21/07/2026
๐ฑ๐ CHAMPION TAYO! | Gulayan sa Paaralan ๐๐ฑ
Isang taos-pusong pagbati sa FATIMA CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL sa pagkakamit ng CHAMPION sa Gulayan sa Paaralan โ Barangay Level sa ginanap na 16th Kalton Festival ng Barangay Fatima, General Santos City.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, dedikasyon, at pagmamahal sa kalikasan ng buong komunidad ng FCES. Patunay ito na sa pagtutulungan at malasakit, tunay na namumunga ang ating mga adhikain.
Lubos ang aming pasasalamat sa aming School Principal, Maโam Lilibeth B. Deypalubos, sa kanyang mahusay na pamumuno at walang sawang suporta. Taos-puso rin kaming nagpapasalamat kay Sir Edwin Caduada, Assistant to the Principal, sa kanyang patuloy na paggabay at suporta sa programa.
Mahalagang pagkilala rin kay Sir Rex Calamohoy, Gulayan sa Paaralan Coordinator, na siyang kumatawan sa ating paaralan at naging katuwang sa tagumpay na ito.
Maraming salamat din sa lahat ng mga g**o, mag-aaral, magulang, at mga katuwang sa komunidad na naging bahagi ng tagumpay na ito. Ang parangal na ito ay para sa ating lahat!
Patuloy nating pagyamanin ang ating Gulayan sa Paaralan at isabuhay ang pagmamahal sa kalikasan para sa mas luntiang kinabukasan. ๐ฟ๐
Bastaโt sa FCES, sure ang SUCCESS.