24/09/2014
Narito na nga ba Siya o darating pa lang? Ang Kristong hinihintay na magbabalik . Paniwala kasi ng nakararaming Christian believers ay darating pa lang Siya. Paano natin malalaman kung Siya nga ba ay nagbalik na sa ating panahon? Ano ang mga palatandaan upang matuntun natin ang kinaroroonan Niya? Sa mga pag-aaral, batid natin na may mga bagay na dapat nating malaman o isaalang –alang sa paghahanap ng isang bagay. Tulad sa treasure hunting , kailangan ng mapa, aklat, mga signs and symbols na makakatulong sa paghahanap ng mga bagay, lugar o tao. Lalo na ngayon na high tech na ang mga gadget. Pero paano kung ang hahanapin natin ay ang nag reincarnate na Christ, makakatulong ba ang mga ito? Maaari. Kailangan lamang ng masusing pagsasaliksik para maiugnay ang bawat palatandaan. Sinasabi kasi sa Bibliya na sa kanyang pagbabalik ay walang makakilala sa kanya. Babaguhin niya ang kanyang anyo at ang kanyang pangalan. So, kung tayo ay aasa sa mga sinasabi ng mga mangangaral na darating na siya dahil sa mga palatandaang mga pangyayari ng gaguluhan at mga kalamidad baka patay o mangamatay na ang mga tao di pa rin nila nalaman na narito na pala ang Panginoon. Kung Siya’y magbabalik, saang lugar at sino ang makakakilala sa Kanya ?Ang mga sumusunod na paksa ay simple at lohikong kapaliwanagan upang madaling maunawaan ng mga ordinaryong tao. Balikan natin ang nakaraang panahon at iugnay ang mga bagay at pangyayari.
Ang Star of Bethlehem ay isang mahalagang palatandaan o simbolo na naging gabay ng 3 hari sa paghahanap sa isinilang na Kristong hari sa silangan noong unang pumarito ang anak ng Diyos sa katauhan ni Jesus. Ibig sabihin, kung ating pag aaralan, sumisimbolo pala ito bilang tagapagturo o guide sa kinaroroonan ng isinilang na sanggol. Kung ating babalikan ang sinasabi sa Bibliya na Siya ay babalik, maaari rin kayang ang simbolong ito ang mag sisilbing guide o link para matagpuan natin ang magbabalik na Kristo sa ating panahon? Samakatuwid ba ay maaaring may kahalintulad na simbolo na mag uugnay dito sa ating panahon? Maraming mga sekta ng relihiyon na nagtuturo ng kabanalan at aral patungkol sa Diyos pero kung pagbabatayan natin ang simbolong ito ay wala itong kahalintulad sa anumang logo o selyo ng mga religious organization na may 4 corners na pwedeng maging gabay o tagapagturo. Hindi rin maituturing na gabay na simbolo ang krus dahil sa lohikang rason na ito ay simbolo ng kamatayan, at palatandaan sa bawat puntod ng mga yumao.
Ang Logo ng PBMA ay masasabi kong may kaugnayan sa nakaraang simbolo ng tagapagturo (Star of Bethlehem). Ang PBMA ay isang institution, tinatawag na College of Mysteries. Dito itinuturo kung paano natin matatagpuan, at makilala ang Diyos at matutunan ang Kanyang totoong Banal na Salita na ating hinahanap. “Humayo kayo at ituro ninyo ang Aking Salita sa sangkatauhan”, “magpagaling ng may mga karamdaman”, at “magpalayas ng masamang espiritu.” Sinasabi rin sa mga simbahan “ isang Salita mo lamang panginoon ay gagaling na ako.” Anong Salita ang tinutukoy na dapat ituro at malaman para magampanan ang panggagamot? Divine Words ang wikang itinuro noon ni Jesus Christ sa kanyang mga disipulos para makapagpagaling ng karamdaman. Si Divine Master RUBEN E. ECLEO SR. naman ang nagtatag ng PBMA Inc. at tagapagturo ng mga Banal na Wika at mga misteryo ng Diyos sa mga kasapi ng samahang PBMA. Ang mga palatandaan bang ito ay ilan lamang sa katibayan na sumasa atin na ang ating buhay na Panginoon? Ang Star of Bethlehem at PBMA Logo ay magkahalintulad sa kanilang anyo at sumisimbolo bilang tagapagturo sa kinaroroonan ng isinilang na Hari sa Silangan, ang Templo ng Banal na Espirito ng Diyos.
Ang Kamelyo ay sasakyan ng 3 haring pantas noon upang masundan ang gabay na tagapagturo, ang manining na TALA. Ang likod nito ay sumisimbolo bilang luklukan ng hari. Nagdala sa kanila patungo sa sinilangan ni Jesus. May kaugnayan din kaya ang simbolong ito para matuntun din natin ang lugar ng sinilangan ng nagbalik na Kristong Hari ng silangan sa ating panahon?
Ang Mapa ngPilipinas ay hugis kamelyo at maituturing na mas malapit na kahambing sa mga palatandaan upang masabi natin na dito sa bansang Pilipinas Siya magbabalik. Narito ang ilan sa mga batayan o palatandaan :
1. Mula sa Bibliya “ Isaias 24:15 “Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga'y ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa mga pulo ng dagat.” Silanganan– Far East….Kapuluan sa dagat – archipelago. Wala ng iba pang archipelago dito sa Far East Asia kundi ang Philippine Archelago.
2. Siya ay sumisimbolo bilang ang “Lupang Hinirang.”
3. Sa orihinal na bersyon ng Lupang Hinirang ay may lyrics na…” Land of the morning CHILD OF THE SUN returning”. Kung saan ang anak ng aRAw ay babalik.
4. Ang Lupang Pangako ay matatagpuan sa Mindanao.
5. Mapapansin natin na ang mapa ng Pilipinas ay hugis kamelyo, kahambing sa simbolo ng kamelyo sa unang panahon.
6. Ang likod ng kamelyo ay luklukan ng 3 hari. Kung ating papansinin ang likuran ng kamelyo sa mapa. Hindi ito tumutugma bilang ang “Lupang Pangako”(Mindanao) dahil ang dalawang nakaumbok na likuran sa mapa ay Samar at Leyte. So, alin pa ang bahaging likuran na tumutukoy sa “malayong silangan, kapuluan ng dagat” ? Walang iba kundi ang Kapuluang Probinsya ng Dinagat na sakop ng Mindanao, na sinilangan ng ating Divine Master.
Samakatuwid ba ay si Divine Master pala ang haring nakaluklok sa likuran ng kamelyo? Ang Anak ng aRAw na babalik? Ang Hari ng Silangan?
Ang 3 Hari sumisimbolo bilang mananaliksik, matalino, mapagpakumbaba dahil sa kanilang pagbibigay pugay sa bagong silang na sanggol at bilang tagapagbalita o nagsiwalat na ang Hari sa Silangan na maghahari sa sanlibutan ay isinilang na. Sila Melchor, Gaspar at Baltazar ay 3 hari dito sa lupa samantalang si Jesus ay kinatawan ng Anak ng Diyos sa kalangitan kaya gayon na lamang ang kagalakan ng sansinukob na maluklok ang ika-4 na hari sa 4 na sulok ng mundo at si Jesus Christ ang hari ng mga hari (Melchor, Gaspar at Baltazar ).
N-orth - Melchor
E-ast – Jesus
W-est - Gaspar
S-outh - Baltazar
Sa ating panahon, sino ngayon ang tagapagbalita na ang Kristong Hari ay nagbalik na? Hindi kaya ang mga PBMA Missionaries na nagtuturo ng mga aral, doktrina , Banal na Wika at misteryo ng Diyos, tao at mundo na itinuro naman sa kanila ni Divine Master Ruben Ecleo? Ang Tagapagtatag ng institusyong Philippine Benevolent Missionaries Association, Inc. at nag sabing “ Go on mission so that you will know Who I Am.”