28/09/2023
"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pag bilang ko tatlo nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo........TAYA‼️‼️"
Huli ka JUA-RAN🔎🫵
Ihanda mo na ang sarili at muling makiisa sa mga LARO ng ating LAHI na kinasanayan at patuloy na kinagigiliwan ng mga kabataan🎉😉
Patintero, tumbang preso, pico at marami pang iba; mga larong ating kinasiyahan ay muli nating bubuhayin. Kaya't ano pang hinihintay mo makiisa at makisaya sa LARO NG LAHI🏃🇵🇭;
"SUR-PRIZE🤯🥳"
Pagkakaisa ang susi sa pagtatagumpay🔑 Handa ka na ba na tahakin ang mga laro ng pagsubok⁉️
Sa mga JUA-RAN na makikiisa sa aktibidad isang grupo lamang ang makakauwi ng GANTIMPALANG aming inihanda sa mga magwawaging JUA-RAN.🏆🎖️
Makilahok na sa amin tuwing BIYERNES simula SETYEMBRE 29 hanggang OKTOBRE 20 lamang, mula 4:00 p.m. hanggang 5:00 p.m.🕰️
Sa mga interesado na sumali sundin lamang ang mga alituntunin ng pagrehistro sa mga sumusunod:
🔎 Maging isang opisyal na miyembro ng S.M.J. (SAMAHAN NG MAKABAGONG JUAN AT JUANA).
🔎 Imessage ang presidente ng samahan na si Arianne Gestiada o kaya'y direktang imessage ang page na ito📩
⭐ Sa mga nais mag bigay ng donasyon sa aming aktibidad, buong puso naming tatanggapin kahit anong halaga.
Disclaimer:
Hindi po sapilitan ang paglahok, mga interesado lamang na mag-aaral ang maaring sumali. Ang aktibidad na ito ay para sa pondo ng samahan para sa nalalapit na mga proyekto.
Imessage si Gian Escarcha sa mga iba pang katanungan.
Caption by: Gian B. Escarcha, P.I.O.
PubMat by: Renze Nazzer L. Aviso, Secretary.