17/08/2026
PAALALA SA ATING MGA MAGULANG: SAFETY AT LEARNING, PAREHO NATING RESPONSIBILIDAD
Good evening po sa ating lahat. Wala na naman po tayong face-to-face classes bukasโna marahil ay palaging inaabangan ng marami. ๐
Nakakapanghinayang po ang bawat araw na walang face-to-face learning para sa ating mga bata. Kaya habang sila ay nasa bahay, malaki po ang papel ng mga magulang sa kanilang learning, monitoring, at guidance. Patuloy po nating gabayan at hikayatin ang ating mga anak na mag-aral kahit wala sila sa paaralan.
Sa panig po namin bilang mga g**o at school personnel, patuloy pa rin ang aming pagtatrabaho at paghahanda para sa learning continuity. Ngunit sa totoo lang, ang higit na nawawalan sa bawat araw na walang learning opportunity ay ang ating mga anak. Kaya sana po ay sama-sama nating bigyang-halaga ang kanilang pagkatuto.
Nauunawaan po namin na SAFETY FIRST. Kaligtasan ng ating mga learners at ng lahat ay napakahalaga. Ngunit tag-ulan po talaga at may mga pagkakataong kinakailangang isaalang-alang ang panahon at iba pang kondisyon bago magkaroon ng desisyon tungkol sa pagpasok.
Magtutulungan tayoโpaaralan, magulang, at komunidadโupang matiyak na ligtas ang ating mga anak kasabay na sila ay natututo!
Kapag nasa bahay po sila, kayo po ang kanilang unang g**o. Samahan natin sila sa pagbabasa, pagsusulat, pagre-review, pagsagot sa kanilang mga gawain, at higit sa lahat, hikayatin silang patuloy na matuto.
Safety and learning can and must go together. ๐ค
Kaya po, mga mahal naming magulang, sama-sama po tayo. Tulungan nating mapanatili ang learning continuity ng ating mga anak kahit wala sila sa paaralan.
Para sa ating mga anakโligtas, patuloy na natututo, at patuloy na umuunlad. โค๏ธ๐
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at patuloy na suporta.
Alinsunod sa ๐๐๐ฆ๐จ๐ซ๐๐ง๐๐ฎ๐ฆ ๐๐ข๐ซ๐๐ฎ๐ฅ๐๐ซ ๐๐จ. ๐๐๐ ng Office of the President, ang face-to-face classes sa Lahat ng Antas sa Bayan ng Gerona ay SUSPENDIDO sa ๐๐๐ซ๐ญ๐๐ฌ, ๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐, dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon (Habagat).
Ang mga klase ay ililipat sa Modular o iba pang Alternative Learning Modalities, alinsunod sa mga panuntunan ng Department of Education (DepEd).
Para naman sa mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Gerona, ipatutupad ang work-from-home o alternative work arrangements, maliban sa mga frontline at essential services na magpapatuloy sa kanilang tungkulin.
Manatiling ligtas, maging mapagmatyag, at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo.
Kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad.