IPagtuturo Programang Ekstensyon - Departamento ng Filipino MSU-Gensan

IPagtuturo Programang Ekstensyon - Departamento ng Filipino MSU-Gensan Maligayang Pagdating sa Opisyal na Pahina ng IPagtuturo: Programang Ekstensyon ng Departamento ng Filipino, MSU-GSC

18/04/2026
15/04/2026
Abril 15, 2026 HIBIKAS NG KABATAAN MULA NDAIS, TAMPOK SA DIYARYOLOGO 2026 Idinaos ang Diyaryologo 2026 na may temang “Hi...
15/04/2026

Abril 15, 2026

HIBIKAS NG KABATAAN MULA NDAIS, TAMPOK SA DIYARYOLOGO 2026

Idinaos ang Diyaryologo 2026 na may temang “Hibikas: Tinig ng Bayan sa Paghahabi ng Pamahayagan” mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa CFAS-AVR ng College of Fisheries, na dinaluhan ng mga piling mag-aaral at g**o mula sa NDAIS bilang bahagi ng programang ekstensyon ng Departamento ng Filipino, kasama ang mga ikaapat na taong BA-Filipino na kumukuha ng kursong Fil107: Pamahayagan.

Layunin ng seminar-workshop na patatagin ang pundasyon ng mga kabataang mamamahayag sa pamamagitan ng paglinang ng kanilang kaalaman at kasanayan sa larangan ng pamahayagan.

Ayon sa panauhing tagapagsalita na si G. Arshee Jenson Jr., “Sa ating mga pausbong na mga writer, i hope na maging inspirasyon nila na magpatuloy pa kase kailangan talaga natin ng katulad nila, and i hope na sa workshop na ito ay hindi sila ma-intimidate, rather ma-enganyo pa sila na makisalamuha kase yun ang objective ng pamahayagan, you're going to deal with a lot of people kaya i hope na mainspire sila.”

Samantala, ibinahagi naman ni Eulivonne Lanon Tubong, isang mag-aaral mula sa NDAIS na, “I-aapply ko sa aking pagsulat ang mga natutuhan ko dito sa workshop para mas mapaunlad pa ang aking kakayahan bilang isang campus journalist.”

Dumalo rin sa programa ang mga g**o ng Departamento ng Filipino at ang Dekano ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidades bilang suporta sa patuloy na paghubog sa mga kabataang mamamahayag sa larangan ng pamahayagan.

🖊️ Floree Byl A. Cabardo

✨Filipino Department Extension Program 2026 ✨Orientation at Paglagda ng Kasunduan para sa 2026 Extension ProgramIsinagaw...
23/03/2026

✨Filipino Department Extension Program 2026 ✨

Orientation at Paglagda ng Kasunduan para sa 2026 Extension Program

Isinagawa ang Pre-implementation Orientation at Signing of Grant Agreement para sa 2026 Approved Internally Funded Extension ngayong araw, ika-22 ng Marso, 2026.

Pinangunahan ni Ms. Herinawati Abdulsyukur ang proyektong IPagtuturo: Pagtuturo ng Filipino at Pagsasanay sa Pamahayagang Pangkampus, na naglalayong paigtingin ang kasanayan sa wika at pagsusulat ng mga IP na mag-aaral.

Kasabay nito, pinamumunuan naman ni Dr. Ian Jay C. Sunio ang Bantay-Wika: Kampanya sa Kamalayang Pangwika at Pangangalaga ng Wika, na nagtataguyod ng pagpapahalaga at pangangalaga sa ating mga wika.

Ang gawaing ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng departamento sa pagpapalawak ng kaalaman, kasanayan, at kamalayang pangwika sa komunidad.

Sama-sama nating isulong ang makabuluhang paggamit at pagmamahal sa ating wika!

𝗜𝗡𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗗𝗜𝗦𝗦𝗘𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 | 𝗥𝗘𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗣𝗔𝗖𝗧 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦𝗦𝗠𝗘𝗡𝗧 ✅Pebrero 25, 2026Ibinahagi ng Extension Team ng Departamento ng...
25/02/2026

𝗜𝗡𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗗𝗜𝗦𝗦𝗘𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 | 𝗥𝗘𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗣𝗔𝗖𝗧 𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦𝗦𝗠𝗘𝗡𝗧 ✅

Pebrero 25, 2026

Ibinahagi ng Extension Team ng Departamento ng Filipino ng Mindanao State University- General Santos ang resulta ng isinagawang Impact Assessment noong Pebrero 13, 2026 para sa programang IPagtuturo: Pagtuturo ng Filipino at Pagsasanay sa Pamahayagang Pangkamus.

Layunin ng programang ito na mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga IP na mag-aaral sa pamamahayag sa wikang Filipino at mapalakas ang boses ng komunidad. Ang mga resulta ay inilahad sa mga katuwang na Brgy. Local Government Unit ng Brgy. Siguel at Nicolas Danie-Aligado IP Integrated School bilang patunay ng patuloy na pakikipag-ugnayan at pananagutan sa komunidad.

Filipino para sa komunidad! ✨♥️

𝑰𝒎𝒑𝒂𝒄𝒕 𝑨𝒔𝒔𝒆𝒔𝒔𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑪𝒐𝒏𝒅𝒖𝒄𝒕𝒆𝒅 𝒇𝒐𝒓 “𝑰𝑷𝒂𝒈𝒕𝒖𝒕𝒖𝒓𝒐” 𝑬𝒙𝒕𝒆𝒏𝒔𝒊𝒐𝒏 𝑷𝒓𝒐𝒋𝒆𝒄𝒕The Faculty Assessment Leaders conducted an impact assessm...
14/02/2026

𝑰𝒎𝒑𝒂𝒄𝒕 𝑨𝒔𝒔𝒆𝒔𝒔𝒎𝒆𝒏𝒕 𝑪𝒐𝒏𝒅𝒖𝒄𝒕𝒆𝒅 𝒇𝒐𝒓 “𝑰𝑷𝒂𝒈𝒕𝒖𝒕𝒖𝒓𝒐” 𝑬𝒙𝒕𝒆𝒏𝒔𝒊𝒐𝒏 𝑷𝒓𝒐𝒋𝒆𝒄𝒕

The Faculty Assessment Leaders conducted an impact assessment of the internally funded extension project of the Filipino Department under the College of Social Sciences and Humanities entitled “IPagtuturo: Pagtuturo ng Filipino at Pagsasanay sa Pamahayagang Pangkampus.”

The activity aimed to evaluate the effectiveness, relevance, and outcomes of the project in enhancing Filipino language instruction and strengthening campus journalism skills among participants. The assessment was carried out in collaboration with the students and teachers of Nicholas Danie-Aligado IP Integrated School (NDAIS) in Barangay Bawing, General Santos City.

Through interviews, feedback sessions, and review of outputs, the team gathered insights on the project’s impact on teaching strategies, student engagement, and the development of writing competencies. The results of the assessment will serve as a basis for improving future extension initiatives and ensuring sustained community engagement and educational support.

PAG-AANYAYA SA MGA BOLUNTARYO: Extension Program ng Departamento ng FilipinoMakilahok sa pagsulong ng maka-PILIPINONG ka...
28/09/2025

PAG-AANYAYA SA MGA BOLUNTARYO: Extension Program ng Departamento ng Filipino

Makilahok sa pagsulong ng maka-PILIPINONG kaalaman!

Naghahanap ang Departamento ng Filipino ng mga indibiduwal na may puso para sa serbisyo at edukasyon upang maging boluntaryo sa ating Extension Program sa Pagbasa para sa mga mag-aaral na Blaan.

Narito ang mga pangangailangan:

1. Kasalukuyang nag-aaral sa AB Filipino (anomang taon).
2. Kasanayan sa Wikang Blaan, Katutubong Tagapagsalita (Native Speaker) ng wikang Blaan, o May malalim na pag-unawa at kasanayan sa paggamit ng wikang Blaan.
3. Dapat ay nasa mabuting kalusugan at physically fit upang makibahagi sa mga aktibidad ng programa at makapaglakbay kung kinakailangan.
4. May tunay na sigasig, pasensya, at pagmamahal sa pagtuturo ng wika at paghahatid ng karunungan sa komunidad.

Mga Benepisyo at Insentibo para sa mga Boluntaryo:

Bilang pagkilala sa inyong serbisyo at pagmamalasakit, ang mga mapipiling boluntaryo ay bibigyan ng:

1. Libreng Pagkain (Meals)
2. Subsidiya sa Pamasahe (Transportation Allowance)
3. Sertipiko ng Pagkilala (Certificate of Recognition)

Paano Mag-aplay?

Kung nakita mo ang iyong sarili sa mga pamantayan na nabanggit, makipag-ugnayan agad kina:

Prof. Christofferson Del Sol, MAEd, Prof. Ian Jay C. Sunio, PhD, o kay Bb. Herinawati Abdulsyukur, LPT

Sa miyerkoles na (Oktubre 3, 2025), ang huling araw ng pagpapatala.

Ito ay isang natatanging pagkakataon upang maging bahagi ng pagpapalaganap ng literasiya at kultura!

Narito ang link sa pagpapatala:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScXNNvyVW2knsdocRrJz9IOg2M4ccqgmMmxglad6wHylX_b5A/viewform

Madaling-araw pa lang ay naghahanda na ang mga Practice Teachers para bumiyahe gamit ang Jeep  patungong Nicolas Danie-A...
04/04/2025

Madaling-araw pa lang ay naghahanda na ang mga Practice Teachers para bumiyahe gamit ang Jeep patungong Nicolas Danie-Aligado IP Integrated School (NDAIS) at sinisikap na hindi mahuli sa klase. Papasok pa lang kami sa paaralan ay sinalubong na kami ng ngiti, kaway at kagalakang kami'y mayakap.

Sa aming pagbahagi ng kaalaman sa mga kabataan gamit ang iba't ibang materyales at kagamitan sa pagtuturo ay napagtanto namin na sa kabila ng mga hamon ng malalayong lokasyon at limitadong resources, patuloy ang dedikasyon ng mga g**o sa kabukiran upang magbigay ng kalidad na edukasyon sa mga kabataang naglalakbay upang matuto pati na rin ang mag-aaral na sa kabila ng mga hamon at distansya, ang mga mag-aaral mula sa kabukiran ay patuloy pa ring naglalakbay tungo sa kanilang mga pangarap, bitbit ang pag-asa at determinasyong magtagumpay.

Sa kanilang sitwasyon, tunay ngang ang edukasyon ay hindi lamang isang karapatan, kundi isang pribilehiyo dahil hindi lahat ay may pantay-pantay na akses dito. Sa mga lugar na malalayong kabukiran o mahihirap na komunidad, maraming mag-aaral ang nahihirapan makapagtapos ng pag-aaral dahil sa kakulangan ng mga pasilidad, g**o, o transportasyon.

Sa aming pag-uwi ay napuno ang aming mga puso ng kanilang pagmamahal. Hindi matutumbasan ng kahit na anong halaga ang kanilang kagustuhang matuto at magkaroon ng magandang kinabukasan.

☑️Memorandum of Agreement (MOA) Signing Ceremony for Internal Extension Fund Grant
04/04/2025

☑️Memorandum of Agreement (MOA) Signing Ceremony for Internal Extension Fund Grant

Pagbabâ namin ng trak, ay sialubong kami ng mano at yakap ng mga bata sa Danie-Alegado IP Integrated School (NDAIS)—kasi...
26/03/2025

Pagbabâ namin ng trak, ay sialubong kami ng mano at yakap ng mga bata sa Danie-Alegado IP Integrated School (NDAIS)—kasing init ng yakap ng sinag ng araw.

Kaniya-kaniyang paghahanda ng halos 40 na practice teacher, kaniya-kaniyang diskarte sa lahat ng iniatas na asignatura mula elementarya hanggang hayskul.

May ibang naggitara, kumanta, sumayaw sa himig sa musika, naglaro, naglibot, nagbasa at kung ano-ano pang mga pagkulo para sa epektibong pagkatuto ng bawat bata.

Ika nga ng isang g**o sa NDAIS "mahirap ang magturo ng mga bata at umakyat sa bundok, ngunit napapawi ang lahat ng pagos sa sakripisyo sa simpleng 'sir, marami po akong natutunan sa inyo'".

At kung titignan, may natutunan din kami sa mga batang ito.

Sa Bawat Hakbang, May Aral at Yakap
13/03/2025

Sa Bawat Hakbang, May Aral at Yakap

Address

Brgy. Fatima
General Santos
9500

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IPagtuturo Programang Ekstensyon - Departamento ng Filipino MSU-Gensan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category