11/08/2026
DEPED GENSAN, PINALALAKAS ANG KALIGTASAN AT KAHANDAAN SA MGA PAARALAN
Pinaiigting ng Department of EducationโGeneral Santos City Division ang mga hakbang para matiyak ang ligtas, secure, child-friendly, at disaster-ready na mga paaralan ngayong School Year 2026โ2027.
Batay sa School Safety & Preparedness Primer, binibigyang-diin ang anim na pangunahing hakbang: seguridad sa campus, proteksyon sa paligid ng paaralan, kahandaan sa sakuna, kaligtasan ng mga mag-aaral, proteksyon sa bawat bata, at mabilis na pag-uulat at pagtugon sa insidente.
Kabilang sa mga itinatampok na hakbang ang mahigpit na visitor management, paggamit at pagsusuri ng CCTV at lighting systems, pakikipagtulungan sa PNP at barangay, pagpapanatili ng safe school zones, regular na earthquake at fire drills, hazard mapping at evacuation planning, classroom safety checks, health and sanitation measures, child protection, mental health support, cyber safety, at pagkakaroon ng maayos na emergency communication at incident reporting system.
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, muling binibigyang-diin ng DepEd GenSan na ang kaligtasan sa paaralan ay responsibilidad ng lahatโmga school personnel, mag-aaral, magulang, partners, at buong komunidad.
Ligtas. Secure. Child-Friendly. Disaster-Ready.
Sama-sama nating gawing mas ligtas ang bawat mag-aaral, bawat silid-aralan, at bawat paaralan, araw-araw.