DepEd RXII Arizala Elementary School

DepEd RXII  Arizala Elementary School

Share

"Basta Arizalian, Kaya 'Yan!"

19/01/2026

Happy Birthday, Ma'am Niema!
Your dedication and love for teaching truly make a difference. AES is grateful for your hard work and commitment. May your day be filled with joy and blessings! Happy natal day, Ma'am.

09/01/2026

Happy Birthday, Ma'am Lot! Thank you for your dedication and commitment to shaping young minds. Wishing you good health, continued success and a wonderful year ahead. Greetings from your AES family.

Photos from DepEd RXII  Arizala Elementary School's post 26/12/2025

Bawat Kuha, may Kwento📸

Isang malaking pagbati kay Antonette Ohann Avelino sa pagkamit ng Ikalawang Karangalan sa Pagkuha ng Larawang Pampahayagan sa DSPC 2025. Sa bawat kuha mo, kitang-kita ang tiyaga, talento at pagmamahal sa iyong ginagawa. Isa kang inspirasyon sa lahat ng Arizalians!

School Paper Adviser: Mariel F. Monacillo

Basta Arizalian, Kaya ’yan!


Photos from DepEd RXII  Arizala Elementary School's post 09/12/2025

Congratulations to CARMELA D. ARTILADO for winning GOLD in Javelin Throw, and to AVRILAJEN M. GONTENAS for being a finalist in Shot Put and Discus Throw. Your dedication, hard work, and outstanding performances have truly brought pride and honor to our school.
Coach: Gina D. Pacio

Keep shining, Arizalians!✨️
Basta Arizalian, Kaya Yan!

Photos from DepEd RXII  Arizala Elementary School's post 07/12/2025

Araw ng Pagbasa Ipinagdiwang sa AES

Ipinagdiwang ng Arizala Elementary School ang Araw ng Pagbasa, Nobyembre 27, 2025 sa pangunguna ng Reading Coordinator na si Ma’am Jessie Ann P. Gomez. Tampok sa pagdiriwang ang Reading Aloud Activities mula Kinder hanggang Grade 6 kung saan ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang galing sa pagbasa.

Nagkaroon din ng pagtatanghal ng mga Book Characters, Retelling para sa Baitang 3, at Story Interpretation para sa Baitang 6 na nagbigay kulay at sigla sa selebrasyon.

Nagpasalamat si Ma’am Gomez sa suporta ng mga SGC at SPTA Officers sa pamumuno ni Johanna Pauline Avelino at Eden Lopez, mga g**o at mag-aaral na naging susi sa matagumpay at makabuluhang pagdiriwang.


Photos from DepEd RXII  Arizala Elementary School's post 07/12/2025

AES, IPINAGDIWANG ANG NATIONAL CHILDREN’S MONTH 2025

Ipinagdiriwang ng Arizala Elementary School ang National Children’s Month 2025 na may temang “OSAEC-CSAEM Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng Bata, Ipaglaban!” December 5, 2025.

Bilang bahagi ng selebrasyon, isinagawa ang isang makabuluhang symposium na pinangunahan ni Ms. Amalia C. Adlaw, Registered Social Worker, kung saan tinalakay ang kahalagahan ng proteksyon, kaligtasan, at karapatan ng bawat bata laban sa online at offline na pang-aabuso.

Nanguna sa buong aktibidad ang Guidance Designate, Ma’am Luzlabelinda C. Illustrisimo, na masigasig na nag-organisa at nagpatupad ng mga gawaing nakatuon sa kapakanan at seguridad ng mga bata.

Sama-sama nating ipaglaban ang ligtas, mapagkalinga, at makatarungang kinabukasan para sa bawat bata.



30/11/2025

Happy Birthday, Ma’am Gina D. Pacio! May God continue to use you to shape and inspire many lives. More blessings ahead! Greetings from your AES family. ❤️

Photos from DepEd RXII  Arizala Elementary School's post 08/11/2025

Pagbati sa lahat ng nagwagi sa Inter-District Training Workshop on Campus Journalism🎉

* Unang Pwesto Photojournalism - Ohann Antonette Avelino
* Ikalawang Pwesto Pagsulat ng Agham at Teknolohiya - Yanah C. Dela Cruz
* Unang Pwesto Pagsulat ng Lathalain - Margareth Suzhaine Illustrisimo
* Ikatlong Pwesto Pagsulat ng Lathalain - Zhian Mark G. Son
* Ikalawang Pwesto Pagsulat ng Kolum - Ashley Costes
* Ikaapat na Pwesto Pagsulat ng Kolum - Maria Cassandra Tusoy

Pagbati rin kina:
Lian Jerry J. Cubita - Pagsulat ng Balita
Ysabell Balaba - Karton Editoryal
Gillian Dela Cruz - Karton Editoryal
Rhea Jane Dio - Pagsulat ng Agham at Teknolohiya
Jm Loquias - Pagsulat ng Editoryal

Advisers/Coaches:
Mariel F. Monacillo
Luzlabelinda C. Illustrisimo

Principal: Jool A. Montojo Jr.

Maraming salamat sa lahat ng suporta ng mga magulang, kag**oan, SGC at SPTA officers sa pamumuno ni Pauline Avelino at Eden Lopez. Muli, maraming salamat sa lahat. To God be all the glory🙏


Photos from DepEd RXII  Arizala Elementary School's post 06/11/2025

AES, Pinatibay ang Kahandaan sa 4th Quarter Nationwide Earthquake Drill

Aktibong nakiisa ang Arizala Elementary School sa isinagawang 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa pangunguna ng mga g**o at ng mga mag-aaral, Nobyembre 6, 2025.

Eksaktong alas-9:00 ng umaga nang tumunog ang sirena bilang hudyat ng Earthquake drill. Agad namang isinagawa ng mga mag-aaral at g**o ang tamang kilos na “Duck, Cover, and Hold” bilang bahagi ng pagsasanay sa tamang pagtugon sa panahon ng lindol. Pagkatapos ng unang yugto ng drill, maayos na nagsagawa ng evacuation ang bawat klase patungo sa itinalagang evacuation area.

Layunin nitong mapalakas ang kahandaan at disiplina ng mga mag-aaral at g**o sakaling maranasan ang aktwal na lindol. Sa pangunguna ng school disaster risk reduction and management (DRRM) team, sinig**o ang maayos na daloy ng aktibidad at ang kaligtasan ng lahat ng kalahok.

Ang isinagawang earthquake drill ay nagpapakita ng pagsisikap ng Arizala Elementary School sa pagtaguyod ng kaligtasan at kahandaan ng bawat miyembro ng paaralan, at upang patuloy na mahasa ang mga Arizalians na maging alerto at responsable sa panahon ng sakuna.



19/10/2025

Happy Birthday, Ma'am Aiza Parantar. Thank you for the guidance, patience, and inspiration that you've not just to your learners but also to your colleagues. Wishing you joy, good health, and success always. More power!

Photos from DepEd RXII  Arizala Elementary School's post 06/10/2025

AES Celebrates Teachers’ Day 2025

Sa pangunguna ni Ma’am Jessie Ann P. Gomez, SELG Adviser, kasama ang mga SELG Officers sa pamumuno ni Antonette Ohann Avelino, SELG President, katuwang ang mga SPTA Officers na pinangungunahan ni Gng. Eden Lopez, at ang mga SGC Officers sa pamumuno ni Gng. Johanna Pauline Avelino, ma'am Rillianne Rose A. Dulawan, AOII at punong-g**o sir Jool A. Montojo Jr., buong puso naming ipinagdiriwang ang araw na ito bilang pagkilala at pasasalamat sa aming mga dakilang g**o ng Arizala Elementary School.

Maraming, maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtuturo, paggabay, at pagmamahal sa bawat batang Arizalian. Sa bawat aral, ngiti, at inspirasyong ibinabahagi ninyo sa bawat mag-aaral, kayo po ang tunay na bayani ng aming mga puso!

Sa araw na ito, kayo po ang aming mga bituin ✨ na patuloy na nagbibigay liwanag, inspirasyon, at pag-asa sa bawat batang inyong tinuturuan.
Mabuhay ang mga G**o ng Arizala Elementary School.

Want your school to be the top-listed School/college in General Santos City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Purok 9, Paradise, Barangay Mabuhay
General Santos City
9500

Opening Hours

Monday 7:30am - 5pm
Tuesday 7:30am - 5pm
Wednesday 7:30am - 5pm
Thursday 7:30am - 5pm
Friday 7:30am - 5pm