14/08/2026
📢 Welcome BESTIANS Learners!!
SUCCESSFUL RESUMPTION OF FACE-TO-FACE CLASSES
We are pleased to announce the successful conduct of Face-to-Face Classes at Batomelong Elementary School on Thursday, August 13, 2026, following the temporary suspension due to the recent earthquakes.
As part of our efforts to ensure the safety, preparedness, and well-being of our learners, the school successfully conducted the following activities:
🔹 Mental Health and Psychosocial Support Services (MHPSS) – to provide emotional support and help learners cope with the effects and possible stress caused by the earthquake.
🔹 Earthquake Preparedness Simulation and Orientation – to strengthen learners’ knowledge and readiness on what to do before, during, and after an earthquake, including proper evacuation procedures and safety protocols.
These activities were conducted to help ensure that our learners are emotionally prepared, physically safe, and knowledgeable about appropriate earthquake safety measures as face-to-face classes resume.
We sincerely express our heartfelt gratitude to our learners, parents, teachers, non-teaching personnel, School Principal, and stakeholders for their patience, cooperation, understanding, and unwavering support throughout the period of class suspension and the safe return to face-to-face learning.
Let us continue working together to maintain a safe, resilient, caring, and quality learning environment for every learner of Batomelong Elementary School.
, we rise.
, we learn.
, we succeed!
12/08/2026
Taos-puso ang aming pasasalamat sa Barangay Local Government Unit ng Barangay Batomelong, General Santos City, sa pangunguna ng Punong Barangay Alikhan K. Bentaib, kasama si SK Chairman Al Jihad Bentaib, sa mabilis at maaasahang tulong sa paghakot (hauling)ng mahahalagang kagamitan, kabilang ang mga instructional materials at sako ng bigas.
Malaking tulong ang inyong suporta sa pagpapatupad ng mga programa ng paaralan at sa kapakanan ng aming mga mag-aaral. Ang inyong malasakit sa edukasyon ay lubos naming pinahahalagahan.
Mula sa buong pamilya ng Batomelong Elementary School, maraming salamat po sa inyong kabutihan at pakikipagtulungan.
12/08/2026
PAUNAWA | MULING PAGBABALIK NG FACE-TO-FACE CLASSES
Magandang araw !
Matapos ang ilang panahon ng paghihintay, muling magpapatuloy ang ating Face-to-Face Classes bukas! 🎒🏫
Alinsunod sa Executive Order No. 48, Series of 2026, ng Pamahalaang Lungsod ng General Santos, inaanyayahan ang lahat ng ating mga mag-aaral na magbalik-eskwela at makiisa sa ligtas, maayos, at makabuluhang pagkatuto.
👩🏫 Mga mag-aaral, ihanda ang inyong mga gamit at sarili para sa pagbabalik sa paaralan.
👨👩👧 Mga magulang, maraming salamat sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan.
📌 Mahalagang Paalala:
Makipag-ugnayan sa inyong adviser para sa mga gagawin ngayong linggo at para sa iskedyul ng inyong mga klase.
🏫 Batomelong Elementary School ay handang-handa nang muling tanggapin ang ating mga mag-aaral!
Babalik tayo. Sama-sama tayong matututo, lalago, at uunlad! 💙💛
11/08/2026
ADVISORY | PAGBABALIK NG FACE-TO-FACE CLASSES
Batay sa isinagawang joint press conference ng Pamahalaang Lungsod ng General Santos at DepEd General Santos City ngayong hapon, Agosto 11, 2026, maaaring ipagpatuloy anumang araw ngayong linggo ang face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralang elementarya at sekondarya.
Inaatasan ang lahat ng paaralan na mahigpit na ipatupad ang kanilang School Safety Primer at mga umiiral na protocol sa kaligtasan at seguridad. Kabilang dito ang paggamit lamang ng mga silid-aralan sa ground floor at second floor, araw-araw na maiikling emergency drill, malinaw na proseso ng muling pagsasama ng mga mag-aaral at kanilang pamilya, maayos na sistema ng komunikasyon, at malapit na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na ahensiya para sa kaligtasan at pagtugon sa emerhensiya.
Pinahihintulutan din ang mga school head na tukuyin ang pinakaangkop na learning modality—full face-to-face, limited face-to-face, modular, online, o blended learning—batay sa kahandaan at pangangailangan ng paaralan, gayundin sa umiiral na sitwasyon.
Ang lahat ay pinaaalalahanang manatiling mapagmatyag, kalmado, at laging unahin ang kaligtasan habang patuloy tayong bumabangon at unti-unting nagbabalik sa normal na operasyon ng mga paaralan.
11/08/2026
READY WHEN CALLED! 💙💛💚
Batomelong Elementary School is fully prepared to resume face-to-face classes at any time, once the official Executive Order (EO) from the City Mayor’s Office is released.
Our teachers and staff are ready, our learning environment is prepared, and our school community stands united in ensuring a safe, quality, and meaningful learning experience for every Batomelong learner. 🏫📚✨
📌 For now, we respectfully ask everyone to wait for the official announcement and continue to stay updated through our school’s official communication channels.
Together, we make learning meaningful! 💙💛💚
10/08/2026
🌾 IPAGDIWANG ANG KULTURA AT TRADISYON! 🌾
Isang mapagpalang pagdiriwang ng National Indigenous Peoples Day mula sa pamunuan, mga g**o, at mga mag-aaral ng Batomelong Elementary School!Ngayong araw, buong pagmamalaki nating ipinapakita ang yaman ng ating kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan sa pamamagitan ng ating mga katutubong kasuotan at sining. Ang bawat disenyo, kulay, at habi ay sumasalamin sa lalim ng karunungan at katatagan na ipinamana sa atin ng ating mga ninuno.
Karangalan nating gabayan ang ating mga kabataan na yakapin, mahalin, at ipagpatuloy ang pagpapahalaga sa ating pinagmulan habang naglalakbay tungo sa isang inklusibo at maunlad na kinabukasan.
Mabuhay ang ating kulturang katutubo! Mabuhay ang mga mag-aaral ng Batomelong ES! 🇵🇭✨
04/08/2026
OCD XII, DepEd Assess Earthquake-Damaged Buildings at Batomelong ES to Ensure Safe, Uninterrupted Learning
On August 4, 2026, the Office of Civil Defense XII, in collaboration with DepEd South Cotabato, conducted a Post-Disaster Needs Assessment (PDNA) on the red-tagged and yellow-tagged buildings damaged by the magnitude 7.8 earthquake at Batomelong Elementary School. We extend our sincere thanks for their continuous assessment of our schools and for addressing necessary repairs to ensure the uninterrupted delivery of basic education.
02/08/2026
PAUNAWA
Magalang naming ipinababatid sa lahat ng ating mga mag-aaral, magulang, g**o, at iba pang mga stakeholder na wala pang opisyal na anunsyo mula sa Pamahalaang Lokal ng General Santos City (LGU GenSan) kaugnay ng pagpapatuloy ng face-to-face classes.
Hinihiling namin ang inyong pakikipagtulungan na manatiling nakatutok lamang sa opisyal na page ng DepEd General Santos City, LGU GenSan: TATAK Heneral at Serbisyong Totoo: Tatak Pacquiao para sa mga susunod na abiso at mahahalagang anunsyo.
Samantala, patuloy nating unahin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat isa. Manatiling maingat, mapagmatyag, at sumunod sa mga ipalalabas na opisyal na anunsyo ng mga kinauukulang awtoridad.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at patuloy na suporta.
14/07/2026
📢OPISYAL NA ANUNSYO: SUSPENSIYON NG FACE TO FACE CLASSES
Ipinagbibigay-alam po sa lahat ng mga magulang at mag-aaral ng BATOMELONG ELEMENTARY SCHOOL na pansamantalang suspendido ang mga face-to-face na klase bunsod ng naganap na lindol sa ating rehiyon.
Insidente: Lindol (Earthquake)
Oras at Petsa: 11:49 ng gabi, Martes, Hulyo 14, 2026
Magnitude: 6.5
Ipinatupad ang suspensiyong ito upang matiyak ang lubos na kaligtasan ng lahat ng mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan. Kinakailangan ang masusing pagsusuri ng mga kinauukulan sa mga pasilidad ng paaralan—upang masig**ong ligtas ang lahat bago pabalikin ang mga bata sa paaralan.
Manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng kinauukulan. Ingat po ang lahat 🤲🙏
14/07/2026
We are so proud of you Ma'am Morista Cawayan Buday! 🎉 dedicating 20 amazing years to service. What an inspiration! 💖👩🏫✨
in service