Dar Ruqayyah Litahfidhil Qur'anil Kareem Lil banat

Dar Ruqayyah Litahfidhil Qur'anil Kareem Lil banat

Share

Daru Ruqqayah Qur-anic Center ( دار رقية لتحفيظ القرآن الكريم -- للبنات ) is a Center intended for women who are interested in memorizing the Holy Qur-an.

Photos from Dar Ruqayyah Litahfidhil Qur'anil Kareem Lil banat's post 06/08/2026

Alhamdulillah ❤️ Alladhi bini'matihi tatimmusaalihat🤲

Sa ngalan ng buong pamilya ng DARU RUQAYYAH LITAHFIZIL QUR-ANIL KAREEM, taus-puso po kaming nagpapasalamat sa mabuting pusong naglaan ng pagkain para sa aming mga mag-aaral. Bagama't pinili ninyong manatiling hindi nagpapakilala, batid po ng Allah ﷻ ang inyong kabutihan at ang inyong sinserong hangarin.

Maraming salamat din kay Ustadz Abdul Baki Pangolima na naging daan upang makarating ang biyayang ito sa aming mga mag-aaral.
Hindi rin namin malilimutan ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong sa paghahatid ng pagkain, lalo na sa Nhur Halal Catering Services, sa inyong oras, pagod, at malasakit.

Dalangin namin na gantimpalaan kayo ng Allah ﷻ ng masaganang rizq, mabuting kalusugan, at walang hanggang biyaya sa mundong ito at sa Kabilang-Buhay.

"At anuman ang inyong gugulin sa kabutihan, katiyakang ito ay lubusang ibabayad sa inyo, at hindi kayo dadayain." (Qur'an 2:272)

Jazākumullāhu Khayran Kathīrā. 🤍

05/08/2026

📖 ENROLLMENT IS NOW OPEN! 🤍

Sa ngalan ng Daru Ruqayyah Litahfizil Qur-anil Kareem, malugod naming inaanyayahan ang lahat ng nagnanais na matuto ng Banal na Qur'an na magpatala sa aming programa.
Bukas na ang aming LIMITED SLOTS para sa mga bagong mag-aaral na nagnanais matutong bumasa, magtajwīd, at magsaulo ng Qur'an sa ilalim ng wastong paggabay.
Sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ:
"Ang pinakamainam sa inyo ay ang nag-aaral ng Qur'an at nagtuturo nito." (Sahih al-Bukhari)

Huwag palampasin ang pagkakataong maging kabilang sa mga taong pinararangalan ng Allah sa pamamagitan ng Kanyang Aklat. Simulan ang inyong paglalakbay tungo sa kaalaman, pananampalataya, at pagmamahal sa Qur'an.

📌 Bukas na ang aming enrollment at limitado lamang ang mga slot. Magpatala na!

Daru Ruqayyah Litahfizil Qur-anil Kareem "Kasama ang Qur'an tungo sa tagumpay sa mundong ito at sa Kabilang-Buhay."

05/08/2026

Bismillahir Rahmanir Raheem

Assalamo alaicum warahmatullahi wa barakatuho 🤝

Alhamdulillāh, lahat ng papuri ay sa Allah lamang.

Malugod naming ipinapaabot ang taos-pusong pagbati para sa bagong tatlong HAFIZAAT ng Daru RUQAYYAH LITAHFIZIL QUR-ANIL KAREEM,

*AL-HAFIZA AMARA BANDALA BINAGO mula sa LIBUA,PALIMBANG SULTAN KUDARAT

*AL-HAFIZA ESMERA SAMAD SUPIAN mula sa BUTRIL,PALIMBANG SULTAN KUDARAT

* AL-HAFIZA BAI RAYYAH ALAMAN ViILLAMOR na mula sa LAMPARI,BANGA SOUTH COTABATO

sa kanilang matagumpay na pagkakhatem ng Banal na Qur'an ngayong araw.

Ang tagumpay na ito ay hindi lamang bunga ng sipag at pagtitiyaga, kundi higit sa lahat ay isang dakilang biyaya at awa ng Allah ﷻ. Nawa'y ang Qur'an na inyong nabigkas at natutuhan ay manatiling gabay sa inyong buhay, liwanag ng inyong mga puso, at maging dahilan ng inyong tagumpay sa mundong ito at sa Kabilang-Buhay.

Dalangin namin na pagkalooban kayo ng Allah ﷻ ng patuloy na katatagan (istiqāmah), dagdag na kaalaman, at kakayahang maisabuhay at maipalaganap ang mga aral ng Banal na Qur'an.
Muli, taos-pusong pagbati sa inyong mahalagang tagumpay.

Mabārak at nawa'y pagpalain pa kayo ng Allah ﷻ

24/07/2026

Assalamo alaicum warahmatullahi wa barakatuho 🤝

🌸 MABUHAY AT TAOS-PUSONG PAGBATI! 🌸
Lubos naming ipinapaabot ang aming pinakamainit na pagbati sa tatlong (3) Ustadzah at isang (1) mag-aaral ng Daru Ruqayyah Litahfizil Qur-anil Kareem sa kanilang matagumpay na pagpasa sa QEALIS Examination na ginanap noong April 12, 2026.

🌿 Ustadzah Najmah Kudanding Buday-Ali Saripada
🌿 Ustadzah Jehana Abedin Tondog-Dagundol
🌿 Ustadzah Ashia Tondog Kudanding-Alioden
🌿 Ustadzah Rahela Tondog Kudanding

Ang inyong tagumpay ay bunga ng taos-pusong pagsisikap, pagtitiyaga, at pagtitiwala sa Allah. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa marami na ipagpatuloy ang paghahanap ng kaalaman at ang paglilingkod sa Islam.
Hinihiling namin kay Allah ﷻ na pagpalain pa kayo ng higit na karunungan, katatagan, at ikhlāṣ sa inyong patuloy na pagtuturo at pagpapalaganap ng Kanyang relihiyon.
Muli, mabuhay kayo! Nawa'y gawin ng Allah ang tagumpay na ito bilang simula pa ng mas marami ninyong mararating sa landas ng kaalaman at paglilingkod.
بارك الله فيكنّ، وزادكنّ الله علمًا وعملاً نافعًا. آمين.

Photos from Dar Ruqayyah Litahfidhil Qur'anil Kareem Lil banat's post 20/07/2026

Ang kaalaman ay pinapalamutian ng Adab at presensya .

Mga iginagalang naming panauhin at mga ginang ng komunidad.Salamat sa inyong oras at suporta para saksihan ang tagumpay ng ating graduates.

Photos from Dar Ruqayyah Litahfidhil Qur'anil Kareem Lil banat's post 20/07/2026

Nkaupo ng may dignidad.May Dalang Qur-an sa puso at sa kama'y hawak ang Sertipiko.
Ito ang kababaihan na pinili ni Allah para dalhin ang kanyang Aklat.

Mubaarak Graduates🤝🤝

Photos from Dar Ruqayyah Litahfidhil Qur'anil Kareem Lil banat's post 20/07/2026

Isang yugto ang natapos,Isang bagong Simula ang nag-umpisa.
Congratulations batch 3 graduates🤝🤝

Photos from Dar Ruqayyah Litahfidhil Qur'anil Kareem Lil banat's post 20/07/2026

Sa likod ng bawat tagumpay ng isang hafiza h,nandyan ang walang sawang suporta,dasal, at sakripisyo ng mga magulang.
Proud parents! Prouder Daughter!

Mubaarak sa mga bagong graduates ng Daru RUQAYYAH Qur-nic Center batch 3!
Nawa'y maging Sadaqah Jaariyah ang tagumpay na ito para sainyong lahat🤲🤲

Photos from Dar Ruqayyah Litahfidhil Qur'anil Kareem Lil banat's post 20/07/2026

Hindi ito katapusan, ito ay panimula.
Nawa'y ipagpatuloy, isabuhay, at ituro pa natin ang Qur'an.
Congratulations Batch 3! Allahumma barik lahunna wa li ahlihinna.

Photos from Dar Ruqayyah Litahfidhil Qur'anil Kareem Lil banat's post 20/07/2026

"Ang kaalaman ay ilaw, at ang Qur'an ang pinakamainam na patnubay."

Mga panauhin at tagapagsalita sa 3rd Commencement Exercise ng Daru Ruqayyah Qur'anic Center 2026-1448H.

Nawa'y tanggapin ni Allah ang bawat payo, paalala, at suporta para sa ating mga bagong Hafidhatul Qur'an. 🤲

Want your school to be the top-listed School/college in General Santos City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


General Santos City
9500