21/02/2023
Magandang gabi sa inyong lahat!
HALINA'T MATUTO NG PANIBAGONG KAALAMAN!
π Buksan ang inyong maningning na mga mata at pukawin nang may kagalakan ang inyong mga isipan dahil sa bawat pira*o ng mga salita na aking ilalathala, panibagong kaalaman ang inyong matutuhan.
πDadalhin ko kayo sa mundo ng mga bagay na dala-dala ang mga impormasyong aking natutuhan ukol sa makabuluhang paksang ito. Halina't tayo'y maglakbay sa daang lilinang sa iyong kaalaman at kasanayan.
π Paksa: PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Ξ Ngunit bago natin simulan, bigyang kahulugan muna natin ang salitang "ponolohiya" at " ponema."
Alam mo ba β
βοΈ Ang ponolohiya ay binubuo ng dalawang salita na "phone" o "tunog" at "lohiya" naman na nangangahulugang "pag-aaral." Sa kabuuan, ang "ponolohiya" ay ang pag-aaral ng mga tunog.
βΆοΈ Ang "ponema" naman ay isang makabuluhang yunit ng tunog na nakapagpapabago ng kahulugan sa pagkakataong pinagsama-sama ang mga tunog nang makabuo ng mga salita.
π Ito ay hango sa salitang "phoneme" na binubuo ng dalawang salita na "phone" na ang ibig sabihin ay "tunog," at "eme" naman na nangangahulugang makabuluhan.
Simulan na natin β
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Ang "ponemang suprasegmental" ay isa sa mga uri ng ponema, o tunog na ginagamit upang mas maging mabisa o makabuluhan ang pakikipagtalastasan.
Dagdag kaalamanβΌοΈ
Ito rin ay paraan upang matukoy natin ang kahulugan, layunin, at damdamin ng tagapagsalita batay sa paraan ng kaniyang pagbigkas o pagbibigay antala, diin, at tono sa mga bagay na kaniyang sinasalita.
π Imulat muli natin ang ating mga mata at halina't tukuyin natin ang 3 uri ng ponemang suprasegmental.
π Ito ay ang diin, intonasyon o tono, at antala.
βοΈ Diin - ito ay tumutukoy sa lakas ng pantig na kailangang bigyang-diin tungo sa pagsasalita, upang mabigyan ng tamang kahulugan ang bawat salita kahit na magkapareho ang baybay nito.
HALIMBAWA: ( Hayaan nating igalaw ang ating mga bibig at bigkasin ang bawat pira*o ng mga salita tungo sa pagbibigay diin sa mahahalagang pantig)
GAbi- ( taro vegetable)
GABI- ( night)
PIto- (whistle)
piTO- (seven)
Tandaan β
π Sa pagbibigay-diin maaari itong basahin ng malumi, malumay, mabilis, at maragsa. May mga salita ring ginagamitan ng "glottal" o "tuldik" sa pagbigkas.
Trivia:
Sa mga hindi nakakalam ang "glottal" ay ang ika-labing anim na ponema na makikita lang sa mga bigkas na malumi at maragsa.
πDumako naman tayo sa TONO O INTONASYON.
βοΈ Tono o Intonasyon- ito ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig ng pagsasalita.
Antas ng tunog:
1-mababa 2-normal 3-mataas
HALIMBAWA: (Halina't basahin muli ang bawat pira*o ng mga salita gamit antas ng mga tunog)
Ma ga ling - (pagpuri; paghanga)
1 2 3
( Sa halimbawang ito, pataas ng pataas ang tono ng tagapagsalita sa bawat pantig na kaniyang sinasalita na nangangahulugang humahanga siya sa mismong nakita niya)
Ma ga ling- pag-aalinlangan; pagtatanong
2 1 3
( Sa halimbawan namang ito, nagsimula ang tagapagsalita sa normal na antas ng tunog, bumaba, hanggang sa tumaas na kung minsan kapag nagtatanong tayo o nag-aalinlangan tumataas ang ating boses)
πTukuyin din natin kung "ano nga ba ang ANTALA? "
π Kapag nagbabasa tayo ng mga pangungusap o talata, hindi naman natin ito binabasa nang walang antala dahil nakakaapekto ito sa kakapusan ng paghinga at mawawalan ng saysay ang ating binasa. Sa pagkakataong ito, upang maibigay natin ang malinaw na mensaheng nais iparating ng ating nabasa kailangan natin ang hinto o antala. Dito natin magagamit ang iba't ibang simbolo (kuwit, tutuldok, gitling, tuldok, at iba pa) sa pagbigkas ng mga salita.
βοΈ Antala - ito ay tumutukoy sa saglit na pagtigil ng pagsasalita upang maging mas malinaw ang mensaheng nais nating iparating.
HALIMBAWA:
Hindi / ako si Nena ( Ang ipinapahiwatig ng tagapagsalita rito ay siya raw ang tunay na Nena na totoong pangalan niya)
Hindi ako / si Nena ( Ang ipinapahiwatig naman ng tagapagsalita rito ay hindi siya ang mismong salarin o tinutukoy, dahil si Nena ang may kasalanan o ang mismong tinutukoy niya )
Hindi ako si Nena. ( Ang ipinapahiwatig naman ng tagapagsalita rito ay hindi talaga siya si Nena, at hindi niya pangalan ang Nena. Samakatuwid, may iba siyang pangalan )
π£ Sa kabuuan, ang bawat uri ng ponemang suprasegmental ay mahalaga dahil ito ang nagbibigay kulay at buhay sa bawat tunog o salitang ating binibigkas upang mas maging malinaw ang mensaheng nais nating ipahiwatig o mas maunawaan ang damdamin na ating nararamdaman.
π Dito na nagtatapos ang paglalakbay natin sa mundo ng mga bagay na aking natutuhan. Gayunpaman, naghanda rin ako ng iilang larawan upang higit na mas maunawaan ang paksang ito. Maraming salamat sa paglaan ng oras upang sabayan ako sa biyahe ng mga bagay na aking natutuhan ukol sa paksang ito, at mabasa ito nang may pag-unawa. Nawa'y marami kayong natutuhan.