07/05/2018
Hindi ako pabor sa kalagayan naming mga nagsipagtapos ng Senior High School lalo na sa pagtungtong namin ng kolehiyo. Oo nga malaki ang naitulong at maitutulong ng curriculum na ito sa pagpapaganda at pagpapa-unlad ng edukasyon sa ating bansa subalit bilang unang mag-aaral ng naturang curriculum masasabi kong napakabigat na hamon para sa amin ang napakalaking adjustment na ito sa ating nakasanayan. Pakiramdaman namin kami lama'y isang eksperimento na sa bawat sablay ay kaelangang ayusin at sa bawat tagumpay ay kailangangang pagtibayin upang ang susunod na henerasyon ay mabigyan ng tamang edukasyon. Ako'y nalulungkot sa bagong patakaran ng senior high na ipinasok ang mga strands gaya ng STEM ABM TVL GAS at HUMSS. Sobrang hirap samin ngayon ang sitwasyon na sa pagpili ng aming pinakanais na kurso ay d namin makukuha dahil sa strand na ito. Di namin subok akalain na ang strand na ito ay konektado sa kursong dapat namin kunin. Alam kong may mali rin kami sa pagpili ng strand pero sa aking kaso, TVL ang strand ko at technical drafting ang kinuha ko nung ako'y high school pero bkit ngayon pangarap ko ang mechanical engr. Pero dahil wla sa PSU pinili ko ang civil engineering pero bkt pti ito'y hindi ko pwedeng kunin dahil ba sa strand ko na TVL. Techdraft naman kinuha ko bat ganun sana naman maisip nila na alam nmn nila na limitado ang mga kurso sa PSU dapat kinonsider din nila ang gusto nmin lahat ng pAgpipilian ko sa mga binigay nila ay di ko gusto kasi may mas gusto ako kasi dun ko mahahasa ang sarili ko. Para lang tayong pinasok sa sitwasyong d nmn ntin kakayanin. Nagmumukha kcng sila na ang pumipili smin ng kurso na ayw namin at sa kursong d kmi magging masaya may iba pa nga naipasa at nahigitan ang target na 60% alinsunod naman dito'y ang mga limitadong kursong pagpipilian lamang n karamihan Ay taliwas sa kanilang nais. marami ang nariring kong ayw sa patakarang ito. Nakasaad pa sa napagusapan na kung ayaw namin sa kursong iyon, ibibigay nila ito sa iba at bahala na kmi maaring mghanap ng ibang school o itry na lang sa susunod n taon dahil ba ito sa pagsingit ng free tuition upang kakaunti lang ang estudyante?00 nga Free tuition nga, nabAwasan sa gastusin pero masakit isipin na pumasok ka sa kursong alm mong di ka mAgiging masaya sana mabigyang aksyon ito. Salamat po