โ Para sa mga volunteers at magbibigay donasyon, maging Brigada Eskwela partner at magtulungan tayong ihanda ang paaralan para sa darating na pasukan!
๐งน โ Maaaring ipaabot ang inyong pakikiisa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga cleaning materials tulad ng walis, dustpan, basurahan, floor wax, detergent powder, at brush para mapanatiling malinis at maayos ang kapaligiran ng paaralan. Ang bawat ambag ay malaking tulong sa ating misyon ng kalinisan at kaayusan.
๐๏ธ โ Para sa mga pag-aayos at pagkukumpuni, maaari rin kayong mag-donate ng painting materials gaya ng pintura, paint brush, roller brush, roller trays, at paint thinner. Kasama rin dito ang learnersโ kit at health kits na naglalaman ng notebooks, lapis, ballpen, alcohol, sabon, at toothbrush kits upang matiyak ang kaligtasan at kahandaan ng bawat mag-aaral.
๐ฑ โ Hinihikayat din namin ang donasyon ng planting materials tulad ng halaman, buto, paso, gardening tools, at black soil upang mapanatili ang luntiang paligid at masiguro ang isang masiglang kapaligiran para sa lahat.
Sama-sama nating suportahan ang Brigada Eskwela 2025โpara sa Bayan, para sa Kabataan! Mabuhay, Lipanians!!๐๐
Layout by: Kim Bryan Lacson (SSLG President | Media Committee Co-Head)
Caption by: Laurine Francisco (SSLG Gr. 11 Rep. | Publication Committee Co-Head)