10/09/2026
๐ ๐จ๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐ฆ๐จ๐ฅ๐ ๐ฃ๐๐ง๐จ๐ก๐๐ข ๐ฆ๐ ๐๐ก๐ข๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก: ๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ป๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ ๐บ๐ฎ๐๐ผ๐๐ผ๐น๐๐๐๐๐ป๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ฏ๐น๐ฒ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ถ๐บ๐ฎ๐น ๐น๐ฒ๐ฎ๐๐ต๐ฒ๐ฟ?
๐๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ช๐ฌ๐ฉ๐ข๐ฏ๐จ-๐ช๐ฏ๐ฐ๐ฃ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐๐ข๐ต๐ถ๐ณ๐ข๐ญ ๐๐ณ๐ฐ๐ฅ๐ถ๐ค๐ต๐ด ๐๐ฆ๐ด๐ฆ๐ข๐ณ๐ค๐ฉ ๐๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฆ๐ณ.
Matagal nang ginagamit ang animal leather dahil sa tibay, flexibility, at aesthetic appeal nito. Gayunpaman, ang produksyon nito ay may kaakibat na mga usaping pangkapaligiran at pang-etika. Nangangailangan kasi ito ng balat ng hayop at dumaraan sa tanning process na gumagamit ng iba't ibang kemikal na maaaring makapinsala sa kapaligiran.
Itinuturing din ang leather industry bilang isa sa mga industriyang may pinakamalaking ambag sa polusyon dahil sa mataas nitong carbon footprint, malaking paggamit ng resources, at pagbuo ng chemical waste sa proseso ng produksyon.
Dahil dito, naging alternatibo ang ๐๐ฒ๐ด๐ฎ๐ป ๐น๐ฒ๐ฎ๐๐ต๐ฒ๐ฟ, isang leather-like material na hindi gumagamit ng balat ng hayop. Ngunit hindi lahat ng vegan leather ay sustainable. Ang polyurethane (PU) leather, halimbawa, ay cruelty-free ngunit karaniwang nakabatay sa fossil fuels, hindi biodegradable, at gumagamit ng synthetic chemicals sa paggawa.
Kaya naman patuloy na naghahanap ang mga mananaliksik ng mas sustainable na alternatibo.
๐๐ข๐ข๐ฏ๐ฐ ๐ฌ๐ถ๐ฏ๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ญ๐ฆ๐ข๐ต๐ฉ๐ฆ๐ณ-๐ญ๐ช๐ฌ๐ฆ ๐ฎ๐ข๐ต๐ฆ๐ณ๐ช๐ข๐ญ ๐ข๐บ ๐ฎ๐ข๐ข๐ข๐ณ๐ช๐ฏ๐จ ๐จ๐ข๐ธ๐ช๐ฏ ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ข๐ต ๐ข๐จ๐ณ๐ช๐ค๐ถ๐ญ๐ต๐ถ๐ณ๐ข๐ญ ๐ธ๐ข๐ด๐ต๐ฆ?
๐ ๐จ๐๐ ๐๐๐๐๐ง ๐ก๐ ๐ฆ๐๐๐๐ก๐ ๐ง๐จ๐ก๐๐ข ๐ฆ๐ ๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐ ๐๐ง๐๐ฅ๐ฌ๐๐
Sa ๐ก๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฎ๐น ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ฑ๐๐ฐ๐๐ ๐ฅ๐ฒ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ต ๐๐ฒ๐ป๐๐ฒ๐ฟ (๐ก๐ฃ๐ฅ๐) ng Partido State University, naging bahagi ng pananaliksik at inobasyon ang pagsagot sa tanong na ito.
Sa tulong ng ๐๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐ฆ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ง๐ฒ๐ฐ๐ต๐ป๐ผ๐น๐ผ๐ด๐ โ ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ ๐๐ผ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐น ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ป๐ฑ๐๐๐๐ฟ๐, ๐๐ป๐ฒ๐ฟ๐ด๐ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐บ๐ฒ๐ฟ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ง๐ฒ๐ฐ๐ต๐ป๐ผ๐น๐ผ๐ด๐ ๐ฅ๐ฒ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ต ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐ (๐๐ข๐ฆ๐ง-๐ฃ๐๐๐๐๐ฅ๐), isinagawa sa pangunguna ni ๐๐ป๐ด๐ฟ. ๐๐ถ๐ฒ๐ฟ ๐ฃ. ๐๐ฎ๐๐ด๐ฎ ang proyektong:
โDevelopment of Vegan Leather from Banana (๐๐ถ๐ด๐ข ๐ข๐ค๐ถ๐ฎ๐ช๐ฏ๐ข๐ต๐ข ร ๐ฃ๐ข๐ญ๐ฃ๐ช๐ด๐ช๐ข๐ฏ๐ข var. Cardaba) Peels Reinforced with Snake Plant (๐๐ข๐ฏ๐ด๐ฆ๐ณ๐ท๐ช๐ฆ๐ณ๐ช๐ข ๐ต๐ณ๐ช๐ง๐ข๐ด๐ค๐ช๐ข๐ต๐ข) Fibers.โ
Layunin ng proyektong ito na gamitin ang balat ng saging, isang karaniwang agricultural waste na karaniwang itinatapon matapos kainin ang prutas o matapos itong itapon ng mga lokal na nagtitinda. Sa halip na mapunta lamang sa basurahan, pinag-aralan kung paano maaaring gawing kapaki-pakinabang na materyal ang mga balat ng saging para sa pagbuo ng vegan leather.
Bukod sa pagiging isang karaniwang agricultural waste, ang balat ng saging ay naglalaman ng natural pectin, isang plant-derived polysaccharide na maaaring makatulong sa pagbuo ng film-forming at binding properties ng materyal. Sa paggamit ng pectin bilang natural na binder, nababawasan ang pag-asa sa karagdagang synthetic chemical binders sa proseso. Sa ganitong paraan, hindi lamang binibigyang-halaga ang isang karaniwang itinatapong materyal, kundi ginagamit din ang likas nitong katangian upang makatulong sa pagbuo ng isang plant-based na alternatibo sa leather.
Ang teknolohiyang ito ay ๐ฏ๐ข๐ช๐ณ๐ฆ๐ฉ๐ช๐ด๐ต๐ณ๐ฐ ๐ฃ๐ช๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ต๐ช๐ญ๐ช๐ต๐บ ๐๐ฐ๐ฅ๐ฆ๐ญ, na nagpapakita ng potensyal ng mga likas at agricultural resources bilang hilaw na materyales para sa mga bagong produkto at teknolohiya.
๐ [WIPO PATENTSCOPE โ Utility Model Record](https://patentscope.wipo.int/search/en/detail.jsf?docId=PH448660975&_cid=P21-MTU33O-72362-1)
Ngunit ang isang mahalagang bahagi ng research and development ay hindi lamang ang pagbuo ng isang teknolohiya.
๐๐ข๐ข๐ข๐ณ๐ช ๐ช๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ด๐ช๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ช๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ช๐ฅ๐ฆ๐บ๐ข.
๐ ๐จ๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐๐๐๐ฌ๐, ๐ฃ๐๐ง๐จ๐ก๐๐ข ๐ฆ๐ ๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐๐ก๐ข๐๐๐ฆ๐ฌ๐ข๐ก
Bilang pagpapatuloy at panibagong iteration ng teknolohiyang ito, sina ๐๐ฎ๐ถ๐๐ฒ ๐จ. ๐ฃ๐ฎ๐น๐บ๐ฒ๐, ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ ๐๐๐ฒ๐ป๐ฑ๐๐น๐น ๐. ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐๐ผ, at ๐ ๐๐ฟ๐ฎ ๐. ๐ง๐ผ๐ฟ๐ฟ๐ฒ๐, mga ๐๐ฆ ๐๐ถ๐ผ๐น๐ผ๐ด๐ ๐๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐ฑ๐ผ ๐ฆ๐๐ฎ๐๐ฒ ๐จ๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐๐, sa ilalim ng gabay ni ๐๐ป๐ด๐ฟ. ๐๐ถ๐ฒ๐ฟ ๐ฃ. ๐๐ฎ๐๐ด๐ฎ, ay bumuo ng panibagong kombinasyon ng mga lokal na plant resources, coconut at arrowroot, para sa pagbuo ng vegan leather.
Hindi maihihiwalay ang coconut sa agricultural landscape ng Bicol Region. Isa ang Bicol sa mga pangunahing coconut-producing regions sa bansa na may malawak na lupaing taniman ng niyog. Sa napakaraming niyog na itinatanim at pinoproseso sa rehiyon, kasabay nito ang malaking dami ng agricultural biomass at coconut waste na maaaring mapakinabangan sa halip na tuluyang ituring na basura.
Dito pumapasok ang konsepto ng ๐๐ฎ๐๐๐ฒ ๐๐ฎ๐น๐ผ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป: ang pagbibigay ng panibagong gamit at halaga sa mga materyales na karaniwang itinatapon.
Sa halip na maging simpleng agricultural waste, maaaring maging raw material para sa innovation ang mga bahagi ng coconut.
๐๐ต ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ณ๐ช๐ต๐ฐ, ๐ฏ๐ข๐ฃ๐ถ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ฐ๐ค๐ฐ๐๐ณ๐ข๐ง๐ต ๐๐ฆ๐ข๐ต๐ฉ๐ฆ๐ณ.
๐๐ผ๐ฐ๐ผ๐๐ฟ๐ฎ๐ณ๐ ๐๐๐๐ง๐๐๐ฅ
Ang ๐๐ผ๐ฐ๐ผ๐๐ฟ๐ฎ๐ณ๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐๐ต๐ฒ๐ฟ ay isang student-developed vegan leather na gumagamit ng coconut at arrowroot, na naglalayong gawing mas kapaki-pakinabang na materyal ang mga lokal at plant-based resources.
Kinilala ang inobasyon na ito matapos makamit ang ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฃ๐น๐ฎ๐ฐ๐ฒ sa ๐ฆ๐ฃ๐๐ฅ๐-๐จ๐ฃ ๐๐ป๐ป๐ผ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ผ๐บ๐ฝ๐ฒ๐๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป ng ParSU SILYAB Technology Business Incubation (SILYAB TBI), na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng 25th Charter Anniversary ng Partido State University.