25/08/2026
MATAGUMPAY NA NATAPOS ANG “GUHIT MO, TINIG MO!”
Isang matagumpay at makabuluhang Poster Making Contest ang isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026!
Ipinakita ng ating mga mag-aaral ang kanilang talento, pagkamalikhain, at makabuluhang pananaw tungkol sa temang:
“Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”
Saludo sa lahat ng lumahok at nagbahagi ng kanilang husay sa sining! Ang bawat likha ay patunay na ang wika, sining, at makabagong teknolohiya ay maaaring magsama-sama upang maipahayag ang mga ideya at pangarap ng kabataan.
Mabuhay ang talento! Mabuhay ang Wikang Filipino!