18/07/2026
BES, Nagpasalamat sa 20 Plywood mula sa SDO Iloilo City❤️💙
Lubos na nagpahayag ng pasasalamat ang Baluan Elementary School (BES) sa 20 pirasong plywood na natanggap mula sa Schools Division Office (SDO) of Iloilo City kahapon bilang bahagi ng proyektong Bangon GenSan: Restoring Safe and Resilient Learning Spaces.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang pamunuan ng paaralan sa SDO General Santos City at kay Sir Herven A. Allado, SEPS-SMN, sa paglalaan ng nasabing donasyon na kabilang sa mga pangunahing pangangailangan ng paaralan batay sa School Needs Data System (SNDS).
Gagamitin ang mga plywood sa pagsasaayos ng sirang kisame sa ikalawang palapag ng Grade 5 Building na kasalukuyang naka-yellow tag at hindi pa magagamit ng mga mag-aaral.
Nagpapasalamat din ang paaralan kina Ma'am Lilibeth A. Jumao-as, AO II at SNDS Coordinator, at Sir Roy C. Francisco, SNDS Coordinator Alternate, sa kanilang mahalagang papel upang maisakatuparan ang nasabing donasyon.
Sa bawat tulong at malasakit, muling nabubuo ang pag-asa. Sa sama-samang pagkilos ng mga stakeholder, patuloy na bumabangon ang BES matapos ang magnitude 7.8 na lindol noong Hunyo—mas matatag, mas ligtas, at higit na handang muling maglingkod sa mga batang Baluanians.