17/06/2026
BASAHIN | Hindi nangangahulugan na awtomatikong face-to-face classes ang pagbabalik-klase. Ang mga school heads ang magpapasya sa pinakaangkop at pinakaligtas na learning modality, kabilang ang modular, online, blended, o face-to-face learning, depende sa kalagayan ng kanilang paaralan.
Simula Hunyo 18, 2026, inalis na ng Local Government Unit of General Santos City ang suspensyon ng mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan alinsunod sa Executive Order No. 38, Series of 2026.
Ang unang tatlong (3) araw ng klase ay ilalaan sa Psychosocial First Aid (PFA) at iba pang recovery activities upang matulungan ang mga mag-aaral at kawani ng paaralan sa kanilang pagbangon matapos ang lindol.
Mangyaring sundin ang mga abiso ng inyong paaralan hinggil sa ipatutupad na learning modality.
(CPIO/KAG/RSC)
LGU GenSan: TATAK Heneral
BASAHIN | Alternative Learning Modality ang ipatutupad sa pagbabalik-eskwela. Layunin nitong matiyak na hindi mahihinto ang pag-aaral ng mga bata habang isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga estudyante, magulang, at g**o.
Sa ilalim ng Executive Order No. 38, Series of 2026, inalis na ng Local Government Unit ng General Santos City ang suspensyon ng mga klase sa lahat ng antasโpampubliko man o pribadoโsimula Hunyo 18, 2026.
Ang mga school heads ang magpapasya kung anong learning modality ang pinakaangkop at pinakaligtas para sa kanilang paaralanโmodular, online, blended, o iba pang naaangkop na pamamaraanโalinsunod sa mga umiiral na alituntunin ng DepEd.
Bukod dito, ang unang tatlong (3) araw ng klase ay ilalaan sa Psychosocial First Aid (PFA) at iba pang recovery activities upang matulungan ang mga mag-aaral at kawani na unti-unting makabangon mula sa epekto ng lindol.
Mangyaring sundin ang mga opisyal na abiso mula sa inyong paaralan hinggil sa ipatutupad na learning modality.
(CPIO/KAG/RSC)