02/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐!
Ang wika ay hindi lamang nakikita sa mga salita o naririnig sa tinigโito ay damdaming nananahan sa bawat puso. Ito ang tulay ng ating nakaraan, sandigan ng kasalukuyan, at ilaw na maghahatid sa ating kinabukasan. Sa bawat salitang ating binibigkas at isinusulat, patuloy nating pinapahalagahan ang ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Kaya, ngayong Buwan ng Agosto, ating ipagdiwang ang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng pagpapahalaga at wastong paggamit ng wikang Filipino. Higit pa sa isang asignatura o paraan ng pakikipag-usap, ang ating wika ay sumasalamin sa mayamang kultura, kasaysayan, at mga pagpapahalagang ating ipinagmamalaki bilang isang bansa.
Sama-sama nating panatilihing buhay ang ating wika sa ating tahanan, paaralan, at komunidad. Sa pagkakaisa at pagmamahal sa sariling wika, mas lalo nating mapagtitibay ang ating pambansang identidad at maipapasa ang ating mayamang pamana sa mga susunod na henerasyon.
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐๐๐๐!
"๐ฆ๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐๐ถ๐๐ถ๐ธ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฎ๐น๐ฎ, ๐๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐๐ฎ; ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ'๐ ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ธ๐ฎ, ๐บ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ."
โ๏ธ| Treasurer Aragones, Loraine B. & P.I.O. II Curay, Mikaella Jane A.
๐ป| President Akmad, Marissaveth K.