20/06/2026
๐ต๐ญ ARAW NG KALAYAAN 2026 ๐ต๐ญ
Buong galak at pagmamalaki na ipinapaabot ng Our Lady of Remedios College of Science & Technology, Inc. ang aming pagbati sa The Rhythm Rebels sa kanilang kahanga-hangang pagganap sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan noong Hunyo 12, 2026.
Isang malaking karangalan para sa aming paaralan na ang grupo ay naimbitahan ng City Government of General Trias upang maghandog ng isang natatanging sayaw at pagtatanghal bilang bahagi ng paggunita sa makasaysayang araw na ito para sa sambayanang Pilipino.
Ang Araw ng Kalayaan ay sumasagisag sa katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan ng ating mga ninuno. Ito ay paalala na ang kalayaan ay bunga ng kanilang sakripisyo at patuloy na pananagutan ng bawat Pilipino na pahalagahan at pangalagaan para sa susunod na henerasyon.
Ipinagmamalaki ng Our Lady of Remedios College of Science & Technology, Inc. ang mahusay na pagrerepresenta ng The Rhythm Rebels sa ating paaralan. Ang inyong husay, dedikasyon, at disiplina ay nagsilbing inspirasyon at nagbigay ng karangalan sa buong komunidad ng OLRCST.
๐๐ Mabuhay ang Kalayaan! Mabuhay ang Kabataang Pilipino! ๐ต๐ญ
โจ Binabati namin ang Rhythm Rebels sa kanilang matagumpay na pagtatanghal at sa patuloy nilang pagbibigay ng dangal sa ating paaralan. โจ
๐ทPhoto Courtesy: Althea Mae Lugay, Photojournalist of Publicators' Note
19/06/2026
19/06/2026
19/06/2026
17/06/2026
17/06/2026
13/06/2026
11/06/2026
06/06/2026
05/06/2026