16/06/2026
Mubārak sa isa nating tagapagturo / muhaffidh / musammâ na natanggap sa isa sa prestihiyosong unibersidad sa kaharian ng Saudi Arabia..
جامعة الملك عبد العزيز بجدة
King Abdul-aziz University in Jeddah K.S.A
Mula sa pamunuan ng ating Ma'had, kami ay proud saiyo.
Padaliin nawa ni Allah saiyo ang lahat ng proseso..
08/06/2026
Assalamu alaykum..
Ligtas po ang mga bata at nasa maayos po silang kalagayan.
Wala pong nasaktan at wala pong nasira sa ating mga pasilidad, Alhamdu lillah..
Sa mga magulang na nagtatanong, wala po kayong dapat ipangamba.
Signal lang po ang pansamantalang nawala, kaya hindi kami maka-update bawat oras.
Sama-sama po tayong magduâ para sa kaligtasan ng bawat isa.
Paigtingin ang pananalig kay Allah. Palakasin ang koneksiyon sa Knaya sa pamamagitan ng pagsamba. Lumayo at umiwas sa lahat ng Kanyang mga ipinagbabawal na nagiging sanhi ng Kanyang p**t at galit.
Umiwas sa mga kasalanan.
Pangalagaan nawa tayo Ni Allah 🤲🏻
08/06/2026
Assalamu alaykum..
Sa mga kapamilya ng aming mga mag-aaral, alhamdu lillah at ligtas po kaming lahat dito.
Nasa mabuting kalagayan po ang inyong mga anak.
Wala po kayong dapat ipag-alala..
Patuloy po tayong mag-duâ sa Allah na iligtas tayo sa lahat ng kapahamakan.
Mag-ingat po ang lahat at maging alerto.
Pangalagaan nawa tayo Ni Allah 🤲🏻
30/05/2026
Shukran sa mga patadem mga ustadz nilan..
جزاكما الله خيرا
29/05/2026
Assalamu alaykum..
Bukas, araw ng Sabado ( Alas tres y medya ng hapon 3:30 PM ) MAY 30, 2026, ang haflah para sa mga batang nagsummer class sa ating Ma'had.
Ito po ay munting programa para sa mga batang nagsummer class. Sa kani-kanilang mga magulang, magkita-kita po tayo bukas at inaasahan namin na makita kayo bago ang takdang oras ng programa.
Maraming salamat po.
21/05/2026
إختبار أسبوعي
Weekly Quiz sa mga namemorized nila sa loob ng isan linggo 😎