06/07/2016
Hello admin, Medyo SPG to!
Pag may gusto kayong lalaki sa school? Grab a crab na kaagad.
Let me give you some advices:
1. Research! Lahat lhat sa kanya, social media accounts, departments, rooms, friends, staff, canteen personnel, teachers, basta lahat. Pero wag mo i-add let them search for you! π
2. Make friends sa lahat ng nabanggit na tao sa number 1.
3. Make arrangements with the Guards sa guard house kahit si kuya na masungit chikahin mo about sa crush mo, tapos yung plano mong time in and time out ni crush, para di ka ngangang hanap ng hanap umuwi na pla. Gaga!
4. Alamin mo ang mga vacant hours niya, tignan mo sa harap ng deans office o kaya mag hingi ka ng copy sa secretary ni dean or i friend mo si registrar, madali lang yan! Nagawa ko na yan! I friend m0 din ang sa clinic at lab. Sila makakatulong sayo.
5. Kilalanin mo ang parati niyang sabay, babae man yan lalaki bakla tomboy, make friends with them sila pag asa mo. I libre mo pag ayaw! Mga choosy! Or i research mo baho nila. Wahahah (joke!)
6. Alamin mo hobbies niya bes, dota, yosi, alak, drugs (char lang! Wala yan!) sapatos, gadget or basta kahit ano. Diyan sya humuhugot! Pakotaan mo, or bumili ka din. Bahala ka! Bumili ka!
7. Gawin mo din. No joke! Gawin mo din. Ni research mo tapos nganga ka! Or mag pretend ka! Bahala ka! Pero kung di mo kaya gumawa ka din ng list of advices mo! Chaka ka!
8. Tawagin ang barkada para sa final plan na gagawin, saan ang venue anong oras ang arte mo at dapat wag shunga yung mga kukunin mo. It's do or die!
9. Pag nasa venue na, dapat wala kang pasok i settle mo yan. Dapat plantsado ang plano. Let your friends do the move. Pag tinanong ka sumabat ka, pag naki pag shake hands potang *na wag ng aarte pa. Tapos that's the right time for your big plan.
10. Awkward moment yan dapat, planado na yan, ang una mong sasabihin ang isasagot sa mga tanong at dapat mag pa kipot ka naman konti, smile ka tapos kahit di nakaka tawa tumawa ka lang yung prang plastik na tawa para ma attract sya sayo. Never mong ibibigay number mo unless hiningi ni boy!
TANDAAN MO:
β’ wag na wag mong iisiping natalo ka after the plan, kasi di pa yan natatapos, hahanapin ka niyan sa fb or i ttxt ka kung di kinuha number mo wag ka mag alala. Kukunin niya yan sa iba. π
11. Para sa mga bakla:
Bes, dapat may extra money ka! Tandaan mo! Pag may alak may VALAK! Kung gusto mo agad agad, go na! Ilabas ang cheke! πΉ
12. Pag Mahal mo na sya, IWAN MO NA!!!! πͺπΌπͺπΌπͺπΌKasi jan na ang umpisa ng problemang pino-problema ko ngayon. I never see it coming, and it's slowly killing me in the inside. Enjoy mo lang while it last. Never let your panties go down! Talo ka. Swear! You'll never know na mahal ka niya kasi bata pa kyo. Hahanap at hahanp yan. I've been in your shoes.
For the past 2 years of my life, he is always the captain of my ship and the SUN of my universe. Until such time na kahit lahat lahat binigay mo na, kulang at kukulangin pa din. Yung di mo alam saan ka nagkamali, yung kilalang kilala niyo na ang isa't isa, pero I never let his beast sneak into my presence. Di ko nakikita, or hinahayaan ko lang dahil mahal ko sya. It will always be in his inside, getting ready, preparing for the big bite! Tapos pag lumabas na yun, dun mo na mamasabing "SAAN AKO NAG KULANG?" INALAGAAN MO NG ILANG TAON TAPOS KAKAGATIN KA LANG? Yes! Enjoy while it last pero tandaan mo, consider the instinct of your friends, they know it better. πΎ
Basta! Goodluck and I hope kung madadaan mo man ang step 12 ay ready ka at handa ka na. Siguro nga di man tayo parehas ng kwento pero soon enough May matututunan naman tayo.
MAGNA CUM LANDI
2016