15/09/2026
Tunay na napakalungkot ng iyong paglisan sa amin. Hindi man namin kayang itago ang sakit at pangungulila, wala kaming masasabi kundi ang sinabi ng Propeta ﷺ:
إِنَّ لِلَّهِ مَا أَخَذَ، وَلَهُ مَا أَعْطَى، وَكُلُّ شيءٍ عِنْدَهُ بِأَجَلٍ مُسَمًّى
“Kay Allah ang Kanyang kinuha, at sa Kanya rin ang Kanyang ipinagkaloob. At ang lahat ng bagay ay may itinakdang panahon para sa Kanya.”
Hindi namin malilimutan ang kabutihang iyong ipinadama sa bawat isa sa amin—ang iyong mabuting pakikitungo, ang mga pinagsamahan, paglalakbay, at mga sandaling naging bahagi ng ating pagkakapatiran.
Nawa’y patawarin ka ni Allah, kahabagan ka, tanggapin ang iyong mabubuting gawa, liwanagan at palawakin ang iyong libingan, at ipagkaloob saiyo ang pinaka mataas na antas ng kanyang paraiso.
اللَّهُمَّ اغْفِرْ لَهُ وَارْحَمْهُ وَعَافِهِ وَاعْفُ عَنْهُ