19/08/2026
π’π’π’π’ FYI po!
PAALALA SA PUBLIKO: HUWAG MANIWALA AT HUWAG MAGPAKALAT NG THREAT MESSAGE
Kaugnay ng kumakalat na mensahe sa social media na naglalaman ng banta laban sa ilang paaralan sa Goa, Camarines Sur, mariing ipinaaalala ng Goa MPS sa publiko na huwag agad maniwala, mag-panic, o magpakalat ng naturang mensahe.
Ang insidenteng ito ay kasalukuyang iniimbestigahan ng istasyon upang matukoy ang pinagmulan at mapatunayan ang katotohanan sa likod ng nasabing mensahe. Hinihikayat ang publiko na huwag itong i-forward o i-repost upang maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon at hindi kinakailangang pangamba, lalo na sa mga mag-aaral, g**o, magulang, at kawani ng mga paaralan.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Goa MPS sa mga kinauukulang paaralan at awtoridad upang mapanatili ang seguridad at kaligtasan ng lahat.
Manatiling kalmado, mapagmatyag, at responsable sa pagbabahagi ng impormasyon. Sa anumang kahina-hinalang insidente o agarang pangangailangan ng police assistance, tumawag sa 911 o sa Goa MPS Hotline: 0998-598-5992.
From: PNP Goa