23/09/2026
Lubos na nagpapasalamat ang Aspang High School kay Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao sa pamamagitan ng Special Education Program ng Lokal na Pamahalaan ng General Santos, katuwang ang DepEd RXII SDO General Santos City, sa pagkakaloob ng PE Uniforms at sapatos para sa ating mga IP Learners.
Ang inyong malasakit at suporta ay malaking tulong sa pagbibigay ng kumpiyansa, dignidad, at pantay na pagkakataon sa ating mga mag-aaral. Higit sa mga materyal na handog, ipinapakita nito na ang bawat bata, anuman ang kanilang kalagayan at pinagmulan, ay mahalaga at karapat-dapat na mabigyan ng suporta upang maabot ang kanilang mga pangarap.
Maraming salamat din Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao, LGU-General Santos at DepEd General Santos City sa patuloy na pagtutulungan upang maisulong ang kapakanan at pag-unlad ng ating mga mag-aaral.
Maraming salamat po sa inyong malasakit at serbisyo!