01/09/2026
Basta may pagtutulungan, aksyon agad! ๐๐
Isang patunay ng matibay na partnership ng Deped RXII Blala Elementary School, Barangay at City Government Unit, sa pagtugon ng aming kahilingan para sa road clearing patungo sa aming paaralan.
Hindi maikakaila ang saya ng aming mga learners nang masaksihan nila ang pagdating ng bulldozer sa paaralan. Sa kanilang mga mata, hindi lamang ito isang makinaโito ay simbolo ng tulong, malasakit, at pag-asa.
Maraming salamat sa aming Prk Chairman Victor Dulay, sa aming Punong Barangay Kap Abdul Rahim Paidumama, at ang City Government sa patuloy na pakikiisa para sa ligtas at mas maayos na daan tungo sa edukasyon ng ating mga kabataan. Kapag sama-sama, walang hamon na hindi kayang lampasan. ๐๐๐