15/05/2023
𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗟𝗜𝗞𝗦𝗜𝗞 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗥𝗢
Inulat ng isa sa mga Maaalam :
❝𝗦𝗶𝗻𝘂𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝘂𝗺𝗮𝘀𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝗶𝘀𝗮, 𝗮𝘆 𝗹𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗱𝗶𝗻 𝘀𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝗶𝘀𝗮.❞
𝗜𝘁𝗼 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴𝗮𝗵𝘂𝗹𝘂𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗴 : Sinuman ang nagsaliksik ng kaalaman na walang G**ong nagtuturo (self study), ay lalabas siya mula sa pagsasaliksik ng kaalaman na wala siyang natutunan, ang kaalaman ay isang trabaho, at ang trabaho ay nangangailangan ng taga-gawa, kung gayun, nararapat lamang na matutunan niya ito mula sa isang mahusay na G**o.
👉Paglilinaw : Ang taga-gawa ng kaalaman ay silang mga عالم A'lim (maalam), dahil ang doer ng E'lm علم (kaalaman) sa wikang Arabic ay A'lim عالم (maalam), kaya nararapat lamang na makuha ang kaalaman mula sa mga maalam at hindi mula sa sariling pagsisikap (self study)
Nabanggit din ni Al-Imam Malik -rahimahullah- sa kanyang aklat na Al-Muwatta, noong siya ay tanongin : "Makukuha ho ba ang kaalaman sa taong hindi nagsasaliksik (na may kasamang sheikh)?" Ang kanyang sagot : "Hindi."
وقال الإمام المالك -رحمه الله- في كتاب الموطأ، حينما سئل :
"أيؤخذ العلم عمن ليس له طلب ولا مجالسة؟" فقال : "لا."
Ahmad Menahero✍️