مجمّع النور الإسلامي / Annooor Islamic Complex

مجمّع النور الإسلامي / Annooor Islamic Complex

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from مجمّع النور الإسلامي / Annooor Islamic Complex, School, Purok 07 Camasi, Barangay Ligaya, General Santos City.

24/08/2026

Mubārak sa isa sa ating mga huffādh na natanggap sa prestihiyosong unibersidad na Tayyibah sa Madinah, Kingdom of Saudi Arabia.

Pansamantala nating tinakpan ang kanyang pagkakakilanlan. In shaa Allah ilalantad rin natin ang kanyang katauhan pagkatapos maproseso ang lahat.

Mula sa pamunuan ng ating Ma'had,
Khairukom Qur'anic Instiute
معهد خيركم لتحفيظ القرآن الكريم
binabati natin ang ating hāfidh..

02/08/2026

Minsan, kailangan ring maghigpit sa pamamalakad.
May mga tao kasing sasamantalahin ang kabaitan at pagiging maluwag sa sistema.

31/07/2026

August 01, 2026

Fogs 😮

معهد خيركم لتحفيظ القرآن الكريم

29/07/2026

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu..

Mapya mapita salkanu langun..

Sa mga minamahal po naming mga magulang, may mga iilang kahilingan po kaming natanggap mula sa inyong mga anak at mula rin po sa iilang mga magulang.

Ang ilan po sa mga anak niyo ay tatayong khatib bukas (magkhukhutbah)
Humiling sila ng palugit ng pagbabalik sa Ma'had kahit isang araw lang.
Ang ilan naman po sa mga magulang ay humiling ng kahit dalawang araw na palugit.(sabap santu buba i kapagkasulutin) Dahil sa layo at hirap ng buhay.
Naiintindihan po namin ang inyong sentimyento.

Kaya naman, pagkatapos naming pagtimbang-timbangin ang bawat panig at sitwasyon, nangibabaw sa amin ang inyong kahilingan. Minabuti naming iadjust ang petsa ng pagbabalik ng inyong mga anak sa Ma'had.
Sa halip na bukas (araw ng Jumu-ah), July 31, papalitan po natin ito ng araw ng Linggo (August 02).
Bakit po pinalitan ?
1. Bukod sa kahilingan ng inyong mga anak, gusto rin naman po naming masulit niyo ang pagkakataong makasama sila at batid naming kulang ang limang araw.
2. Naiintindihan namin ang sitwasyon ng bawat isa. Karamihan po ay hinahanap pa ang gastusin na ipapabaon sa anak.
3. Araw ng Linggo, maluwang ang kalsada. Wala gaanong buwaya sa daan 😆
Kampanteng makakadaan ang lahat.
Alam niyo na po kung ano ang tinutukoy ko.

Gayun pa man, sa mga malalapit ang tirahan, simula po bukas, araw ng Biyernes, pwede niyo na pong pabalikin ang inyong mga anak sa Ma'had.
Ang palugit na ating ibinigay ay para sa mga galing pang malalayo at bibyahe pa patungong GenSan.

Naway malinaw po ang aming anunsyo.

Maraming salamat po, at muli, naiintindihan namin kayo.

Magandang umaga sa lahat..

26/07/2026

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu..

Sa mga nagtatanong po kung open naba ang pagtanggap ng mga bagong estudyanteng gustong mag-enroll sa Ma'had, OPO. Binubuksan namin muli ang pintuan ng pagtanggap ng mga bagong estudyante.
Limitted slots lang po.
Batang lalaki edad 13 - 25 year old.
Kahit hindi marunong magbasa at sumulat, tinatanggap namin.
Willing kaming magturo ng kahit zero balance sa arabic.

Magtungo lang po sa Ma'had dala ang mga sumusunod:
1. Photo copy of birth certificate
2. Barangay certificate
3. NBI or Police clearance para sa mga edad 18 pataas.
4. 300 pesos enrollment
5. 500 monthly due

Location po ng Ma'had natin:
معهد خيركم لتحفيظ القرآن الكريم
Khairukom Qur'anic Institute
Purok Camasi, Barangay Ligaya, General Santos City

Photos from ‎مجمّع النور الإسلامي / Annooor Islamic Complex‎'s post 24/07/2026

Welcome po kayo..

24/07/2026
24/07/2026

Welcome po kayo bukas..

Photos from ‎معهد خيركم لتحفيظ القرآن الكريم‎'s post 23/07/2026
22/07/2026

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu..

Mula sa pamunuan ng Khairukom Qur'anic Institute, kayo po ay aming inaanyayahang dumalo at makiisa sa gaganaping recognition ceremony 2026 para sa mga mag-aaral nating nakapagsaulo ng marangal na Qur'an.

Ito po ay gaganapin sa Datu Imam Mantil C. Kudanding Gym sa Purok Camasi, Barangay Ligaya, General Santos City.
( Saturday July 25, 2026, 7:00 AM onward )

Ang inyo pong pagdalo at pagtugon sa aming paanyaya ay kabilang sa kukompleto ng tuwa at galak ng mga bata.

Maraming salamat po.

Admin

Want your school to be the top-listed School/college in General Santos City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Purok 07 Camasi, Barangay Ligaya
General Santos City
9500