11/07/2025
✏️“Walang Natutunan sa Kinder?”
Ito yung madalas na sinasabi sa mga Kindergarten teachers kapag yung bata hindi pa marunong magbasa o magsulat pagpasok ng Grade 1:
“Ano bang ginawa ng teacher niya sa Kinder?”
“Sayang lang yung isang taon.”
“Wala siyang natutunan.”
Masakit pakinggan, ‘di ba? Pero sapat na ‘yang mga salitang ‘yan para durugin ang puso ng isang gurong buong puso at kaluluwa ang binuhos — oras, boses, pasensya, at minsan pati sariling pera — para lang mabigyan ng best possible start ang mga bata sa school life nila.
Parang sinasabi nilang kasalanan lahat ng teacher — na parang buong readiness ng bata ay naka-depende lang sa kanya. Wala nang pakialam kung talagang ready na ba ang bata sa age niya, kung may support ba sa bahay, gaano ka-involved ang parents, o kung ilang bata ang sabay-sabay niyang hinahawakan sa classroom.
Time to change that mindset.
Kinder is not just about ABCs and 123s.
Dito hinuhubog ang foundation ng social skills, emotional intelligence, at thinking skills — na essential sa learning journey ng bata.
Hindi lang sounds and letters ang tinuturo ng Kinder teacher.
Tinuturo rin niya kung paano umupo ng maayos, makinig, magsabi ng kailangan niya, mag-share, sumunod sa rules, at kung paano maging isang learner.
And that’s a big deal.
Teaching Kinder is not for the weak-hearted.
Kailangan mo dito ng puso ng isang nanay, energy ng performer, patience ng isang santo, at utak ng isang strategist.
Hindi man agad makita sa test scores ang results, pero may malalim na impact ito — promise.
So kapag may narinig ulit tayong nagsabi ng:
“Parang walang natutunan sa Kinder.”
Tanungin natin sila:
Saan nga ba talaga nagsisimula ang learning?
At sino ba ang unang nagpapasindi ng apoy ng curiosity sa bata?
Sa Kinder, hindi lang ABC at 123 ang mahalaga.
Dito natututunan ng bata kung paano:
💛 makipagkaibigan
💛 makinig
💛 magbahagi
💛 mag-control ng tantrums
💛 sumunod sa simple rules
💛 at magtiwala sa sarili
Maybe hindi ‘yan agad lumalabas sa test paper, pero dito nagsisimula ang lahat.
It’s about time na tigilan na ang pagmamaliit sa mga taong nagbibigay ng matibay na pundasyon para sa future ng mga anak natin.