GNVHS-ANNEX-Supreme Student Government

GNVHS-ANNEX-Supreme Student Government School organization..

Magandang Araw Annexian....Hindi  tayo magpapahuli....Bilang pakikiisa sa araw ng mga puso,inaanyayahan namin kayong isu...
13/02/2023

Magandang Araw Annexian....
Hindi tayo magpapahuli....
Bilang pakikiisa sa araw ng mga puso,inaanyayahan namin kayong isuot ang STATUS mo......isang araw na magpapaalala sa kalagayan ng puso mo...

Sali na...isang araw lang ito....

November 28,2022Pagbibigay ng parangal sa mga mag-aaral na nagwagi sa paligsahan ng paggawa ng slogan at poster.NATIONAL...
28/11/2022

November 28,2022

Pagbibigay ng parangal sa mga mag-aaral na nagwagi sa paligsahan ng paggawa ng slogan at poster.

NATIONAL CHILDREN'S MONTH 2022

"Kalusugan, kaisipan, at kapakanan ng bawat bata ating tutukan!”

Ginanap ito pagkatapos ng pagbibigay pugay sa watawat ng Pilipinas.

November 25, 2022National Play Advocacy Week 2022 "Laro Para sa Bata, Sa Kaisipan ay Kalinga"Ang GNVHS - ANNEX ay nakiki...
28/11/2022

November 25, 2022

National Play Advocacy Week 2022

"Laro Para sa Bata, Sa Kaisipan ay Kalinga"

Ang GNVHS - ANNEX ay nakikiisa sa taunang pagdiriwang ng National Play Advocacy Week 2022 na may temang "Laro Para sa Bata, Sa Kaisipan ay Kalinga"

Layunin nito na ipaalala sa ating mga mag-aaral ang kahalagahan ng paglalaro sa kanilang buhay. Ang paglalaro ay hindi lamang makakatulong sa kanilang katawan kundi ito rin ay huhubog sa kanila bilang isang indibidwal.

Pinangunahan ng GNVHS-ANNEX-Supreme Student Government ang mga palaro. Ilan sa mga ito :
*Pagsalo ng itlog
*Sack race
*Straw relay
*Calamansi relay
*Tug of war

Ang bawat ngiti,tawanan, at sigawan ng mga g**o at mga mag-aaral ay nagpapakita ng tagumpay ng pagdiriwang na ito.

Muli, buong pusong pasasalamat sa Barangay Malis,mga g**o at mag-aaral na nakiisa upang maging matagumpay ang araw na ito..

ANNEXIAN MABUHAY KA....

Nobyembre 25,2022Seminar: Child Protection Policy                 Anti-Bullying CampaignNaging matagumpay ang idinaos na...
28/11/2022

Nobyembre 25,2022

Seminar: Child Protection Policy
Anti-Bullying Campaign

Naging matagumpay ang idinaos na seminar ng ating paaralan tungkol sa " Child Protection Policy at Anti - Bullying Campaign ".

Pinangunahan ito ng mga Guidance Councilor, GNVHS-ANNEX-Supreme Student Government at Departamento ng Araling Panlipunan.

Naging mabunga ang talakayan dahil sa aking galing ng punong tagapagsalita sa araw na ito. Binigyan diin sa araw na ito ang mga karapatan ng mga mag-aaral at kung gaano ito kahalaga na ito ay mapangalagaan sa lahat ng oras . Nagkaroon din ng linaw ang mga katanungan ng mga mag-aaral tungkol sa sensitibong isyu ng bullying.

Maraming salamat po sa lahat ng sumoporta...

NATIONAL CHILDRENS' MONTH 2022GNVHS-Annex Celebration"Kalusugan, kaisipan, at kapakanan ng bawat bata ating tutukan!” No...
28/11/2022

NATIONAL CHILDRENS' MONTH 2022

GNVHS-Annex Celebration

"Kalusugan, kaisipan, at kapakanan ng bawat bata ating tutukan!”

Nobyembre 22-23, 2022

Sa pangunguna ng GNVHS-ANNEX-Supreme Student Government nagkaroon ng paligsahan sa paggawa ng SLOGAN at POSTER. Ninanais ng paligsahan na ito na malinang ang aking talento ng ating mga mag-aaral. Ito rin ay pagkakataon upang ipalaganap na ang buwan Nobyembre ay buwan ng mga kabataan na katulad nila. Ito rin ay pagkakataon upang sila ay mabigyan ng boses na sila ay hindi lamang mag-aaral bagkus sila rin ang binhi ng pagbabago sa ating lipunan..

Maraming salamat po sa lahat ng mga sumoporta...

Oplan Kalinisan sa Sintang Paaralan..Ang ating mga SSG officers ay nagsagawa ng Oplan Kalinisan sa ating paaralan....Sin...
22/11/2022

Oplan Kalinisan sa Sintang Paaralan..

Ang ating mga SSG officers ay nagsagawa ng Oplan Kalinisan sa ating paaralan....Sinigurado nila na malinis ang ating bakuran..

Ang kalinisan ay isang sangkap na nagpapakita ng panlipunang kamalayan, sangkatauhan, pagmamahal at paggalang sa kapwa at sa kapaligiran. Nagpapakita ito ng mga moralidad, edukasyon, pag-unlad at sa pangkalahatan ay isang halimbawa ng kultura.

Kung ang bawat isa ay gumawa ng isang maliit na hakbang sa larangan ng paglilinis, makikita natin ng mas maiging resulta sa imahe ng ating paaralan

Pagpatuloy natin to....ANNEXIAN...

NOVEMBER 17,2022NATIONAL STUDENTS' DAY 2022Alinsunod sa Republic Act No. 11369 o National Students' Act, kinikilala ng D...
18/11/2022

NOVEMBER 17,2022

NATIONAL STUDENTS' DAY 2022

Alinsunod sa Republic Act No. 11369 o National Students' Act, kinikilala ng DepEd ang pagdiriwang ng Nobyembre 17 ng bawat taon bilang NATIONAL STUDENTS' DAY.

Mabuhay Annexian...

Sa pangunguna ng GNVHS-ANNEX-Supreme Student Government ay matagumpay na naidaos ang NATIONAL STUDENTS' DAY 2022. Ito ay nilahukan ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang pangkat sa ating sintang paaralan.

Ituloy lang ang pagpapakita ng kagalingan sa paaralan. Ikalat ang kamalayan na may magagawa ang mga mag-aaral upang mabago ang ating lipunan...MABUHAY ANNEXIAN...

September 19, 2022SSG Election Announcement of New SSG Officials!!!Buong pagmamalaki at  kagalakan na ipinakilala ang mg...
22/09/2022

September 19, 2022

SSG Election

Announcement of New SSG Officials!!!

Buong pagmamalaki at kagalakan na ipinakilala ang mga bagong halal GNVHS-ANNEX-Supreme Student Government na magiging boses ng mga mag-aaral ng GNVHS - Annex. Umaasa ang lahat ng mga bumoto na gagawin ninyo ang inyong makakaya upang ang lahat ng pangako ay maisakatuparan.

May nanalo na.......

SSG ElectionMiting de Avance...Buong tapang na hinarap ng mga kandidato ang lahat ng mag-aaral para sa kanilang Miting d...
22/09/2022

SSG Election

Miting de Avance...

Buong tapang na hinarap ng mga kandidato ang lahat ng mag-aaral para sa kanilang Miting de Avance. Nilahukan ito ng tatlong student party list at mga kandidatong independente.

September 16, 2022SSG Election Day!!!Ito ang araw na pinakainaantay ng mga mag-aaral sa ating paaralan GNVHS - Annex. An...
22/09/2022

September 16, 2022

SSG Election Day!!!

Ito ang araw na pinakainaantay ng mga mag-aaral sa ating paaralan GNVHS - Annex. Ang araw ng pagpili ng mga napipisil na mga kandidato. Ito ang araw na maipapahayag nila ang kanilang mga boses sa pamamagitan ng pagboto ng mga kandidato na sa tingin nila ay malaki ang maitutulong sa ating paaralan. Pagkatapos ng dalawang taong pagaantay dahil sa kinahaharap nating pandaigdigang pandemya nakaboto uli ang ating mga mag-aaral. Sa tulong ng mga g**ong tagapayo naging matagumpay ang halalan na ito. Buong pusong pasasalamat sa lahat ng mga tumulong at nakiisa upang ang maging matagumpay ang araw na ito.

September 13-14, 2022SSG Campaign Period (Room to Room)Malugod na tinanggap ng bawat kalse ang mga kumakandidato sa iba'...
22/09/2022

September 13-14, 2022

SSG Campaign Period (Room to Room)

Malugod na tinanggap ng bawat kalse ang mga kumakandidato sa iba't ibang posisyon sa GNVHS-ANNEX-Supreme Student Government. Ipinakilala ng mga kandidato ang kanilang sarili sa mga kapwa mag-aaral ng GNVHS - Annex. Ito rin ay naging daan upang ilahad ang kanilang mga planuhin at plataporma sa ating sintang paaralan. Malaking tulong ang ginawang pagpapakilala sa bawat pangkat at klase upang makilatis ng mabuti ng mga mag-aaral ang kanilang napupusuang mga kandidato.

Address

Malis Guiguinto Bulacan
Guiguinto
3015

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GNVHS-ANNEX-Supreme Student Government posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category