20/10/2021
"Puhon"
"Puhon, maayong lawas"
"Magkita ra ta balik puhon"
"Maka-graduate ra ko puhon"
"Madato ra ko puhon."
Isa ka rin ba sa naki "Puhon"?
Ang "Puhon" ay isang pananalitang Bisaya o Cebuano ang puhon at kapag magsaliksik tayo ng kahulugan nito sa Google, “soon”, "someday” o “in time” ang karaniwang lalabas na salin ng salita sa Ingles. Gayunpaman, para sa akin, hindi lang ito ang natatanging kahulugan ng salitang puhon.
Sa paggamit ng salita, may halo rin itong pag-aasa, o “hoping”, at minsan nagpapahiwatig din ito ng harinawa; “kung puwede”, “kung kaya”, “sana’y itulot ng Maykapal”, “nawa’y” o sa Ingles “hopefully” o “if its God's will". Sa ganitong paraan, masasabi rin nating positibo ang pinapahayag ng puhon, at hindi ginagamit sa masasamang paraan. “Papatayin kita puhon”? Hindi puwede, bes!
May mga halimbawa sa Paggamit ng Salitang Puhon:
1. Sa Bisaya: “Puhon ug mahimo na kang Teacher…“
Sa Tagalog: "Balang araw, kapag magiging Teacher ka na..”
Sa Ingles: “Someday (if God wills it), and you become a Teacher…”
2. Bisaya: “Magkita ra ta balik puhon”
Tagalog: “Nawa’y balang araw magkikita rin tayo muli ”
English: “Hopefully, we’ll see each other again soon”
3. B: “Puhon maayong lawas..” (Isang expresyon ito at mayroong literal na salin na “katawang malusog” ang “maayong lawas”)
T: “Sa madaling panahon, kapag maayos na ang lahat”
I: “In time when everything is alright” o “Hopefully, when all is well”
Naging laganap sa mga tao lalo na sa mga kabataan ang paggamit ng katagang "puhon". Makikita sa sosyal midya platforms gaya na lamang nag Facebook, Twitter at Instagram ang mga myday at shareposts na may kaugnayan sa kanilang buhay.
Kumakailan lang, si Miguel Benjamin Guico, isa sa mga miyembro ng sikat na banda na Ben & Ben, ay nagbahagi ng kwento tungkol sa kung bakit ang salitang Cebuano na "Puhon" ay bahagi ng kanilang awit na "Fall."
Ang kanyang paliwanag ay nai-post sa opisyal na pahina ng Instagram ng banda noong gabi ng Hunyo 28, Biyernes.
Naalala ni Guico na sa taong 2018 nang sila ay nagkaroon ng kanilang unang palabas sa Cebu. Dalawang batang tagahanga ang nahanap ang kanilang paraan upang lumapit sa sikat na banda sa backstage pagkatapos ng kanilang set.
"Nang dahan-dahan silang lumapit sa amin, narinig namin ang kanilang nasasabik na bulong sa bawat isa," naalaala niya. Pinagpatuloy niya ang paggunita sa nangyari matapos marinig ang salitang "puhon" mula sa kanilang mga tagahanga na Cebuano. Kinumusta nila ang kanilang mga tagahanga at nagkaroon ng pagkakataong tanungin sila kung bakit paulit-ulit nilang binigkas ang salitang, "puhon."
Tinanong din nila ang kahulugan ng salitang Cebuano. "Sinabi nila na ito ay isang bagay na madalas nilang sinasabi sa bawat isa kapag pinag-uusapan nila ang tungkol sa kanilang mga pangarap; lahat ng mga bagay na inaasahan nilang mangyari sa kanilang buhay, "aniya.
Ipinagpatuloy ni Guico ang kanyang post at sinabi na ang "puhon" ay nangangahulugang sana, balang araw, at oras ng Diyos.
"At ganoon din sa pag-ibig. Inaasahan lamang nating maramdaman ang kaligayahan kapag ito ay dumating, ngunit magkakaroon lamang ng kahulugan kapag ito ay ang tamang oras - sa oras ng Diyos, "aniya.
Tinapos din ni Guico, ang songwriter ng "Fall" ang kanyang post na nag-in love sila sa salitang, kasama ang Cebu at ang mga tao. "Napagpasyahan namin na gamitin ang" Puhon "sa aming kantang" Fall, "aniya.
Kaya naman, para sa akin, ang salitang "puhon" ay nagbibigay ito sa atin ng pag-asa tungkol sa isang bagay. Ang pananalitang ito ay sinabi kapag inaasahan mong may mangyayari sa hinaharap na kahit papaano ay isinalin sa "balang araw", o "in God's time".
Ecclesiastes 3:1 & 11
1 To everything there is a season, a time for every purpose under heaven.
11 He has made everything in it's time.
PUHON, isang simpleng limang titik na salita ngunit mayroon itong mahiwagang kahulugan.
So, what's your PUHON? 💖
Disclaimer: Ito ay para sa pangangailangan ng kursong FIL168 Wika ng Sosyal Midya. Ang mga nakapaloob na mga impormasyon ay pawang sariling opinyon lamang.
Kryzelle Althea D. Iligan
Mga Sanggunian:
http://www.peanutbrowas.com/blog/10-common-cebuano-expressions
https://www.tagaloglang.com/harinawa/
http://cebudailynews.inquirer.net/241890/why-puhon-is-part-of-benbens-song-fall