14/09/2026
"Magandang araw, Scouts, Leaders, at sa lahat ng bumuo ng ating 3-Day Encampment!โ๏ธ
Sa wakas, Day 3 - Uwian na.โ๏ธ
Sa loob ng tatlong araw, sabay-sabay nating hinarap ang init, pagod, puyat, putik sa obstacle, kaba sa pagpapakitang gilas, at saya sa Night
2 Campfire. Hindi naging madali, pero tingnan nyo tayo ngayon - nakatayo pa rin, nakangiti pa rin, at mas matatag pa rin. Naalala ko ang sabi ni Baden Powell, ang ama ng Scouting:
'The most worth-while thing is to try to put happiness into the lives of others.'
At yun ang ginawa ninyo. Nagbigay kayo ng saya sa isa't isa. Tinulungan nyo ang kapwa Scout na nahihirapan sa obstacle. Pinalakpakan nyo ang bawat nagpakita ng talento kagabi kahit kinakabahan sila. At sa harap ng campfire, pinaramdam nyo na iisang pamilya tayo.
Ngayon, uuwi na tayo sa kanya-kanyang tahanan. Liligpitin na natin ang tent, pero sana huwag nating ligpitin ang mga aral na natutunan natin dito.
Dalhin natin pauwi ang disiplina, respeto, pagtutulungan, at pagiging Laging Handa.โจ
Ang tunay na Scouting ay hindi
natatapos sa pagliligpit ng tent.
Nagsisimula ito pag-uwi natin - sa
kung paano tayo tutulong sa pamilya, sa eskwelahan, at sa komunidad.
Mula sa bumubuo ng camp na ito, maraming maraming salamat. Sa mga Leaders, sa mga Teachers, sa mga magulang na sumuporta, at higit sa lahat, sa inyong mga Scouts na nagbigay ng buong puso sa camp na ito.
Baon namin ang alaala, baon nyo ang aral.๐
Hanggang sa susunod na camping!
Once a Scout, Always a Scout.โ๏ธ
Laging Handa!๐