09/07/2026
Hindi hadlang ang ulan. Hindi hadlang ang mga sirang kalsada. Lalong hindi hadlang ang panganib sa tapat na paglilingkod.
Sa layuning personal na makita at masuri ang tunay na kalagayan ng mga paaralan at mga mag-aaral ng Schools Division Office ng General Santos City matapos ang magnitude 7.8 na lindol noong Hunyo 8, 2026, muling pinangunahan ni Schools Division Superintendent Isagani S. Dela Cruz, CESO V, ang SDS Riders Monitoring Team sa isang malawakang inspeksyon sa District 8 nitong Hulyo 9, 2026.
Unang binisita ng grupo ang Bagong Silang Elementary School upang beripikahin ang panukalang pagtatayo ng anim (6) na bagong silid-aralan, bago tumuloy sa Shuttle Elementary School.
Sa buong araw, nilibot ng SDS Riders Monitoring Team ang mga sumusunod na paaralan: Tanda Elementary School, Bagong Silang Elementary School, Shuttle Elementary School, Banualan Elementary School, DepEd RXII Maligaya Elementary School, Maligaya High School, Aspang High School, Aspang Elementary School, Balnabo Elementary School at Nicolas Dani Aligado Integrated School.
Sa kabila ng maputik, madulas, at mahirap daanang mga lansangan, buong tapang na sinuong ng grupo ang bawat hamon upang matiyak ang aktuwal na kalagayan ng mga paaralan, mapakinggan ang mga pangangailangan ng mga school heads at g**o, at makapaglatag ng agarang kaukulang aksyon para sa ligtas at tuloy-tuloy na edukasyon.
Kasama ni SDS Dela Cruz sa monitoring activity sina Antonio Rotas, Kerr Barsalote, Marlino Bantilan, Fredie Carlito, Bernel Caduada, Reynaldo Lasib, Irene Brasilenio, Eugene Bilbao, Kim Daluz, Marcelino Jilongo, Malone Ryant Cortez, at EPS Ronald S. Radin.
Ang pagbisitang ito ay higit pa sa isang inspeksyon. Isa itong patunay na ang tunay na lider ay hindi lamang namumuno mula sa opisinaโkundi nangunguna sa bawat hamon, nakikinig sa mga pangangailangan ng mga paaralan, nakikiramay sa mga naapektuhan, at kumikilos upang matiyak ang kaligtasan, kapakanan, at patuloy na pagkatuto ng bawat mag-aaral.
Serbisyong may puso. Pamumunong may malasakit. Edukasyong walang iniiwan.
(Text and photos: Ronald S. Radin)