12/11/2020
Malaking tulong na rin po ito ๐
PRESS RELEASE
DepEd, isinusulong ang connectivity allowance para sa mga g**o, mag-aaral ng SHS para sa taong 2021
CAMARINES SUR, Nobyembre 11, 2020 โ Ipinapanukala ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang pagkakaroon ng connectivity allowance para sa mga pampublikong g**o at mag-aaral ng senior high school (SHS) upang suportahan ang distance learning ng bansa na magiging epektibo sa susunod na taon.
Hiniling ni DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones ang PhP 4 bilyong pondo sa Department of Budget and Management (DBM) para sa pagpapatupad ng Digital Education, Information Technology at Digital Infrastructure and Alternative Learning Modalities ayon na rin sa Batas Republika No. 11494 o mas kilala bilang Bayanihan to Recover as One Act.
Ang hiniling na pondo para sa nasabing inisiyatibo ay sasaluhin ang connectivity load ng humigit kumulang 3.2 milyong mag-aaral ng SHS at 900,000 g**o sa buong bansa.
โWe recognize the importance of load allowance for our learners and teachers to deliver quality education despite these challenging times due to the COVID-19 pandemic. With support from our Congress and the DBM, we shall continue to push for more financial assistance to our stakeholders,โ ani Secretary Briones.
Makakatanggap ang mga g**o ng PhP 450 load allowance samantalang makakakuha naman ng PhP 250 kada buwan ang mga mag-aaral ng SHS sa loob ng tatlong buwan, kung saan binibuo nito ang PhP 3.6 bilyon.
โโPag may connectivity load na, pwede na kayong magdownload ng [educational] videos or mas makausap pa ang inyong mga estudyante,โ giit Undersecretary for Administration Alain Del Pascua sa kasagsagan ng pagpupulong na ginanap sa Triangulo Elementary School sa Naga City kasama ang mga pinuno ng mga g**o nitong Martes.
Samantala, ilalaan naman ang natitirang PhP 400 milyon upang palawigin ang pagsasagawa ng mga learning materials para sa DepEd Commons, DepEd TV at Radio (PhP 200 milyon); dadagdagan rin ang pondo sa pag-imprenta at paghahatid ng mga self-learning module (SLM) (PhP 150 milyon) at magtatayo ng 2,000 radio transmitters sa mga Last Mile Schools (PhP 50 milyon).
Libreng access sa mga DepEd learning platforms
Umapela rin si Undersecretary Pascua sa mga opisyal ng paaralan na paalalahanan ang mga magulang at mag-aaral na libre ang pag-download (kahit walang load) sa mga educational videos at SLMs mula sa DepEd Commons.
โLearners can also watch DepEd TV live streaming for free at https://www.facebook.com/DepEdTVOfficial/,โ ibinahagi niya.
Ayon din kay Usec. Pascua, humahanap pa rin ng mga pamamaraan ang DepEd upang suportahan ang distance learning sa pamamagitan ng pakikipagusap sa mga telecommunication companies.
Sa kasagsagan rin ng consultative meeting, sinagot ni Usec. Pascua, kasama si Undersecretary for Field Operations Revsee Escobedo, ang mga isyu at alalahanin ng mga opisyal ng paaralan sa pagsasaayos ng mga pasilidad, kasama na rin ang pagsubok ng distance learning dulot ng Super Typhoon Rolly.