13/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐๐ข ๐๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฌ๐ข๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐จ
๐ฆ๐ถ๐๐ฎ๐บ ๐ป๐ฎ ๐ฟ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ถ๐น๐๐ผ๐ป.
Iyan ang tinatayang halaga ng rehabilitasyong kakailanganin ng Mindanao State UniversityโGeneral Santos matapos ang mapaminsalang 7.8 magnitude na lindol na yumanig sa Mindanao noong Hunyo 8, 2026. Sa loob lamang ng halos dalawang minuto, ang mga gusaling itinayo sa loob ng maraming dekada ay nabitak. Ang mga pasilidad na pinaghirapan ng ilang henerasyon ay naging delikado gamitin. Ang pamantasang nagsisilbi sa libo-libong estudyante ang napilitang harapin ang isa sa pinakamabibigat na pagsubok sa kasaysayan nito.
Ngunit habang sinusukat ng mga inhinyero ang lalim ng mga bitak sa mga pader at kisame, may isa pang pinsalang unti-unting lumilitawโisang uri ng pinsalang hindi kayang ayusin ng semento, bakal, o anumang rehabilitasyon ng imprastraktura.
Ito ang lumalawak na agwat sa pagitan ng pangangailangan ng MSU-General Santos at ng antas ng atensyong natatanggap nito mula sa mga institusyong dapat unang umakay rito sa oras ng krisis.
Sa pinakahuling assessment ng unibersidad, ilang pasilidad ang isinailalim sa restricted use dahil sa mga natukoy na pinsalang nangangailangan ng masusing pagsusuri. Kabilang dito ang ibaโt ibang akademikong gusali, pasilidad para sa mga mag-aaral, at iba pang mahahalagang bahagi ng kampus. Higit pang mabigat ang sitwasyon ng mga gusaling idineklarang off-limits dahil sa seryosong panganib sa kaligtasan, kabilang ang Y-Building na nagsisilbing sentro ng administrasyon, ang COED Dormitory, at ang gusali ng College of Medicine.
Hindi maliit na abala ang mga ito.
Ang bawat gusaling isinara ay nangangahulugan ng mga klaseng kailangang ilipat, mga opisinang kailangang maghanap ng pansamantalang tahanan, mga serbisyong kailangang muling isaayos, at mga estudyanteng kailangang umayon sa gitna ng isang sitwasyong hindi nila pinili.
Mas mabigat pa rito ang isang katotohanang hindi dapat balewalain.
Hindi lamang mga lumang pasilidad ang napinsala. Maging ang ilang gusaling milyun-milyong piso ang inilaan para maitayo at ang ibang nasa proseso pa lamang ng konstruksyon ay nagtamo rin ng malubhang pinsala. Ang mga estrukturang inaasahang magiging simbolo ng pag-unlad at modernisasyon ay agad na nasubok ng kalamidad bago pa man ganap na mapakinabangan ng komunidad.
Sa isang iglap, ang mga gusaling dapat sanaโy magiging sandigan ng panibagong henerasyon ng mga iskolar ay naging paalala kung gaano kabilis mabago ng sakuna ang isang institusyong matagal nang binuo.
๐๐ฎ๐ด๐ผ ๐ฝ๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ฝ๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ด๐ฎ ๐๐ถ๐๐ฎ๐ธ
Higit pang nagpapabigat sa sitwasyon ang katotohanang hindi pa man ganap na natatapos ang pagsasaayos at rehabilitasyon sa ilang gusali ng unibersidadโkabilang ang Gemma East at West, CAS, at iba pang pasilidad na matagal nang nangangailangan ng pagkukumpuniโay muli na naman silang naapektuhan ng panibagong sakuna.
Sa loob ng maraming taon, hindi na bago sa komunidad ng MSU-General Santos ang usaping imprastraktura. May mga gusaling matagal nang hinihintay na maayos. May mga pasilidad na nangangailangan ng modernisasyon. May mga proyektong hindi pa ganap na natapos.
Nasadlak ang komunidad sa isang sikulong tila paulit-ulit: sira, kumpuni, at sira ulit.
Bago pa man lubusang makaahon ang unibersidad mula sa mga naunang suliranin nito, isa na namang kalamidad ang dumating upang magdagdag ng panibagong pinsala at panibagong gastusin.
Ito ang masakit na katotohanan: hindi nagsisimula sa wala ang laban ng MSU-General Santos. Ang isang kampus na pilit pa lamang bumabangon mula sa mga dati nang hamon ay muling pinadapa ng isang sakunang hindi nito kontrolado.
Hindi rin dumating ang lindol sa panahong walang magiging epekto sa akademikong kalendaryo. Nangyari ito matapos ang pagtatapos ng mga klase, habang naghahanda ang unibersidad para sa commencement exercises, enrollment, at pagbubukas ng panibagong akademikong taon.
Dahil dito, hindi lamang rehabilitasyon ng mga gusali ang kinakaharap ng pamantasan. Kasabay nitong kinakaharap ang tanong na direktang nakaaapekto sa libo-libong estudyante: saan isasagawa ang mga klase kung may mga gusaling hindi na maaaring gamitin? Paano matitiyak ang maayos na pag-aaral kung ang ilang pasilidad ay isasailalim sa matagalang rehabilitasyon? At paano haharapin ng mga mag-aaral ang panibagong semestre sa gitna ng kawalang-katiyakan?
Sa ganitong konteksto, hindi dapat ituring na ordinaryong usapin ang nangyayari sa MSU-General Santos. Ang usaping ito ay lampas na sa simpleng pagkukumpuni ng mga gusali. Ang pinag-uusapan dito ay ang kakayahan ng isang pampublikong pamantasan na maipagpatuloy ang mandato nitong magbigay ng ligtas, maayos, at dekalidad na edukasyon sa gitna ng isang krisis.
๐๐ป๐ด ๐๐ผ๐ฟ๐ผ๐ป๐ฎ ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐, ๐ก๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ข๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐ด๐ผ๐ป๐๐ฎ?
Dito lalong nagiging mahalaga ang papel ng buong MSU System.
Tuwing nag-aani ng karangalan ang mga mag-aaral ng MSU-General Santos, agaran at walang pag-aatubiling inaangkin ng buong sistema ang kanilang tagumpay. Sa bawat board passer, bawat kampeon sa pambansang kompetisyon, bawat natatanging mananaliksik, at bawat karangalang natatanggap ng kampus, mabilis nitong iwinawagayway ang husay ng buong Mindanao State University System.
Ang tagumpay ng isa ay tagumpay ng lahat.
Ngunit kung gayon, hindi ba dapat ganoon din kapag sakuna ang dumating?
Kung ang mga medalya at tropeo ay kayang pagkaisahin ang sistema, bakit tila nahirapan itong magpakita ng kaparehong pagkakaisa nang ang isang constituent university ay humarap sa halos โฑ900 milyong pinsala?
Limang araw matapos ang lindol, wala pang malinaw na pampublikong pahayag mula sa sentral na pamunuan ng MSU System hinggil sa konkretong tulong, rehabilitasyon, o suportang ilalaan para sa MSU-General Santos. Sa panahong ang mga gusali ay sinusuri, ang mga opisina ay inililipat, at ang komunidad ay naghahanap ng katiyakan, ang katahimikan ay lalong nagiging mabigat.
Hindi ito simpleng usapin ng public relations. ๐๐ฉ๐ค ๐๐ฎ ๐ช๐จ๐๐ฅ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐จ๐ฉ๐๐ฉ๐ช๐ฉ๐๐ค๐ฃ๐๐ก ๐ฅ๐ง๐๐จ๐๐ฃ๐๐.
Sapagkat sa gitna ng krisis, hindi lamang pondo ang hinahanap ng isang kampus. Hinahanap nito ang katiyakang may sistemang nakahandang tumindig kasama nito. Hinahanap nito ang pakiramdam na ang mga problemang pasan nito ay hindi lamang problema ng isang constituent university kundi problema ng buong pamantasan.
Ngayong nakadapa ang MSU-General Santos at nangangailangan ng malawakang rehabilitasyon, hindi maiiwasang itanong kung hanggang saan aabot ang konsepto ng ๐ข๐ป๐ฒ ๐ ๐ฆ๐จ.
Sapagkat ang isang kampus na may mga gusaling hindi na ligtas gamitin, may mga pasilidad na idineklarang off-limits, at may libo-libong estudyanteng direktang naaapektuhan ng pagbubukas ng klase ay hindi dapat maiwang mag-isang maghanap ng paraan upang makabangon.
Hindi dapat maging pana-panahon ang pagkakaisa.
Hindi dapat ito lumilitaw lamang kapag may karangalang maaaring ipagmalaki.
๐๐ถ๐ด๐ถ๐ ๐ฝ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด
Makalipas ang ilang araw, naglabas ng pahayag ang Office of the Student Regent. Nagpahayag ito ng pakikiisa, panalangin, at panawagan sa pambansang pamahalaan upang tumulong sa mga apektadong komunidad.
Mahalaga ang pakikiisa.
Mahalaga ang pagkilala sa pinagdaraanan ng komunidad.
Ngunit sa harap ng isang kampus na humaharap sa daan-daang milyong pisong pinsala at sa posibilidad ng malawakang epekto sa pagbubukas ng klase, hindi maiiwasang itanong kung hanggang pahayag lamang ba ang magiging tugon.
Sapagkat ang hinihingi ng pagkakataon ay higit pa sa pagkilala na may problema.
Ang hinihingi ng pagkakataon ay ๐ฎ๐ฑ๐ฏ๐ผ๐ธ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฎ.
๐ ๐ผ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป.
๐๐ผ๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐๐ผ๐ป.
๐๐ผ๐ป๐ธ๐ฟ๐ฒ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฎ๐ธ๐๐๐ผ๐ป.
Kung kayang maglunsad ng donation drives, solidarity campaigns, at iba pang suporta ng mga student organizations at constituent councils na nasa malalayong bahagi ng sistema, lalong may kakayahan ang mga opisinang may mandato at impluwensiya sa loob ng unibersidad na manguna sa mas organisado at mas malawak na pagtugon.
Sa panahon ng sakuna, hindi sapat ang maging tagapagsalita lamang.
Kinakailangan ding maging tagapagtaguyod.
Kinakailangang gamitin ang mga posisyong hawak upang itulak ang agarang suporta, palakasin ang panawagan para sa rehabilitasyon, at tiyaking hindi nawawala sa sistemang diskurso ang sitwasyon ng MSU-General Santos.
๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ต๐ผ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐น
Hindi naitatayo ng mga sympathy post ang nagibang pader ng unibersidad.
Hindi napupunan ng mga pahayag ang halos siyam na raang milyong pisong kakulangan.
Hindi naibabalik ng mga slogan ang mga silid-aralang isinara dahil sa panganib.
Ang kailangan ng MSU-General Santos ngayon ay hindi retorika kundi radikal na suporta.
Hindi simbolikong pakikiisa kundi konkretong pagkilos.
Hindi lamang pagkilala sa pinsala kundi agresibong pagsusulong ng rehabilitasyon, pondo, at sistematikong tulong mula sa buong MSU System.
Sapagkat habang may oras para sa mga pahayag, may mga problemang hindi naghihintay.
Hindi naghihintay ang mga gusaling kailangang kumpunihin.
Hindi naghihintay ang mga opisinang kailangang ilipat.
Hindi naghihintay ang pagbubukas ng klase.
Hindi naghihintay ang mga estudyanteng nangangailangan ng ligtas na lugar para matuto.
๐ข๐ป๐ฒ ๐ ๐ฆ๐จ ๐ผ ๐ก๐ฎ๐ด-๐ถ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฆ๐จ?
Sa huli, maaaring maibalik ang mga nasirang gusali.
Maaaring mapunan ang kakulangan sa pondo. Maaaring maisagawa ang rehabilitasyon sa paglipas ng panahon.
Ngunit may isang bagay na mas mahirap buuing muli kapag ito ay nasira: ang paniniwalang may sistemang handang tumindig para sa mga komunidad na bahagi nito.
Ang lindol ay nag-iwan ng mga bitak sa mga pader ng MSU-General Santos. Ngunit higit sa lahat, inilantad nito ang mga bitak sa isang sistemang matagal nang nangangakong walang kampus na maiiwan.
Sapagkat madaling maging iisang sistema kapag may medalya, tropeo, at karangalang maaaring ipagmalaki.
Ngunit ang tunay na sukatan ng pagkakaisa ay hindi kung paano ipinagdiriwang ang tagumpay ng isang kampus.
Nasusukat ito sa kung paano ito ipinaglalaban kapag ito ay bumagsak sa lusak.
At habang patuloy na sinusuri ang mga gusaling nabitak, inililipat ang mga opisina, at hinahanda ang komunidad para sa isang akademikong taong puno ng kawalang-katiyakan, lalong nagiging mabigat ang tanong:
๐๐ช๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐๐ฎ๐ค๐ฃ ๐ ๐๐ ๐๐ก๐ค๐จ ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ค๐ฃ๐ ๐จ๐๐จ๐ฉ๐๐ข๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐-๐๐๐ฃ๐๐ง๐๐ก ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ค๐จ, ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ ๐ฅ๐?
At kung sa panahon ng pinakamalaking pangangailangan ay kinakailangang manawagan pa ang isang constituent university upang mapansin, One MSU pa ba itoโo nag-iisang MSU na lamang?
Ipakita ninyo ang inyong presensya.
Ipadama ninyo ang inyong pinagmamalaking pagkakaisa. ๐ง๐๐บ๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ผ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ ๐ฆ๐จ-๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ฆ๐ฎ๐ป๐๐ผ๐.
Sapagkat ang tunay na unibersidad ay hindi ang mga pader na gumuho. Hindi ito ang mga gusaling nabitak, ang mga kisameng bumagsak, o ang mga pasilidad na isinara.
Ang unibersidad ay ang mga estudyante, g**o, kawani, at komunidad na patuloy na tumitindig sa gitna ng pagguho. At sa kanilang pagbangon, hindi nila kailangan ng mga pangakong maririnig lamang sa mga pahayag.
๐๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐๐ฒ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐บ๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐บ๐ฎ ๐ป๐ถ๐น๐ฎ.