22/06/2026
Mental Health and Psychosocial Support (MHPSS) para sa mga Magulang
Bilang tugon sa kamakailang lindol na naranasan ng ating komunidad, nagsagawa ang San Isidro High School of Agri-Fishery (SIHSAF) ng isang Mental Health and Psychosocial Support (MHPSS) session para sa mga magulang upang makatulong sa pagharap sa mga epekto ng sakuna, kabilang ang stress, pangamba, at iba pang emosyonal na hamon dulot ng mga lindol at patuloy na aftershocks.
Ang programa ay pinangunahan sa pagbubukas ni Mam Aurentina S. Yumang at dinaluhan ni PSDS Eleanor Y. Sarabillo. Naisakatuparan din ito sa tulong ni Nurse Joannie Avbegail V. Apud, RN.
Ang sesyon ay pinamunuan ni Coach Gloria E. Satorre, kasama ang iba pang miyembro ng Goalkeepers na sina Coach Mary Joy A. Gula, Coach Dante R. Agustin, Coach Jec B. Agustin, Coach Jasper Paul Teope, Coach Eranne Mary M. Cabete, at Coach Jennifer B. Galagaran.
Sa pamamagitan ng mga talakayan at gawain, nabigyan ang mga magulang ng pagkakataong maibahagi ang kanilang mga karanasan, damdamin, at mga paraan upang mapanatili ang positibong pagharap sa mga hamon matapos ang lindol. Nagkaroon din ng mga masasaya at interaktibong laro na nagpalakas ng samahan, pakikipag-ugnayan, at emosyonal na suporta sa isa't isa.
Maraming salamat sa lahat ng mga magulang na nakiisa sa gawaing ito. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, mas magiging matatag tayo sa pagharap sa anumang pagsubok. ๐๐ฑ
21/06/2026
๐จโ๐งโ๐ฆ๐ Hindi mahalaga kung Tatay, Papa, Papang, Ama, Daddy, Paps, o Dada ang tawag namin sa'yo. Iisa lang ang siguradoโikaw ang aming unang bayani, gabay, at haligi ng tahanan. ๐กโจ
Salamat sa iyong pagmamahal, sakripisyo, at walang sawang pag-aaruga. ๐คโค๏ธ Hindi man namin ito laging nasasabi, mahal na mahal ka namin. ๐ซถ
Maligayang Araw ng mga Ama! ๐๐๐
๐
20/06/2026
๐ฃ ATTENTION SIHSAFians!
Para sa kaligtasan ng lahat, magkakaroon ng Asynchronous/Modular Classes sa Hunyo 22, 2026 habang isinasagawa ang reassessment ng mga gusali matapos ang lindol. ๐ซ๐ ๏ธ
๐ Pagkuha ng mga modyul: 1:00 PM
Patuloy na maging alerto, updated, at ligtas. ๐๐
19/06/2026
๐๐ Happiest Birthday sa ating Araling Panlipunan Teacher, Ma'am Daryl Joy! ๐
Nawa'y maging masaya at puno ng biyaya ang inyong kaarawan. God bless!๐โจ๐
19/06/2026
๐ง ๐ Psychosocial Debriefing at SIHSAF
The Psychosocial Debriefing Activity at SIHSAF was warmly welcomed by Mam Aurentina S. Yumang, School Head. The program featured Ma'am Kristine Joy Garcia-Arellano, RPSy, from the University of Southern Mindanao, as the guest speaker. ๐ค๐
The activity was conducted in collaboration with the Junior Volunteer Psychologists, who provided one-on-one counseling sessions to the teachers. ๐ค๐ฉโ๐ซ๐จโ๐ซ
This counseling and psychosocial debriefing were conducted in response to the recent earthquake tremors experienced in the area. ๐๐ The activity aimed to help teachers process their experiences, manage stress and anxiety, and strengthen their emotional well-being and resilience. ๐ซถ๐ช
SIHSAF extends its heartfelt gratitude to Ma'am Kristine Joy Garcia-Arellano,RPSy, the Junior Volunteer Psychologists, our provider Nurse Joannie Avbegail V. Apud, RN, and the Psychological Association of the Philippines โ Southern Mindanao Regional Chapter (PAP-SMRC) for their invaluable support, dedication, and commitment to promoting the psychosocial wellness of our teaching personnel. ๐โจ
๐ Thank you for sharing your time, expertise, and compassion in helping our educators heal, recover, and build resilience. Your support is truly appreciated.
๐ง
๐
๐
๐ซ
๐ช
๐คโจ
19/06/2026
๐ต๐ญ Maligayang Kaarawan kay Dr. Josรฉ Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda! ๐
Ngayong Hunyo 19, ginugunita natin ang kapanganakan ng ating pambansang bayani na nagbigay-inspirasyon sa bawat Pilipino sa pamamagitan ng kanyang talino, panulat, at pagmamahal sa bayan.
๐ Trivia: Si Dr. Josรฉ Rizal ay hindi lamang isang manunulat kundi isa ring manggagamot, makata, pintor, iskultor, at dalubhasa sa maraming wika. Ang kanyang mga akdang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay nagmulat sa kamalayan ng mga Pilipino at naging daan sa pakikibaka para sa kalayaan.
โจ โAng hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.โ โ Dr. Josรฉ Rizal
Patuloy nating isabuhay ang kanyang mga aral at pagmamahal sa bayan.
18/06/2026
๐ข๐ ENROLLMENT IS STILL ONGOING! ๐๐ข
๐ San Isidro High School of Agri-Fishery
Tuloy-tuloy pa rin ang pagpapatala para sa mga nais maging bahagi ng ating paaralan! Huwag palampasin ang pagkakataong makapag-aral at makamit ang inyong mga pangarap.
๐๏ธ Lunes hanggang Biyernes
๐ 8:00 AM โ 4:00 PM
๐ Pumunta lamang sa Opisina ng School Head para sa enrollment.
โ
Magdala ng kinakailangang dokumento.
โ
Magsuot ng maayos at komportableng kasuotan.
โ
Be Safe! Mag-ingat palagi sa biyahe.
๐ Handa ang aming paaralan na gabayan kayo tungo sa magandang kinabukasan.
๐ Mag-aral. Mangarap. Magtagumpay.
โจ Kaya, mag-enroll na at maging bahagi ng pamilyang SIHSAF!
17/06/2026
๐ข MAHALAGANG ANUNSYO
Alinsunod sa pinakahuling Executive Order na inilabas ng ating LGU, LIFTED na ang suspensyon ng klase.
Gayunpaman, bilang pag-iingat at upang matiyak ang kaligtasan ng lahat habang patuloy na nakararanas ng mga aftershocks, ang mga klase ay isasagawa muna sa pamamagitan ng ASYNCHRONOUS LEARNING simula bukas.
โ
Ang mga mag-aaral ay hindi kinakailangang pumasok sa paaralan at inaasahang ipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral gamit ang mga itinakdang modules at learning activities.
โ
Tanging ang mga g**o lamang ang magre-report sa paaralan upang maghanda at magbigay ng kinakailangang suporta sa pagpapatuloy ng pagkatuto.
Patuloy na sinusuri ng paaralan ang mga naaangkop na hakbang para sa ligtas at maayos na pagsasagawa ng mga klase. Mangyaring bantayan ang aming mga opisyal na anunsyo para sa mga susunod na updates.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa, kooperasyon, at patuloy na suporta.
๐ Tuloy ang Pagkatuto, SIHSAFians!
๐ Ingat at manatiling ligtas ang lahat.
15/06/2026
๐ข ADVISORY
In light of the recent earthquake and its possible effects on the safety and well-being of our learners, teachers, and personnel, the resumption of classes and work in all DepEd offices is hereby postponed until further notice, pending the issuance of an official order from the Local Government Unit of General Santos City.
The safety of our school community remains our utmost priority. We kindly ask everyone to stay alert and await official advisories and announcements regarding the resumption of classes and office operations.
Thank you for your understanding, cooperation, and continued support. Stay safe. ๐๐ป