01/04/2026
πππ£ππ€π π₯ππ§π π¨π πΌππΌπ | SK Brgy. Conel, naghatid ng feeding program sa CCES ARAL Learners
CONEL β Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Conel Central Elementary School sa Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Conel, sa pangunguna ni SK Chairman Ryan Jay Lorica, sa matagumpay na pagsasagawa ng feeding activity para sa mga ARAL learners noong Marso 10β11, 2026.
Layunin ng nasabing aktibidad na suportahan ang kalusugan at nutrisyon ng mga mag-aaral bilang bahagi ng kanilang pagkatuto at pangkalahatang pag-unlad.
Sa loob ng dalawang araw, nabigyan ng masustansyang pagkain ang mga batang benepisyaryo, na nagdulot ng kasiyahan at sigla sa bawat kalahok. Ipinakita ng programang ito ang malasakit ng SK sa kapakanan ng kabataan at ang kanilang aktibong papel sa pagpapaunlad ng komunidad.
Ang ganitong inisyatiba ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa at malasakit, mas napapalakas ang pundasyon ng edukasyon at kalusugan ng bawat batang Conelian. πβ¨