09/09/2026
๐ต๐ญ KULMINASYON NG BUWAN NG WIKA 2026 ๐ต๐ญ
New Guadalupe Elementary School
Isang makulay, makabuluhan, at puno ng talento ang naging pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 sa ating paaralan! ๐ธโจ
Buong pagmamalaki nating pinarangalan ang mga mag-aaral na nagpakita ng husay, sipag, pagkamalikhain, at dedikasyon sa ibaโt ibang paligsahan at gawain:
๐จ KindergartenโBaitang 1: Pagkukulay
๐ฆ Baitang 2โ3: Pagkulay ng Tamang Ilaw โ AI Traffic Light
๐๏ธ Baitang 4โ5: Paggawa ng Makulay na Poster
๐ Baitang 4โ6: Paligsahan sa Pagbaybay
Higit pa rito, ating pinasalamatan at pinarangalan ang mga mag-aaral mula sa bawat baitang na buong tapang na nagsipagtanghal at nagbigay-buhay sa ating programa sa pamamagitan ng Sabayang Awit, Likhang Kuwento, at mga Katutubong Sayaw. ๐ถ๐๐
Sa bawat awit, kuwento, sayaw, at likhang-sining, nakita natin ang talento, kultura, at pagmamahal ng ating mga mag-aaral sa Wikang Filipino.
๐ Binabati natin ang lahat ng nagwagi at kalahok! Higit sa anumang medalya o parangal, ang inyong pakikiisa at pagbibigay ng inyong makakaya ang tunay na naging tagumpay ng ating pagdiriwang.
Maraming salamat sa lahat ng mag-aaral, g**o, magulang, punungg**o, at buong komunidad ng New Guadalupe Elementary School na naging bahagi ng makabuluhang pagdiriwang na ito. โค๏ธ
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang kulturang Pilipino! ๐ต๐ญ
โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ