DepEd RXII Changco Elementary School

DepEd RXII Changco Elementary School

Share

Changco Elementary School continues its vision and mission to give quality education to its clienteles, the learners. It will never cease to dream high.

25/08/2026

📚 TULONG PARA SA E-LIBRARY NG CHANGCO ELEMENTARY SCHOOL! 📚
Mga kadiwa, pamilya, at kaibigan! Samahan niyo kaming buuin at pagyamanin ang bagong e-library ng Changco Elementary School para sa ating mga mag-aaral.
Nangangailangan po ang ating paaralan ng mga sumusunod na babasahin at gamit sa pag-aaral:
đź“– Mga Babasahin at Gamit na Kailangan:
Encyclopedia, Dictionary, at Thesaurus
Kwentong Pambata (Children's Story Books)
Activity Books (Puzzles/Games) at Drawing/Art Books
Learning References (Science, History, atbp.)
Maps, Atlases, at Globes 🌍
Guinness World Records Books 🏆
Ang inyong mga lumang libro o bagong regalo ay malaking tulong upang magbukas ng bagong kaalaman para sa ating mga kabataan.
📍 Saan pwedeng i-drop off: School Office ng Changco Elementary School
⏰ Oras ng pagtanggap: Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM – 4:00 PM
Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pagmamahal sa edukasyon ng ating mga mag-aaral! ❤️

Photos from DepEd RXII Changco Elementary School's post 25/08/2026

Buwan ng Wika 2026 | Pampinid na Palatuntunan 🇵🇭

Noong Agosto 24, 2026, matagumpay na isinagawa sa Changco Elementary School ang Pampinid na Palatuntunan para sa Buwan ng Wika. 🎉

Matapos ang Flag Ceremony, naging mas makabuluhan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng “Pagsasalin ng mga Salita” na nilahukan ng ating mga mag-aaral, mga g**o, at mga magulang. 🗣️📚

Sinundan ito ng masiglang Awiting Pinoy 🎶 at mga tanong at trivia tungkol sa Wikang Filipino na nagbigay-diin sa ating kaalaman, kultura, at pagmamahal sa sariling wika.

Isang masaya at makabuluhang pagdiriwang ng wika, kultura, talento, at pagkakaisa! ❤️💙💛

Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang kulturang Pilipino! 🇵🇭







Photos from DepEd RXII Changco Elementary School's post 17/08/2026

Isang masayang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang muling naging makabuluhan sa ating paaralan! 🎉

Ngayong Agosto 17, 2026, nagsama-sama ang mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6, kasama ang ating mga minamahal na magulang at masisipag na g**o, sa isang masayang Pa-Trivia! 🧠🇵🇭

Mula sa simpleng tanong hanggang sa mga kaalamang may kinalaman sa Wikang Filipino, kulturang Pilipino, at ating pagka-Pilipino, naging daan ang bawat tanong upang matuto, makibahagi, at higit na mahalin ang ating sariling wika. ❤️

👏 Saludo sa lahat ng nakilahok! Ang Buwan ng Wika ay hindi lamang pagdiriwang—ito ay pagkakataon upang pahalagahan, gamitin, at ipagmalaki ang wikang Filipino.

Mabuhay ang Wikang Filipino! 🇵🇭
Mabuhay ang kulturang Pilipino! ❤️







Photos from DepEd RXII Changco Elementary School's post 13/08/2026

Matapos ang ating Flag Ceremony, naging mas masaya at makabuluhan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 sa Changco Elementary School sa pamamagitan ng masiglang Bugtong-Bugtungan!
Pinangunahan ito ng ating Tagapag-ugnay sa Filipino, Gng. Rechel P. Vallente, na nagbigay ng mga nakakatuwa at mapaghamong bugtong na sinagutan nang buong sigla ng ating mga mag-aaral,mga
magulang, at mga g**o.
Hindi lamang ito paligsahan sa talino, kundi isang masayang paraan upang linangin ang kasanayan sa wikang Filipino, palawakin ang kaalaman, at patatagin ang ugnayan ng paaralan at pamayanan.
Sama-sama nating buhayin, mahalin, at pagyamanin ang Wikang Filipino!
"Wikang Filipino at Al: Isang Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Kayamanang Kaalaman."
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Ka nang Changco! PH

+ maaring kopyahin
Filipino
Changco

11/08/2026

ADVISORY | PAGBABALIK NG FACE-TO-FACE CLASSES

Batay sa isinagawang joint press conference ng Pamahalaang Lungsod ng General Santos at DepEd General Santos City ngayong hapon, Agosto 11, 2026, maaaring ipagpatuloy anumang araw ngayong linggo ang face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralang elementarya at sekondarya.

Inaatasan ang lahat ng paaralan na mahigpit na ipatupad ang kanilang School Safety Primer at mga umiiral na protocol sa kaligtasan at seguridad. Kabilang dito ang paggamit lamang ng mga silid-aralan sa ground floor at second floor, araw-araw na maiikling emergency drill, malinaw na proseso ng muling pagsasama ng mga mag-aaral at kanilang pamilya, maayos na sistema ng komunikasyon, at malapit na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na ahensiya para sa kaligtasan at pagtugon sa emerhensiya.

Pinahihintulutan din ang mga school head na tukuyin ang pinakaangkop na learning modality—full face-to-face, limited face-to-face, modular, online, o blended learning—batay sa kahandaan at pangangailangan ng paaralan, gayundin sa umiiral na sitwasyon.

Ang lahat ay pinaaalalahanang manatiling mapagmatyag, kalmado, at laging unahin ang kaligtasan habang patuloy tayong bumabangon at unti-unting nagbabalik sa normal na operasyon ng mga paaralan. Patuloy nating pangalagaan at suportahan ang isa’t isa.

Ctto

Photos from DepEd RXII Changco Elementary School's post 10/08/2026

Malugod na nakikiisa ang Punongg**o ng Changco Elementary School, G. Rizaldy D. Carmona, kasama ang mga g**o, sa makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026! 🥳🎉

Sa temang “Wikang Filipino at AI: Isang Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Kayamanang Kaalaman,” sama-sama nating ipinapakita na ang Wikang Filipino ay buhay, makulay, at patuloy na umuunlad kasabay ng makabagong teknolohiya. 🤖📚🇵🇭

✨ Sa bawat salita, may kultura.
✨ Sa bawat wika, may pagkakakilanlan.
✨ At sa bawat g**o, may pusong patuloy na nagmamahal at nagtataguyod sa sariling wika. ❤️

Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang mga g**o at Punongg**o ng Changco Elementary School!
Mabuhay ang Changco ES! 🇵🇭✨

📌 Tagapag-ugnay sa Filipino:
Gng. Rechel P. Vallente





**o
🇵🇭

Photos from DepEd RXII Changco Elementary School's post 31/07/2026

Today, the Reading Nook Evaluation for Key Stage 1 teachers of Changco Elementary School was conducted by School Head Rizaldy Carmona and Administrative Officer II Meredith Samante. The activity aimed to assess the functionality, organization, and learner-friendliness of each classroom reading nook in support of learners’ literacy development.

The evaluation also served as an inspiration for our Key Stage 2 advisers, encouraging them to establish equally engaging and functional reading nooks in their respective classrooms.

This initiative is anchored on Division Memorandum No. 1005, s. 2026, entitled “Guidelines on the Re-establishment of Functional Reading Nooks,” which promotes the creation of accessible, inviting, and learner-centered reading spaces to cultivate a strong reading culture in every classroom. (Philippine Information Agency)

Together, let us continue building classrooms where every child is inspired to read, imagine, and learn.

Photos from DepEd RXII Changco Elementary School's post 30/07/2026

📚 Maraming Salamat, Bangko Sentral ng Pilipinas! 💙

Lubos po kaming nagpapasalamat sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa kanilang ipinagkaloob na mga kagamitang pang-opisina para sa Changco Elementary School. Ang mga kagamitang ito ay malaking tulong sa patuloy naming pagpapabuti ng aming School Library, upang makapagbigay ng mas maayos at mas epektibong serbisyo sa aming mga mag-aaral at g**o.

Ang turnover at pagpirma ng kasunduan ay pinangunahan nina Mam Christine Joy Aclan-Pacalan, Area Director, at Mam Michella Favia-Subaldo, Manager, OSD. Kasama sa lumagda si Sir Cadrezal Aguilar, dating Brigada Eskwela Coordinator, habang naging saksi naman si Sir Rizaldy Carmona, Principal I ng Changco Elementary School.

Maraming salamat po sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa inyong malasakit at patuloy na suporta sa edukasyon. Ang inyong kabutihang-loob ay magsisilbing inspirasyon sa amin upang higit pang paghusayin ang aming paglilingkod para sa kapakanan ng bawat batang Changco.

27/07/2026

Gusto ba niyo makatabang pabasa ug pa-solve mga bata? Ali na ug apply para mahimong EXTERNAL ARAL TUTOR. Ali na dri sa Changco Elementary School. Dalha imong letter of intent, pati na pud imong other credentials.

Photos from DepEd RXII Changco Elementary School's post 20/07/2026

Changco Elementary School Holds First School-Based Learning Action Cell (SLAC) for SY 2026–2027

Today, July 20, 2026, Changco Elementary School successfully conducted its first School-Based Learning Action Cell (SLAC) for School Year 2026–2027. The activity aimed to strengthen teachers’ professional competencies through collaborative learning and the sharing of best practices.

Three timely and relevant topics were presented during the session:

* Instructional Design Framework (IDF) – discussed by Sir Junrie Frial
* Three-Term Budget of Work – presented by Mam Laleine Mancao
* ILAW Lesson Planning – facilitated by Mam Ross Ann Caballero

The activity was attended by the faculty and staff of Changco Elementary School, led by Rizaldy Carmona, School Principal I. It was successfully facilitated by the SLAC Coordinator, Mam Rechel Vallente, with the invaluable assistance of the Kindergarten teachers, who served as the assigned host group for the activity.

Changco Elementary School remains committed to promoting continuous professional development among its teachers, ensuring that quality instruction and meaningful learning experiences are consistently provided to every learner.

Want your school to be the top-listed School/college in General Santos City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Phase 1B, Changco Village, Brgy. Bawing/Siguel
General Santos City
9500