28/07/2026
Mas maraming kaalaman, mas maraming pagkakataon para sa iyo! 🇵🇭✨
Sa Paragon Training & Assessment Center Inc., patuloy kaming tumutulong upang mapalawak ang pag-access ng bawat Pilipino sa mahusay na pag-aaral at pagsusuri ng kasanayan. Sama-sama nating abutin ang mas magandang pagkakataon at kinabukasan para sa ating lahat! 💙
Maraming landas, mas maraming pagkakataon 🇵🇭
Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address, ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagbibigay ng mas maraming pagkakataon upang matuto, magkaroon ng bagong skills, at makahanap ng mas magandang kabuhayan.
Binigyang-diin ng Pangulo na mas mailalapit sa mga Pilipino ang mga serbisyo ng TESDA sa patuloy na digitalization.
Sa pamamagitan ng TESDA Skills Passport, mas madali nang maghanap at mag-apply para sa mga skills training, makuha ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga kurso, lokasyon ng mga training center at providers, at iba pang mahahalagang detalye.