08/03/2022
Tuwing March 8, ipinagdiriwang ang International Women’s Day kung saan patuloy na ipinaglalaban ang mga karapatan ng kababaihan, isinusulong ang kanilang kapakanan at kinikilala ang kanilang mga kontribusyon sa iba’t ibang larangan.
Ngayong 2022, ang tema ng pagdiriwang ay “equality today for a sustainable tomorrow” o pagkakapantay-pantay tungo sa mas ligtas at maayos na bukas. Ayon sa United Nations, kababaihan ang higit na nakararanas ng epekto ng pagbabago sa pandaigdig na klima (climate change) kaysa kalalakihan dahil sila ang bumubo sa malaking bahagdan ng mahihirap sa buong mundo. Subalit mahusay at kapaki-pakinabang na pinuno rin ang kababaihan upang makamit ang mga kinakailangan na pagbabago.
Kaya ngayong 2022, ipanalo natin ang bukas, ipanalo ang kababaihan!
Tuwing March 8, ipinagdiriwang ang International Women’s Day kung saan patuloy na ipinaglalaban ang mga karapatan ng kababaihan, isinusulong ang kanilang kapakanan at kinikilala ang kanilang mga kontribusyon sa iba’t ibang larangan.
Ngayong 2022, ang tema ng pagdiriwang ay “equality today for a sustainable tomorrow” o pagkakapantay-pantay tungo sa mas ligtas at maayos na bukas. Ayon sa United Nations, kababaihan ang higit na nakararanas ng epekto ng pagbabago sa pandaigdig na klima (climate change) kaysa kalalakihan dahil sila ang bumubuo sa malaking bahagdan ng mahihirap sa buong mundo. Subalit mahusay at kapaki-pakinabang na pinuno rin ang kababaihan upang makamit ang mga kinakailangan na pagbabago.
Kaya ngayong 2022, ipanalo natin ang bukas, ipanalo ang kababaihan!
Sina Likha at iba pang ALS characters sa larawan ay produkto ng Communication for Development (C4D) for ALS Project ng DepEd ALS 2.0, Plan International Philippines at UNICEF Philippines.