15/08/2026
ANG SALINLAHI, MULING UMARIBA SA DISTRICT SCHOOLS PRESS CONFERENCE
Muling pinatunayan ng mga batang mamamahayag ng Ang SalinLAHI ang kanilang husay at tibay sa larangan ng pamamahayag matapos mag-uwi ng mga parangal sa District Schools Press Conference, na nagbigay sa kanila ng pagkakataong kumatawan sa distrito sa Division Schools Press Conference sa susunod na buwan.
Nanguna si Agnes E. Mahilum, na nagkamit ng Unang Gantimpala sa Pagsulat ng Agham at Teknolohiya, habang sinungkit naman ni Nessa Mae P. Naque ang Unang Gantimpala sa Pagsulat ng Kolum.
Nakamit ni Rolin Joyce P. Pepito ang Ikalawang Gantimpala sa Pagsulat ng Balita, gayundin si Raica Mae T. Esperon sa Pagsulat ng Editoryal. Samantala, nagkamit naman si Marialou P. Escaro ng Ikalimang Gantimpala sa Pagsulat ng Lathalain.
Mas naging makabuluhan ang tagumpay dahil unang pagkakataon pa lamang ng mga batang mamamahayag na lumahok sa naturang kompetisyon, ngunit agad nilang naipamalas ang husay, tapang at determinasyong makipagsabayan sa mga kalahok mula sa iba’t ibang paaralan sa distrito.
Sa loob ng tatlong magkakasunod na taon, nananatiling kapansin-pansin ang pag-angat ng mga mamamahayag ng Ang SalinLAHI sa District Schools Press Conference—patunay ng tuloy-tuloy na paghubog sa mga batang may tapang na magsulat, magtanong at magsilbing tinig ng kanilang komunidad.
Sa paggabay ng School Paper Adviser na si Jeoffrey L. Gatela at Assistant Coach na si Maria Loida B. Borja, haharap naman ang mga nagwaging mamamahayag sa mas malaking hamon sa Division Schools Press Conference.
Mula distrito, tungo sa dibisyon—dala ng Ang SalinLAHI ang panulat na may tinig, tapang, at layuning magbigay-liwanag sa bawat kuwento. 📰✍️
Congratulations, Ang SalinLAHI journalists! Patuloy na sumulat, manindigan, at magbigay-tinig!