18/08/2026
Paragon: Official Student Publication of GFI
Semper Veritas et Aequitas
18/08/2026
18/08/2026
| ๐ก๐๐ฉ๐๐ฅ ๐๐๐ฉ๐ ๐จ๐ฃ ๐๐๐ฌ
Ngayong ika-18 ng Agosto, ipinagdiriwang ang World Never Give Up Day, isang araw na nagbibigay-pugay sa katatagan, kakayahan, at determinasyon ng mga taong patuloy na humaharap sa mga pagsubok sa buhay. Paalala rin ito na sa kabila ng mga hamon, may pag-asa pa ring naghihintay sa dulo ng bawat pagsubok.
Kaya naman, ating tandaan na anuman ang bigat ng ating pinagdaraanan, palaging may panibagong bukas na magsisilbing liwanag upang tayo ay bumangon at magpatuloy.
Nawaโy magsilbing paalala ang araw na ito na manatili tayong matatag at patuloy na magsikap para sa ating kinabukasan.
ษช๊ฑษชษดแดสแดแด ษดษช: Chezka Bedrijo
ษชษดแดสแด๊ฑ ษดษช: Aizley Loquias
โ ๐๐ฆ๐ฎ๐ฑ๐ฆ๐ณ ๐๐ฆ๐ณ๐ช๐ต๐ข๐ด ๐ฆ๐ต ๐๐ฆ๐ฒ๐ถ๐ช๐ต๐ข๐ด โ
17/08/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐ฟ๐ผ๐๐ | ๐๐๐ ๐ฏ๐น๐ฒ๐๐๐ฒ๐ ๐ป๐ฒ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐๐๐ถ๐น๐ฑ๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ต๐ฒ๐ฎ๐ฑ ๐ผ๐ณ ๐ฏ๐น๐ฒ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฑ ๐น๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ถ๐ป๐ด
Gensantos Foundation College (GFI) formally welcomed the newly built ARIA Building as an additional campus facility through a blessing ceremony held today, August 17, as the institution prepares for the implementation of its Blended Learning Program.
The blessing was officiated by Our Lady of Peace and Good Voyage (OLPGV) Parish, with GFI School President Amor Irish D. Lozano, CPA, MBA, faculty members, and staff in attendance.
The newly built facility houses classrooms and carries the name ARIA, inspired by the second names of the foundersโ childrenโAllan, Rayah, Irish, and Ador. The name follows the tradition of the ZEAL Building, also named after the foundersโ children.
Meanwhile, the occasion also marked the blessing of the newly repaired ZEAL Building, adding to the institutionโs preparations for the upcoming academic setup.
Moreover, the ceremony also coincided with the 79th birthday of GFI founder Dr. Dominador S. Dizon, CPA, โThe Dreamer,โ adding significance to the occasion.
With the addition of ARIA, GFI expands its campus facilities as it moves toward the implementation of its blended learning program.
#๐จ๐๐๐ฎ๐ด๐๐๐
#๐ง๐ต๐ฒ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐๐ข๐ณ๐ง๐ต๐ฒ๐๐๐บ๐ฏ๐น๐ฒ๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐บ๐ฒ๐ฟ๐
ษช๊ฑษชษดแดสแดแด ษดษช: Rhean Aubrey Ayano
ษดแดษขแดแดสแด ๊ฑแด: GFI Official page
ษชษดษชแดสแด๊ฑ ษดษช: Julianne Aves
โ ๐๐ฆ๐ฎ๐ฑ๐ฆ๐ณ ๐๐ฆ๐ณ๐ช๐ต๐ข๐ด ๐ฆ๐ต ๐๐ฆ๐ฒ๐ถ๐ช๐ต๐ข๐ด โ
17/08/2026
17/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Please be informed that Gensantos Foundation College, Inc. will implement a ๐ง๐๐ ๐ฃ๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ฌ ๐๐๐๐ก๐๐๐ ๐๐๐๐ฅ๐ก๐๐ก๐ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐๐ฅ๐๐ effective ๐ฆ๐๐ฃ๐ง๐๐ ๐๐๐ฅ ๐ณ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, due to ongoing repairs in school facilities.
This arrangement aims to ensure the continuity of learning while prioritizing the safety, welfare, and convenience of our students and faculty.
Kindly check the ๐ช๐๐๐๐๐ฌ ๐๐๐๐ฆ๐ฆ ๐ ๐ข๐๐๐๐๐ง๐๐๐ฆ in the advisory below and take note of the schedule applicable to your respective course.
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐ก๐ข๐ก-๐๐ข๐๐ฅ๐ ๐๐ข๐จ๐ฅ๐ฆ๐๐ฆ (๐ช๐๐๐๐๐๐ฌ๐ฆ):
โข Monday & Tuesday: On-Site
โข Wednesday, Thursday, & Friday: Online
๐๐ข๐๐ฅ๐ ๐๐ข๐จ๐ฅ๐ฆ๐๐ฆ (๐ช๐๐๐๐๐๐ฌ๐ฆ):
โข Monday & Tuesday: Online
โข Wednesday, Thursday, & Friday: On-Site
๐ฆ๐ฃ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ฆ๐ฆ (๐ช๐๐๐๐๐ก๐๐ฆ)
โข Saturday: On-Site
โข Sunday: Online
๐๐ข๐ฅ ๐ฅ๐๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐:
๐๏ธ https://ap.wps.com/cms/docs/d/cbRaqruYxSAUehBB?sa=S3&st=0
Please be guided accordingly and stay updated through the ๐ข๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฆ๐ง๐จ๐๐๐ก๐ง ๐๐๐๐๐๐ฅ๐ฆ ๐ฃ๐๐๐ for further announcements.
17/08/2026
๐ ๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก, ๐ฆ๐๐ฅ ๐๐ข๐ !
Sa likod ng bawat gusali, bawat silid-aralan, at bawat ngiti ng mga mag-aaral, naroon ang isang taong minsang nangarap at nagkaroon ng matibay na pananaw para sa kinabukasan ng kabataan.
Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang ika-79 na kaarawan ng taong nasa likod ng isang institusyong naging tahanan ng maraming mapagpakumbabang nangangarap, ang nagtatag ng Gensantos Foundation College (GFI), Dr. Dominador Dizon, CPA.
Mula sa kaniyang pangarap na makapaghandog ng abot-kaya at de-kalidad na edukasyon, nabuo ang isang institusyong patuloy na nagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataang nagnanais maabot ang kanilang mga pangarap.
Maligayang kaarawan, Dr. Dominador Dizon, CPA! Nawaโy patuloy kayong pagpalain ng kalusugan, karunungan, at lakas upang mas marami pang pangarap ang inyong matulungan na maisakatuparan.
ษช๊ฑษชษดแดสแดแด ษดษช: Angel Kris Murang
ษชษดแดสแด๊ฑ ษดษช: Quiezia Marie Vergara
โ ๐๐ฆ๐ฎ๐ฑ๐ฆ๐ณ ๐๐ฆ๐ณ๐ช๐ต๐ข๐ด ๐ฆ๐ต ๐๐ฆ๐ฒ๐ถ๐ช๐ต๐ข๐ด โ
14/08/2026
๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐๐๐๐๐ผ๐ | ๐ฃ๐ฎ๐ต๐ถ๐ป๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐บ๐ผ ๐ฎ๐ธ๐ผ
Dati, ako ang unang hinahanap.
Kapag may salitang hindi maunawaan, binubuklat ang aking makakapal na pahina. Kapag may bagong salita sa isang aklat, sinusundan ang mga titik hanggang matagpuan ang kahulugan. Sa bahay, sa silid-aralan, at maging sa maliit na sulok ng silid-aklatan, lagi akong may silbi. Hindi man ako kasya sa bulsa, kaya kong magdala ng libo-libong salita.
May mga batang ilang minuto ang ginugugol sa paghahanap ng isang salita sa aking pahina. Minsan, nadadagdagan pa iyon dahil sa salitang nakita nila habang hinahanap ang una. Isang kahulugan, naging dalawa. Dalawa, naging tatlo. At hindi nila namamalayang may natututuhan sila habang naghahanap.
Noon, ang pagkakaroon ng gaya ko ay parang pagkakaroon ng maliit na gabay na maaaring lapitan anumang oras. Hindi lamang ako nagbibigay ng kahulugan; tinuturuan ko silang magbasa nang mabuti, maghanap nang matiisin, at huwag agad sumuko kapag hindi nakita ang sagot sa unang tingin.
Ngayon, nasa isang pindot na lamang ang lahat.
โAno ang ibig sabihin nito?โ I-type.
โAno ang tamang gamit ng salitang ito?โ I-click.
Mabilis. Madali. Walang kailangang magbasa ng bawat pahina.
At ako? Nakatayo pa rin sa isang estante.
Makapal ang katawan. Mapurol ang mga pahina. May alikabok sa ibabaw. Hindi na ako madalas binubuklat.
Minsan, ginagamit pa rin bilang patungan. Minsan, dekorasyon. Minsan, bahagi na lamang ng isang โstudy cornerโ na hindi naman talaga pinag-aaralan. Sa bilis ng teknolohiya, may isang bagay na unti-unting nawawala: ang saya ng paghahanap.
Ang pagdaan sa bawat pahina.
Ang pagkakita sa salitang hindi naman talaga hinahanap.
Ang paghinto dahil may bagong salitang nakatawag ng pansin.
Ang simpleng pagtataka na nauuwi sa panibagong kaalaman.
Dahil ang pagbabasa ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng sagot.
Minsan, nasa proseso ng paghahanap ang pinakamahalagang natututuhan. At marahil, hindi ko hinihiling na bumalik ang panahong ako lamang ang maaaring pagkunan ng sagot. Hindi dahil wala nang ibang paraan upang malaman ang kahulugan ng isang salita.
Kundi dahil baka, sa paghahanap ninyo ng isang salita, may isa pa kayong salitang matuklasan tungkol sa inyong sarili.
ษช๊ฑษชษดแดสแดแด ษดษช: Girlei Barrina, Jellce Kaye Quindala
แดแดษขสแดสแดสแดแดกแดษด ษดษช: Aizley Gem Loquias
ษชษดษชแดสแด๊ฑ ษดษช: Julianne Aves
โ ๐๐ฆ๐ฎ๐ฑ๐ฆ๐ณ ๐๐ฆ๐ณ๐ช๐ต๐ข๐ด ๐ฆ๐ต ๐๐ฆ๐ฒ๐ถ๐ช๐ต๐ข๐ด โ
14/08/2026
๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐๐๐๐๐ผ๐ | ๐๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐๐บ๐ฎ๐น๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป
Inang Bayan,
may p**t bang namumukadkad sa iyong mga labi
sa tuwing hindi namin mabigkas
ang mga salitang minsang naging atin?
Hindi namin kabisado ang wikang
ipinasa ng mga ninuno sa pamamagitan ng tinig,
ngunit sa pagdating ng mga banyagang dila,
tila kami pa ang natutong mahiya sa sariling salita.
Kapag hindi namin nauunawaan,
โI-English mo na lang.โ
Ganoon kadaling itikom ang isang wikang
ilang salinlahi ang nag-ingat.
At ang Baybayin?
Mga guhit na dati'y may tinig,
ngayon ay tila mga bakas sa buhangin
na ilang ulit nang nilamon ng alon.
Hindi namin alam kung paano ka muling isulat,
sapagkat matagal na naming hinayaang
mabura ang iyong mga titik sa aming mga palad.
Patawad, Inang Bayan,
kung minsan, sa sarili mong lupa,
kami ang nagiging dayuhan.
Nauunawaan namin ang wikang hindi atin
bago namin maalala ang wikang nagmula sa atin.
Ngunit huwag mo sanang isipin
na tuluyan ka naming nakalimutan.
Dahan-dahan naming bubuuin muli
ang mga salitang naputol,
hahanapin ang mga titik na nawala,
at aaralin ang wikang matagal naming tinalikuran.
Hindi man namin kabisado ngayon,
hindi ibig sabihin ay hindi na namin matututunan.
Dahil ang wikang minsang nawala sa aming dila
ay maaari pa ring bumalik sa aming tinig.
ษช๊ฑษชษดแดสแดแด ษดษช: Ma. Feby Sofia Griengo
แดแดษขสแดสแดสแดแดกแดษด ษดษช: Denise Dorothy Santos
ษชษดษชแดสแด๊ฑ ษดษช: Julianne Aves
โ ๐๐ฆ๐ฎ๐ฑ๐ฆ๐ณ ๐๐ฆ๐ณ๐ช๐ต๐ข๐ด ๐ฆ๐ต ๐๐ฆ๐ฒ๐ถ๐ช๐ต๐ข๐ด โ
13/08/2026
๐๐ผ๐๐๐ผ๐๐๐๐๐๐ผ๐ | ๐๐๐ข๐ฆ๐ง๐ข
๐๐ข ๐ธ๐ช๐ฌ๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ต๐ช๐ฏ, ๐ฌ๐ถ๐ธ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ฐ ๐ฏ๐ข๐ต๐ช๐ฏ.
Sa bawat salitang binibigkas, may kulturang naiiwan. Sa bawat taludtod, may damdaming nais iparating. At sa bawat kuwentong isinusulat, may mundong muling nabubuhay.
Ngayong Buwan ng Wika, muling bibigyang-tinig ang Wikang Filipino. Ang wikang nag-uugnay sa ating mga kuwento, kultura, at pagkakakilanlan. Sa bawat salita, may kasaysayang nabubuhay; at sa bawat akda, may wikang patuloy na umuusbong.
Sapagkat ang wika ay hindi lamang ginagamit upang magsalita; ito rin ang tahanan ng ating mga kuwento.
Ngayong Agosto, tunghayan ang mga piling akdang pampanitikan mula sa Paragon, ang opisyal na publikasyon ng Gensantos Foundation College (GFI).
๐๐ฃ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐ฑ๐ช๐ญ๐ช๐ฏ๐จ ๐ข๐ฌ๐ฅ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ช๐ต๐ช๐ฌ๐ข๐ฏ ๐ต๐ถ๐ธ๐ช๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ฆ๐ด ๐ด๐ข ๐ฉ๐ข๐ฑ๐ฐ๐ฏ.
สแดสแดแดกแดษดษข แดแดสแด ษดษช: Isela Kate Macarine
ษชษดษชแดสแด๊ฑ ษดษช: Jellce Kaye Quindala
โ ๐๐ฆ๐ฎ๐ฑ๐ฆ๐ณ ๐๐ฆ๐ณ๐ช๐ต๐ข๐ด ๐ฆ๐ต ๐๐ฆ๐ฒ๐ถ๐ช๐ต๐ข๐ด โ
12/08/2026
| ๐๐ก๐ง๐๐ฅ๐ก๐๐ง๐๐ข๐ก๐๐ ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฌ
โ๐๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐-๐๐จ๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฃ.โ
Ngayong ika-12 ng Agosto, ipinagdiriwang ang International Youth Day, isang pagdiriwang na nagbibigay-pansin sa mga isyu at hamong kinakaharap ng mga kabataan, gayundin sa kanilang mahalagang ambag sa pagbabago at pag-unlad ng lipunan.
Itinatag ito ng United Nations upang kilalanin ang mahalagang papel ng kabataan sa paghubog ng kinabukasan ng mundo.
Layunin din ng pagdiriwang na ipakita na bagamaโt magkakaiba ang kulturang kinalakhan at mga realidad na kinakaharap ng mga kabataan sa ibaโt ibang panig ng mundo, hindi nagkakalayo ang kanilang mga mithiin, ang magkaroon ng pantay na karapatan sa edukasyon, oportunidad, dignidad, at isang magandang kinabukasan.
ษช๊ฑษชษดแดสแดแด ษดษช: Beatriz Jimenez
ษชษดแดสแด๊ฑ ษดษช: Kyra Sunga
โ ๐๐ฆ๐ฎ๐ฑ๐ฆ๐ณ ๐๐ฆ๐ณ๐ช๐ต๐ข๐ด ๐ฆ๐ต ๐๐ฆ๐ฒ๐ถ๐ช๐ต๐ข๐ด โ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the school
Website
Address
Bulaong Extension
General Santos City
9500