03/08/2021
Ang pamunuan ng Tangcaran Elementary School ay malugod na inaanyayahan ang lahat ng mga magulang, alumni, stakeholders, Barangay Officials, mga volunteers at ang lahat ng mga gustong tumulong para sa ikagaganda ng ating paaralan na makilahok sa taunang , simula Agosto 3 hanggang Setyembre 30 upang masigurong handa at ligtas ang paaralan sa darating na pasukan. Ang inyong suporta ay aming kailangan sapagkat "Ang anumang mabigat na gawain ay gumagaan at sumasaya kung tayo ay magtutulungan"
Maaari rin pong magbigay ng donasyon para sa ikabubuti at ikauunlad ng mahal nating paaralan. Anumang tulong mula sa inyong puso ay lubos po naming pasasalamatan. Maari po kayong magbigay ng mensahe dito sa ating page o i-chat/text ang mga teachers ng Tangcaran Elementary School. Maraming Salamat po.
COME, JOIN US AND BE A BRIGADA VOLUNTEER