31/08/2023
MARAMING SALAMAT MSU!
Happy 62nd Founding Anniversary of Mindanao State University!
(CTTO of the image)
Ang pahinang ito ay magsisilbing instrumento upang magbigay gabay sa pagbabalik-tanaw sa mahabang ka
31/08/2023
MARAMING SALAMAT MSU!
Happy 62nd Founding Anniversary of Mindanao State University!
(CTTO of the image)
Isisiwalat na ang nailibing na katotohanan.
Babangon muli ang mga dapat maningil
ng mga salitang hindi naibigkas.
Mabubuhay ang hiwaga ng liwanag, ng araw, at bituin na tatahi sa kasaysayan ng nilapastanganang maharlika.
Binubuo nga ba tayo ng nakaraan o binubulid tayo nito? Ano't ano pa man iisa lang ang tiyak tayo, talรข ito ng kasaysayan na siyang gabay natin para sa hinaharap.
Abangan...
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐น๐๐บ๐ฎ๐: ๐๐ถ๐๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐ธ๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐๐ป๐น๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ
"๐ฉ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐?
๐ฐ๐๐'๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ '๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐.
๐พ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐
๐๐๐ ๐ต๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐ณ๐๐๐๐, ๐ฉ๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐ด๐๐๐
๐๐๐๐."
-๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐ต๐ถ๐ญ๐ข ๐ฏ๐ช ๐๐ช๐จ๐ถ๐ฆ๐ญ ๐. ๐๐ข๐ฏ๐ต๐ฐ๐ด
Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa. Ang ating Wikang Filipino ay maraming pinagdaanan bago pa man ito naging Wikang Pambansa natin.
Tara na! Samahan natin sina Penong, Pepay na lakbayin ang naging kwento ng kasaysayan ng ating Wikang Filipino. Tara, lumayag na tayo!
๐๐ง๐ข ๐๐ฌ ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐ก๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ ๐๐-๐๐๐ฅ๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐ญ๐ฒ๐ญ-๐๐ฏ๐ฌ
11/12/2021
PAGTATALAKAY SA KONSEPTONG PANGWIKA
Ang isang bansa ay hindi maaaring maging ganap kung wala itong wikang salamin ng kanilang pagkakakilanlan. Wika ang siyang nagpapabatid at saksi ng mahabang kasaysayan ng isang bansa at bigkis na nag-uunay sa bawat mamamayan. Itinuturing na mabisang sandata sa pagtamo ng pagkakaunawaan at pagkakaisa para sa kaunlaran ng bansa. Mahalaga ang pagkatuto sa mga konsepto at wastong paggamit ng wikang Filipino sapagkat ito ang nagsisilbing gabay upang maisakatuparan ang anumang layunin at tunguhin.
Lantad sa mga lekturang bidyo na aking napanood ang saysay at gampanin ng WIKANG PAMBANSA sa lahat ng larangan at aspekto ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ang lente nito ay hindi lamang upang ipaalam ang bawat datos kundi ipamulat at pukawin ang tulog na diwa ng mga Pilipinong bilanggo ng pandayuhang mentalidad. Batay sa pahayag ni Propesor Ricardo Ma. D. Nolasco, pinaninindigan at patuloy na namumutawi ang kolonyal na balangkas sa pag-iisip na dito tayo aangat at uulad. Isang punto rin na nakapag-ambag dito ay ang kakulangan sa mga sanggunian. Sa salaysay ni Propesor Niel Martial R. Santillian, maiintindihan natin ang ipinapahiwatig ng mga konteksto kung gagawing mapagkukunan at impukan ng datos ang wikang Filipino. Bilang wikang Filipino ang WIKANG OPISYAL, alinsunod sa ating batas na gamitin ito sa mga opisyal na transaksyon kabilang na rito ang mga talastasan ng mga kagawaran, kawanihan, ahensiya at tanggapan, kung gayon, saklaw nito ang mga paaralan. Ang wikang Filipino ay siya ring WIKANG PANTURO sa pormal na edukasyon, Mas mainam at mas mabisa ang pagkatuto ng isang mag-aaral kung pinag-aaralan ito sa wikang malaya niyang maipahayag ang sariling saloobin, sa pamamagitang ng wikang Filipino.
Samakatuwid, marapat lamang na itoโy bigyang pansin at diin sapagkat ang ating wikang Pambansa ay nakalangkap sa ating identidad bilang Pilipino. Habang nililiang ito sa paggamit sa mga opisyal na transaksyon, korespondensiya, sa pagtamo na ng kaalaman at pagtuturo, huwag natin itong ikulong sa isang kaisipan na itoโy batay lamang sa isang wika subalit batay sa lahat ng umiiral na wika sa Pilipinas, ika nga kay Propesor Angelito G. Manalili, hindi natin kailangang maging purista. DINAMIKO ANG WIKA.
UGNAYAN NG KONSEPTONG PANGWIKA SA IBA'T IBANG SITAWASYONG PANGKOMUNIKASYON
PAKIKIPAGTALASTAS, isa sa pinakamahalagang sangkap upang maisakatuparan ang anumang hangarin. Sa kalakal, edukasyon, pakikisalamuha at lahat ng gawaing may kaunayan sa wika. Hindi natin maipagkakaila na isa sa mabisang sangkap ang wika sa proseso ng pakikipagkomunikasyon. Sa katunayan, sa paggamit ng makalumang paraan ng pagsulat na kung tawagin ay baybayin ng mga katutubo, naging mataas ang literasi dahil ito ay lubos nilang nauunawaan ngunit ito ay nagbago sa pagpasok ng mga dayuhan.
Nang nagsimula ang pananakop ng mga Espanyol, umusbong at lumaganap ang alpabetong Romano na nagbunga ng kalituhan na naging dahilan ng pagbaba ng literasi ng mga Pilipino. Noon pa man ay may malaking papel na ginagampanan ang wika pagdating sa kalakalan. Pilipinas ang naging daungan at sa paglipas ng panahon ay nagbukas ng mas malawak o pandaigdigang kalakalan na kung saan naging mas mabigan ang tungkulin ng wika. Mula sa lekturang bidyo na aking napanood, nabanggit ni Dr. Ma. Crisanta Flores na sa Bagong Milenya ay may bagong epekto rin ang globalisasyon. Sa pagnanais na makipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon ay nabago ang pagtingin at pananaw ng mga Pilipino sa wikang Filipino mula sa pagiging mababa, hindi intelektuwalisado, bakya at panlansangan buhat ng metalidad na mas madaling aangat ang bansa sa paggamit ng wikang Ingles. Sa pahayag ng mga dalubhanag propesor, napatunayan na talagang mabisa ang paggamit ng wikang Filipino sa paraan ng paglalahad at pagtuturo sapagkat napapadali ang transaksyong isinasagawa lokal o internasyonal.
Naging malinaw ang importansya ng pagkakaroon ng sariling wika na lubos na nauunawaan ng lahat o nakararami sa daloy ng komunikasyon. Bakas ito sa lahat ng ating gawain at tulay sa paglalapit ng dalawang magkaibang panig at kinagisnan. Dala ng wika ang mensahe ng pagtutulungan para sa pambansang kaunlaran.
PANGKALAHATANG REAKSIYON UKOL SA WIKA BILANG DALUYAN SA NAPAKINGGANG SITWASYON
Bilang isang estudyanteng nagpapakadalubhasa sa Filipino, mulat na ako sa mga pagpapakahulugan at impormasyon patungkol sa wika subalit ang dalawang lekturang bidyo ay nagbigay ng mas malalim at makabuluhang pagpapakahulugan sa kung ano ang tunay kalagayan ng ating wika. Ipinaliwanag nito ang danas at hamong konaharap ng WIKANG PAMBANSA bago ito naisakatuparan sa isang konstitusyon.
Magkahalong emosyong ang aking naramdaman matapos mapanood at mapakinggan ang bawat pahayag ng bawat propesor patungkol sa wikang Pambansa. Nagagalak ako na sa kabila ng pagkakaiba-iba ng larangan ay nagkakaisa pa rin ang dalubhasa na itaguyod ang wikang Pambansa mula noon hanggang sa kasalukuyan. Sa kabilang banda, hindi ko maiiwasang malungkot sa mga kuwentong ibinahagi ng mga propesor patungkol sa pangmamaliit at alipusta sa wikang Filipino. Sinasabing kung patuloy itong gagamitin ay hindi uuasd ang estado ng bansa at mas tinatangkilik na gamitin ang wikang banyaga. Natatawa na lamang akong isipin na mas binibigyang halaga, pinag-aaralan nang may respeto at dignidad ng taga-ibang bansa ang wikang Filipino kaysa sa tunay na may-ari at dapat na gumagamit nito.
Sa patuloy napagsulong at pagtatanggol sa wika ng ating bayan, napagtanto ko na iilan lamang ang interesado na pag-aralan ang wikang Pambansa dahil sa tingin ng iba pag Filipino, madali lang. Oo, madali lang isawalang bahala ng mga taong walang pusong Makabayan. Oo, madali lang tanggalan ng Karapatan bilang wikang nagsasarili. At oo, madali lang alipustahin at apihin bilang wika ng nasa laylayan ngunit oo, madali lang itong unawain, linangin at siyempre madali lang itong mahalin. Madali man sa unang tingin, mahirap naman maintindihan kung lalaliman ang pag-unawa natin.
09/12/2021
PAGTATALAKAY SA KONSEPTONG PANGWIKA NA NALAMAN
Sa napanood kong dokumentaryong "Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa" ay nalaman ko ang halaga ng wikang Filipino sa ating kultura, kasaysayan at pambansang pagkakaisa. Ayon pa nga kay Ricardo Ma. D. Nolasco na dating komisyoner ng KWF; isang makapangyarihang instrumento ang meron kang isang wika kung nais nating magkaroon ng pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa. Ang kanyang sinabi ay totoo ngunit ang katotohanang ito ay palagian ding nalalabag dahil sa kolonyal na mentalidad ng karamihan sa atin. Sa kabilang banda naman ay nakatutuwang malaman na sa usapaing pang-edukasyon sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman na mas mahusay magpaliwanag ang mga estudyante ngayon sa wikang Filipino ayon kay Rowena L. Guevara, properso sa UP Diliman. Sabi rin ni Agustin L. Arcenas, Propesor ng Ekonomiks sa Up Diliman, Ang wika ay mahalaga dahil ito ang paraan kung paano makakapagturo sa estudyante. Mas mainam nga na Filipino ang ginagamit dahil mas nakikinig ang mga estudyante at mas mabisa itong panturo. Ito'y isang patunay na mas epektibo ang pagtuturo gamit ang wikang Filipino sa larangan ng edukasyon. Sa katunayan pa nga ay may dalawang estudyante na sina Tatjiana M. Medina at Jose Miguel R. Salvo, Mga Mag-aaral ng BS Industrial Engineering sa UP Diliman ay gumawa ng keyboard na nasa disenyong alpabetikong Filipino. Talaga nga namang nakamamangha ang ganitong proyekto upang hindi tayo mapag-iiwanan ng ibang mga bansa. Ito'y magandang senyales para sa mas maunlad pa nating wikang pambansa sa susunod pang mga taon.
KAUGNAYAN NG MGA TINALAKAY NA KONSEPTONG PANGWIKA SA IBA'T IBANG SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON NA NAPAKINGGAN
Sa napanood kong ikalawang video na pinamagatang "Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at Globalisasyon | Dr. Crisanta Flores" ay nadagdagan ang aking kaalaman at kabatiran tungkol sa wikang Filipino dahil sa mga binahagi ni Dr. Crisanta Flores. Nakamamangha dahil nakasasabay na ang ating wika at may lugar pa rin sa Internalisasyon at Globalisasyon sa kasalukuyan. Nakalulungkot lang isipin sa sinabi niyang ang wikang Filipino ay tingin ng nakararami sa atin ito ay mababa at hindi intelektuwalisado, wikang bakya o panlansangan lang. Ito ay malungkot na katotohanan kaya nakasasama lang ng loob bilang isang mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa wika na ganito ang tingin ng kapwa natin Pilipino sa ating sariling wika at mas mataas ang kanilang tingin sa mga banyagang wika gaya na lamang sa wikang Ingles ngunit, hindi natin kalaban ang wikang Ingles kundi ang mentalidad na uunlad tayo sa ingles at sang-ayon ako sa sinabing ito ni Dr. Flores. Gayunpaman ay naniniwala pa rin akong mas marami pa rin ang tumitingala sa ating wika hindi lang dito sa ating bansa kundi pati na rin sa buong mundo dahil ang wikang Filipino at iilan nating katutubong wika ay itinuturo sa mga prestihiyosong Unibersidad sa labas ng bansa gaya ng sa Moscow State University sa Russia, Tokyo University of Foreign Studies sa Japan, Beijing Foreign Studies University sa Tsina, at marami pang iba kaya nakatataba ng puso na makitang nag-aaral ang mga banyaga ng ating wika at kultura. Karagdagan pa rito ay nakabibilib dahil may mga nagtuturo ring mga banyaga ng ating wika rito mismo sa loob ng ating bansa. Mga banyagang matatas sa wikang filipino na naging visiting professory at fellow sa UP diliman gaya ni Prof. Natalaia Zabolotnaya mula sa Moscow State U, Russia. Kung ako ay nababagot at gusto kong maglibang, ako ay nagbabasa ng libro kaya nakatutuwang malaman na may salin na ng mga panitikang popular sa Filipino gaya ng Game of Thrones, Les Miserables, Fifty Shades of Grey, Harry potter at iba pa na proyekto ni Segundo "Jun" Matias, Jr. Sana mas dumami pa ang mga panitikan na maisasalin sa wikang Filipino sa hinaharap.
PANGKALAHATANG REAKSIYON UKOL SA WIKA BILANG DALUYAN SA NAPAKINGGANG SITWASYON
Masasabi kong ang ating wika ay bukas sa anumang pagbabago at kayang sumabay sa agos ng panahon. Sa napakaraming prosesong pinagdaanan nito at hindi ito naging madali mula pa noong panahon ng mga katutubo hanggang sa kasalukuyan ay subok na ang ating wika at handa nang makipagsabayan sa internalisasyon at globalisasyon. Nakatataba ng puso na kahit mga banyaga ay interesante sa ating wika at kultura at handang ring magturo at matuto. Gayon na rin sa ibang mga bansa sa kanilang Unibersidad na nagpatayo pa ng sariling kolehiyo at mga kurso na pag-aaral sa ating wika at kultura. Balang araw ay makikita rin ng lahat kung gaano kayaman ang wikang Filipino. Sabi pa nga ni Dr. Flores na huwag nating ikahiya ang ating sariling wika dahil ito ang ating pagkakakilanlan at dito sumasalamin ang ating kultura dahil kabuhol nito ang wika.
MARVIN JOHN Z. BEDIA
FIL161 - E30
08/12/2021
Wikaโy kabuhol ng kultura, nakikilala ang isang tao sa pamamagitan ng pagtukoy kung ano ang wikang kaniyang sinasalita. Itinuturing na salamin ng pagkasino ang wika sapagkat itoโy repleksiyon at representasyon ng kaniyang pag-iral sa lipunang ginagalawan. Simbolo ng lahing Pilipino ang Wikang Filipino na ang kasaysayan ay may mabigat na danas at ang pagdalumat ay kinakailangan upang mabatid ang mga mahahalagang pangyayari na umukit sa pag-unlad nito upang maging isang Wikang Pambansa.
Tinalakay sa mga bidyung may mga pamagat na โ๐บ๐ ๐ด๐๐
๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐: ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐-๐๐๐๐๐
๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐โ at โ๐พ๐๐๐๐๐ ๐ญ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐โ ang mga konseptong pangwika, kasaysayan at pag-unlad ng Wikang Pambansa, maging ang katayuan at hamon ng patuloy na paglago ng globalisasyon at internasyonalisasyon sa Wikang Filipino.
Ayon kay Bienvenido Lumbera,โ๐จ๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐โ. Hindi lingid sa atin na nakasulat na sa kasaysayan ang Wikang Tagalog bilang naging batayan ng unang wikang Pambansa ng Pilipinas. Sinasalamin nito ang mga Pilipino dahil naging tulay ito sa mas malawak na pagpapahayag ng kulturang Pilipino mula sa paglikha ng mga sinaunang panitikan at naging susing bumukas sa pagpapaunlad ng Wikang Pambansa.
Winika naman ni Propesor Padilla na ang sariling wika ay daan papunta sa Wikang Filipino at sa iba pang wika mapa-banyaga man. Nakalulungkot lang na may iilan sa mga kasapi ng pamahalaan ang tutol sa paggamit ng Wikang Filipino bilang Wikang Opisyal. Ayon nga kay Propesor Victor, marami pa rin sa mga politico ay naniniwala pa rin na dapat Wikang Ingles ang wika natin.
Ang globalisasyon ay hindi na bago sa ating kasaysayan at sa lente nito ay patuloy na umuunlad ang Wikang Filipino dahil ito ay pinayabong pa ng Wikang kastila, Ingles at wikang banyaga sa pamamagitan ng globalisasyon.
Nabanggit ni Dr. Crisanta Flores na ang kalaban natin ay hindi ang mga wikang banyaga gaya ng Wikang Ingles kundi ang sariling mentalidad ng mga Pilipino. Mabubuwag lamang ang maling pananaw na hindi kayang makipagsabayan ng Wikang Pambansa sa internasyonal na lunsaran kung tutuwirin ang pananaw na baliko sapagkat maraming beses nang napatunayan na malakas ang kapangyarihan ng Wikang Filipino sa globalisasyon at internasyonalisasyon.
Dagdag na punto pa mula sa lektura ni Dr. Flores na ang mga mag-aaral ay nangangailangan na matutunan ang wika, kasaysayan, at kultura. Malaking hamon para sa mga mag-aaral at mga g**o na maiangat ang wikang Filipino sa kabila ng natatanggap nito na pang-aalipusta. Ang wikang Filipino ay hindi isang wikang lansangan dahil ito ay itinuturo sa ibang bansa nang may mataas na paggalang at dignidad bilang intelektuwalisad**g wika.
๐ท๐จ๐ต๐ฎ๐ฒ๐จ๐ณ๐จ๐ฏ๐จ๐ป๐จ๐ต๐ฎ ๐น๐ฌ๐จ๐ฒ๐บ๐ฐ๐๐ถ๐ต
Kung ating babalikan ang kasaysayan at pag-unlad ng Wikang Filipino, mahihinuha na masalimuot ang naging proseso kayaโt nakamamangha kung paano lumaban ang wika upang manatiling buhay sa kabila ng mga hamon bunsod ng pagbabago ng panahon.
Tunay ngang repleksiyon ng ating pagka-Pilipino ang Wikang Filipino dahil ito ang daluyan ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba iba. Mahalaga ring isadiwaโt isabuhay ang mas malalim na pagpapaunlad nito upang makasabay sa agos ng panahon na kung saan ang pagbabago ay hindi maiiwasan kaya ngaโt sinasabi na dinamiko ang wika.
Kasabay ng paglipas ng panahon, maraming mga pagbabago ang naganap hindi lamang sa ating kapaligiran kundi higit lalo na sa ating wika. Malaki ang naging pag-unlad ng wika, simula noong panahon ng mga katutubo, na kung saan tayo ay may alibataโt baybayin hanggang sa kasalukuyan na kung saan nagkaroon ng bagong alpabeto. Ang mga katutubo ay itinuturing na may malaking ambag sa tinatamasang pag-unlad sa kasalukuyan.
Mula sa mga talakayan ng katayuan ng Wikang Filipino sa Globalisasyon at Internasyonalisasyon, lubos akong namangha kung gaano kalawak ang impluwensiya ng Wikang Filipino dahil maraming paaralan sa ibang bansa ang gumagamit nito bilang isa sa kanilang mga asignatura. Isang malaking pagsubok man ang pag-usbong ng mga salik na nakaaapekto sa pag- unlad, hindi naman nito natinag ang Wikang Filipino upang lalong yumabong at ginagamit sa anumang larangan.
Patuloy pa rin ang pagbabago at pag-unlad ng wika. Hindi ito mapipigilan o masisira man ng panahon. Iba- iba man ng yugto, ay patuloy pa rin ang pagyabong nito. Ang modernong panahong ito tungo sa bagong yugto ng globalisasyon ay malaki ang maitutulong sa wika. Patuloy ang rebisa ng wika hanggang sa mas lalo pa itong mapaunlad. Marami pa rin ang madadagdag, mababago at maiaambag sa ating wika ng mga susunod pang henerasyon.
Bilang pangwakas, ang pagpapayaman sa wikaโt kultura ay tulay upang sagipin mula sa laylayan ang Wikang Pambansa. Sa modernong panahon ay nangangailangan na mas pinagtutuunan ng pansin kung paanong mas mapauunlad ang wika dahil ito ay sariling atin na dapat payabungin at pagyamanin. Wika ang siyang magbibigkis sa mamamayan tungo sa pagkakaisa at pag-unlad.
๐๐๐ก๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐ข๐ฅ๐ก๐
๐๐๐๐ญ๐ฒ๐ญ-๐๐ฏ๐ฌ
๐๐๐๐๐๐ช๐๐ก๐ ๐ง๐๐ข๐ก
Mga Saggunian:
Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa. Kinuha sa https://www.youtube.com/channel/UCMCWZXHlJtHts7BkFGv3pVQ
Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at Globalisasyon | Dr. Crisanta Flores. Kinuha sa https://www.youtube.com/watch?v=hZcNSvVq0Cg&t=1689s
06/12/2021
Isang napakabuluhang pananaw ang mga nailapat na katuturan at kabatiran sa mga lektura hinggil sa Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa. Natalakay rito ang mga salik na naging punto at dahilan kung paano nagkaroon ng pag-unlad ang wikang Pambansa mula sa pagiging payak at simple patungo sa kung paano ito binago kasabay ng kolonisasyon hanggang sa bagong milenyo. Nahimay-himay rin ang mga konseptong pangwika na siyang bantayog ng wikang Filipino sa kasalukuyan. Ang wikang Filipino bilang wikang Pambansa.
Mula sa dalawang lektura na aking napanood, naipakita at natalakay na ang wikang Pambansa ng Filipinas ay Filipino kung saan, ito ay binigyang bisa sa pamamagitan ng legal na batayan. Bakit? Ayon kay Guieba mula sa panayam, ang wikang Filipino ang unang tagpuan; sumasanga sa iba pang wika. At tayo na may ibaโt-ibang wika, tayo ay bumabalik sa puonโsa tagpuan. Masasabing, ang wikang Filipino ay hindi lamang wikang Tagalog para sumalamin sa mga Pilipino, bagkus ito ang ugat na bumibigkis sa ating kasaysayan, kultura, at identidad.
Ang wikang Filipino bilang wikang Opisyal. Ayon kay Paz, sa pagtamo ng pagkakaisa, kinakailangan na mayroong iisang wika dahil ito ang sangkap ng pambansang pagkakakilanlan. Gayon pa man, marami ang hindi nakauunawa at sa kasamaang palad, hindi nabibigyang hustisya ang wikang Filipino bilang wikang Opisyal. Sa lektura ni Dr. Crisanta Flores, na pinamagatang Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at Globalisasyon, natalakay niya na ang isang dahilan kung bakit hindi napapangatawanan ng mga Pilipino ang wikang Filipino bilang wikang Pambansa ay sa kadahilanang mulat ang tao sa Globalisasyon at Internasyonalisasyon kung saan, wikang Ingles ang Lingua Franca ng pandaigdigang kalakalan at kasabay sa bagong milenyo ay masigasig na ginagamit ang wikang Ingles dahil ito raw ang wika ng mga nakakaangat at mayayamanโna siyang resulta ng Kolonyal Mentality ng mga Pilipino. Neobilarisyo ang nagpapalayo sa wika sa kumunidad. Tinatangkilik ng mga tao ang dayuhan. Dagdag pa ni Prof. Guevarra ng U.P, dahil globalisasyon at migrasyon na, mahirap nang ibalik ang lahat. Kahit hindi iisang policy sa wika mayroon tayo, ngunit epektibo ang wika na nagkakaisa para magpaliwanag. Ibig sabihin, ang sariling wika ang daan papunta sa Pilipino at iba pang wika. Hindi ito sariling wika laban sa Ingles, ayon kay Pro. Santillan.
Ang wikang Filipino bilang wikang Panturo. Ang konseptong ito ang naging sentro sa naging lektura ng mga dalubhasa, mga propersor, at mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas mula sa lektura na pinamagatang โSa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansaโ kung saan, malaki ang pagpapahalaga nila sa wikang Filipino bilang wikang panturo. Isiniwalat ni Prof. Angeles ng U.P na ayon sa kanya, sa UP library, mayaman at komprehensibo ang koleksiyon ng resources na nasa Filipino. Mayroon policy kasi ang pamantasan na dapat ang mga dokumentong naiilimbag ay require na nasa Filipino. Dagdag pa rito, mahigit 111,000 ang mga librong nailimbag hingil sa Filipinianaโmga akda at librong nasa Filipino. Naniniwala sila na mahalaga na magamit ang wikang Filipino sa pagtuturo na kahit maraming mga dokumento ang nakasulat sa wikang Espanyol at wikang Inges na ang lenting kultural na ginagamit ay mula sa amerikano, dapat sa pagbasa ng dokumento at pagtuturo, ito ay nasa lenting Filipino. Ang pagpapakahulugan ng mga Pilipino ay hindi katulad sa mga banyaga. Naiintindahan at nagagamit lamang ang wikang Filipino kung ito ay magiging impokan, puhunan ng pag-unawa ng kasaysayan ng wika. Sa madaling sabi, gumagamit ang mga U.P. propesor ng Wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo dahil hindi gusto lamang bagkus, ginagamit ito dahil ito ang mas epektibo. Bunga nito, ang mga I.T at Engineering student mula sa U.P ay nakabuo ng isang keyboard kung saan ang layout nito ay hindi nakabase sa Standard na siyang nakikita ngayong sa keyboard kundi, ang mga letra ay nakabase sa kung ano ang mas nagagamit sa Filipino. Kung titingnan naman ang lente sa sitwasyong Globalisasyon, ay mayroong maayos na dulot ito sa edukasyon dahil maraming mga unibersidad sa ibaโt ibang parte ng mundo ang gimagamit ng Wikang Filipino at itinuturo ito bilang kurso na nakapokus sa kultura, panitikan, at wika ng Pilipinas, ayon kay Dr. Crisanta Flores.
Ang Multilinggwalismo at Multilinggwal na Edukasyon. Sabyek sa lektura ni Dr. Flores ang globalisasyon, kung saan nagiging multilinggwal ang mga Pilipino dahil tayo ay maraming wika at mayaman tayo sa wika. Binigyang diin niya pa na dahil sa kalakalan, migrasyon, at modernisasyon ay nagiging maalam ang mga Pilipino sa paggamit ng wikang Ingles na siyang ginagamit natin ngayon kasama ang iba pang wika na makikita sa Pilipinas sa konseptong edukasyon.
Hinggil sa mga konseptong pangwika na tinalakay, masasabing ito ay may kaugnay sitwasyong pangkomunikasyon. Ayon sa isang propesor ng U.P na napanayam na si Prof. Manili, sinabi niya na ang ating layunin ay ibase ang wikang Filipino sa lahat ng wika. Kung ano ang sinasabi ng kaluluwa mo, iyon ang wikang lalabas sapagkat nasasapol ng wika natin iyong pagpapalabas ng ating pananaw. Habang ginagamit, lalong naipapaliwanag ang kompleksidad ng ating buhay. Hindi tayo nahihirapan. At sa linte ng komunikasyon, kinakailangan natin ng wikang nakabebenepisyo at epektibo sa bawat Pilipino. Katulad na lamang sa mga Lektura, Kumperensiya, at Pulong, mahalaga ang konsepto ng Wikang Filipino para magsagawa ng makabuluhang komunikasyin dahil lahat ay makababahagi ng kaisipan at kaalaman. Sinabi kanina na isa sa mga konspetong pangwika na tinalakay ay ang wikang Filipino bilang wikang Opisyal. Sa mga komunikasyong gagawin mahalaga na maintindihan at maunawaan ng mga tagapakinig ang wika na gagamitin para maghatid ng kaisipan. Sa lektura na isinagawa ni Dr. Cristina Flores, nabanggit niya na ang Ingles bilang Lingua Franca ng buong mundo sa kalakalan, neobilarismo, at pakikipagusap. Ngunit ayon naman kay Prof. Paz, propesor mula sa U.P, kinakailangan natin ng Lingua Franca na naiintindihan ng lahatโang wikang Fiipino. Paano magkakaintindihan ang bawat tayo kung papasok sa komunikasyon kung pinapairal ang kolonyal na mentalidad na gumamit ng wikang Ingles?
Isa sa mga sitwasyong pangkumunikasyon ay ang Komunikasyon sa Social Media. Sa bagong milenyo, laganap na ang paggamit ng sosyal medya bilang plataproma para maglahat ng kaisipan, madaling pakikipag-ugnayan, at mabisang komunikasyon. Kung saan, ginagamit rito ang mga wikang bihasa ang tao. Sa Pilipinas, ang paglalahad ng imporasyon ay nasa wikang Filipino at wikang Ingles maging sa komunikasyon, Filipino at Ingles ang ginagamit. Ngunit kung titingnan ang mga kagawaran, kawanihan, at iba pang ahensiya ng gobyerno ito man ay pampubliko at pribado, napapansing ginagamit ang wikang Ingles. Dito pumapasok kung bakit marami ang nalilito at hindi sumusunod. Kung kaya, dahil ito ay hindi naiintindihan ng nakararami at dahil hindi ito ang wika na bihasa ang nakararami.
Nakakamangha kung paano pinapahalagahan ng mga propesor, dalubhasa, at mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas ang wikang Filipino. Mula sa pagtuturo na siyang midyum na ginagamit patungo sa paglilimbag ng mga libro na nakasulat sa wikang Filipino para mapreserba at maipakita ito sa mga mag-aaral, ay masasabing ang wikang Filipino ay benepisyo para sa lahat. Ayon nga kay Prof. Constantino ng U.P., mayroong katangian ang bawat wika at walang may nakaaangat. Kung kaya ay, hindi lamang wikang Ingles ang maaaring magpaliwanag sa tao ng mas klaro o malinaw, kaya ng wikang Filipino na makipagsabayan sa sistema ng Edukasyon. Bakit? Sapagkat, taglay ng wikang Filipino ang mga sangkap para sa mas mabilis at mabisang pagkatuto ng mga Pilipino estudyante.
Sa linte ng Globalisasyon, nakapaloob sa lektura ni Dr. Crisanta Flores na nagkaroon ng Globalisasyon at Internasyonalisasyon dahil malawak at malalim ang kasaysayan ng Pilipinas sa ganitong sistema. Pinatuyan mula pa sa panahon ng kalakalang Galyon hanggang sa Pagbubukas ng Filipinas sa Pandaigdigang kalakalan na hindi na bago ang Globalisasyon sa ating bansa at kung gaano tayo diumano ay naisantabi nito. Mali ang pananaw na ang wikang Filipino ay hindi maaaring makaagapay sa panahon ng Globalisasyon at Internasyonalisasyon lalo na sa edukasyon. Dagdag pa ng ani Dr. Flores, Hindi wikang Ingles ang kalaban natin. Kundi ang mentalidad na uunlad tayo sa wikang Ingles. Mahalaga ang Ingles. Ngunit hindi para tayo ay apak-apakan. Ang wikang Filipino ay hindi na lamang yaong wika ng lansangan. Itinuturo sa ibang bansa nang may paggalang at dignidad bilang intelektwalisad**g wika. Ang wikang Filipino ay wikang global. Nasa atin ang hamon ng hinaharao at ang pag-unlad ng wikang filipino bilang wikang global.
Mga Saggunian:
Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa. Kinuha sa https://www.youtube.com/channel/UCMCWZXHlJtHts7BkFGv3pVQ
Wikang Filipino sa Panahon ng Internasyonalisasyon at Globalisasyon | Dr. Crisanta Flore. Kiuha sa https://www.youtube.com/watch?v=hZcNSvVq0Cg&t=1689s
INDOYON, LYNARD T.
Ikalawang Taon I AB Filipino
FIL161-E30
Sa mabilis na pag-usad ng panahon, nagbabago na ang ating mund**g ginagalawan. Ang mundo'y lumiliit habang lumalawak ang ating pananaw. Kasabay ng pagbabagong ito ay ang ating wika.
Ang globalisasyon ay isang katotohanang hindi na natin maikakaila. Ang epekto nito sa bawat aspeto ng ating buhay at komunidad ay hindi na masusukat. Kaya ang kaluluwa ng ating bansa, ang wika nating mga Pilipino ay naaapektuhan din. Tunghayan natin kung ano ba ang dalร ng pangakong mund**g walang hangganan sa ating wika.
Halina't ating tingnan kung ang globalisasyon ba ay kasangga o kalaban ng ating wika.
DOKUMENTARYO: Mund**g walang Hangganan: Globalisasyon, Kalaban o Kasangga ng Wikang Filipino
Nais ng bawat indibidwal na mamuhay ng patas at tapat. Bagamat may iilang pinagkaitan ng opurtunidad na makapagkolehiyo, namuhay pa rin sila nang maayos. Ngunit sa panahon ng pandemya, ano ang laban nila kung ang dumadaig sa kanila ay ang kanilang kawalan ng karunungan?
Karapatan ng mamamayan na matamo ang mga mahahalagang impormasyon lalong-lalong na kung ito ay patungkol sa pandemya. Ang mga EXECUTIVE ORDERS na ito ay nararapat na masunod. Ngunit papaano kung ito'y nakalimbag sa wikang Ingles? Lahat ba may kakayahang umunawa? Magiging epektibo ba ito?
"Sana kung magpagawas og impormasyon nang masabtan tanan. Dili lang para sa mga nakaskwela, nakatapos. Parehas sa amoa na wala katapos, wala kaagi og college."
"Dapat unta kung magpost sila og about sa covid, binisay-on nila. Para masabtan sa mga tao. May man untag ang tanang tao nakaskwela og college."
"Dili kaayu epektibo d**g kay dili tanan kasabot sa english."
Patas nga ba? Lahat ba may laban?
Sulyapan nati ang dokumentaryong HOLEHIYO na hango sa mga karanasan ng mga taong nahihirapan na sa araw-araw na pamumuhay, nahihirapan pa sa pag-iintindi ng mga mahahalagang impormasyon.
04/04/2021
Mapagpalang araw!
Isang araw na lang at opisyal na nating sisimulan ang pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ng Filipinas 2021.
Kaugnay nito, subaybayan natin ang kilalang makata, mananaysay , manunulat at editor na si Kgg. Patrocinio V. Villafuerte sa kaniyang makahulugang mensahe sa kahalagahan ng Panitikang Filipino.
Sama-sama nating tunghayan bukas ang Birtuwal na Pambungad na Palatuntunan ng Buwan ng Panitikan 2021, Abril 5, 5:00 ng hapon.
28/12/2020
Ang pakikipagbaka ng ating mga ninuno upang magkaroon ng sariling wika na siyang magsisilbing daan sa pagkaunawaan at pagkakaisa ng mga pilipino sa kabila ng ibat ibang wikang ating sinasalita ay dapat pahalagahan, dahil hindi naging madali ang sakripisyong inilaan ng bawat isa. Kayaโt wikang pambansa ating ingatan para maabutan at magamit pa ng mga susunod pang henerasyon sa kabila ng kaliwaโt kanang suliraning kinakaharap ng ating wikang pambansa.
Miyembro:
Macaludas, Daynalyn T.
Benitez, Estella Marie
Iligan, Kryzelle Althea
Espanola, Charles Angel
Cebrero, Shaina Marie