07/09/2026
“Hindi nalalaman ni Pedro ang kanyang sinasabi…”
Sa Mabuting Balita ng Pagbabagong Anyo ng ating Panginoon sa Bundok ng Tabor, sina Pedro, Santiago, at Juan ay naging saksi sa isang dakilang tagpo na sa pasimula ay hindi nila lubos na naunawaan.
Tulad nila, may mga pagkakataong tayo mismo ay nakararanas ng pagkalito mula sa mga mensahe at senyales ng Panginoon, lalo't higit sa pag-alam ng ating bokasyon.
Kaugnay nito, halina at ating buong pusong pakinggan ang mensahe ng pag-anyaya ng ating Obispo, Lubhang Kagalang-galang Dennis C. Villarojo, D.D. para sa mga kabataan na makibahagi sa TAGPUAN: A Vocation Discernment Day. Ito ay isang inilaang araw upang higit na matuklasan at maunawaan ng mga kabataang lalaki ang banal na bokasyon ng pagpapari.
https://forms.gle/N1G3gaDXeRr8VaeKA