23/12/2025
Making Memories: Built by Us and Celebrated Together💖
This is our kind of year-end review—no stress, just pure fun and wonderful company. Seeing the complete grade group in one place was the ideal way to end the semester and reflect on our blessings. From the set-up to the final dance, it was a collaborative effort that demonstrated that we are more than just classmates; we are a community that actually cares about one another.
As we wrap up this chapter and prepare to return to the classroom, we wish everyone a new year filled of adventure and limitless possibilities.
Cheers to the memories we've created and the magic that is yet to come!
31/08/2025
Isang matagumpay at makabuluhang selebrasyon ng buwan ng wika 2025 ang idinaos ng Open High School Program sa Irineo L. Santiago National High School of Metro Dadiangas, bilang pagbibigay halaga at pagkilala sa ating wikang pambansa at sa mga katutubong wika na nagsisilbing tulay upang tayo ay magkaisa.
Ilan sa ating mag-aaral ay lumahok sa spoken poetry, slogan contest, pagsuot ng katutubong kasuotan at pagrampa ng malikhaing malong. Kung saan ipinamalas nila ang kanilang talento at malikhaing kakayahan. Sila ay kinilala at binigyan ng parangal, upang maging makatarungan at patas ang hatol sa bawat patimpalak, lubos naming pinasasalamatan ang mga hurado.
Taos puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagtaguyod at lumahok sa isang matagumpay na selebrasyon ng buwan ng wika 2025. Sana ay hindi lang sa buwan ng agosto kinikilala ang ating wikang pambansa, sana'y palagi natin itong isa puso't isip.
Basta metrian, magaling yan!
24/08/2025
MALUGOD NA PAGTANGGAP SA AMING PAARALAN
Kung may mga paglisan mang nag-iiwan ng pangungulila, kapalit nito’y may mga bagong pagdating na nagbibigay ng pag-asa at sigla.
Isang buong pusong malugod na pagtanggap sa ating bagong Punong-Guro, Dr. Laila L. Jubelag!
Malaki ang aming kagalakan na makasama kayo sa pagpapatuloy ng adhikain ng Irineo L. Santiago National High School of Metro Dadiangas para sa ikauunlad ng bawat mag-aaral.
24/08/2025
SPOKEN POETRY 🎤✨
Kahapon, ilan sa ating mga mag-aaral ang nag-alay ng mga makabuluhan at napakagandang tula bilang pagpupugay at pasasalamat sa ating dating minamahal na punong-guro.
Hindi maikakaila ang lungkot na bumalot sa atin—mga luhang pumatak at damdaming hindi kayang itago sa kanyang pag-alis. Subalit kasabay ng pangungulila, ay ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng kanyang nagawa para sa ating paaralan, lalo’t higit para sa bawat mag-aaral.
Ang mga tulang inihandog ay hindi lamang simpleng salita, kundi alaala at patunay ng pagmamahal at paggalang na nananatili sa puso ng bawat Metrian.
Bagama’t siya ay lumisan, ang mga aral at gabay na kanyang iniwan ay mananatiling nakaukit sa ating isipan—habambuhay na magsisilbing tanglaw at inspirasyon. 💙
24/08/2025
SLOGAN, POSTER MAKING, AND ESSAY WRITING ✍️🎨📜
Kahapon ay ipinamalas ng ating mga mag-aaral ang kanilang angking talino at husay sa pamamagitan ng slogan writing, poster making, at essay writing bilang pagbubukas ng ating pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon at Buwan ng Wika.
Sa bawat guhit at kulay, sa bawat titik at salita, ay nasasalamin ang kanilang malikhaing isipan at pagmamahal sa kalusugan at kultura. Hindi maipagkakaila ang kanilang dedikasyon at galing na nagbigay-buhay sa ating makabuluhang selebrasyon.
Tunay nga, basta Metrian—magaling ‘yan!
24/08/2025
Magandang araw, Metrians!
Kahapon ay matagumpay nating nailunsad ang iisa ngunit makabuluhang pagbubukas ng dalawang mahahalagang selebrasyon—Nutrition Month at Buwan ng Wika.
Sa ilalim ng tema ng Nutrition Month na “Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat” at ng Buwan ng Wika na “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa”, ating ipinakita ang pagkakaisa, kasiglahan, at kahalagahan ng kalusugan at kultura sa paghubog ng mas makabuluhang kinabukasan.
Tunay na kahanga-hanga ang pakikiisa ng bawat Metrian sa pagdiriwang na ito—isang patunay na sama-sama nating maisusulong hindi lamang ang wastong nutrisyon, kundi pati na rin ang pagmamahal at pagpapahalaga sa ating sariling wika at kultura.
Mabuhay ang Metrians! 💚💙
18/08/2025
✨ Introducing our passionate new leaders of Supreme Secondary Learner Government of Open High School Program at Irineo L. Santiago National High School of Metro Dadiangas! Together we'll make things possible. Let's make difference and be the best for a brighter future, Metrians!