𝗧𝗔𝗝𝗪𝗘𝗘𝗗,𝗧𝗔𝗛𝗦𝗘𝗘𝗡 & 𝗧𝗜𝗕𝗬𝗔𝗔𝗡

𝗧𝗔𝗝𝗪𝗘𝗘𝗗,𝗧𝗔𝗛𝗦𝗘𝗘𝗡 & 𝗧𝗜𝗕𝗬𝗔𝗔𝗡

Share

خادمة القرآن الكريم..

15/06/2026

Nakikita ng Allāhu Taʿālā ang iyong pagsisikap sa paulit-ulit na pagbigkas ng mga talata at sa pagninilay-nilay sa mga ito. Sapat nang pampalubag-loob sa iyong pagod na ang Allāhu Taʿālā ay nakikita ang lahat ng iyong ginagawa. 📖💚

15/06/2026

Ang pagmememorya ng isang āyah sa isang araw ay nagpapalapit sa iyo sa pagmememorya ng buong sūrah,
at ang pagmememorya ng sūrah ay nagpapalapit sa iyo sa pagmememorya ng juzʾ,
at ang pagmememorya ng juzʾ nang sunod-sunod ay magdadala sa iyo, sa pahintulot ng Allah,
sa pagmememorya ng buong Qur’an.

Magsimula ka lang. 🌸📖 💚

15/06/2026

97. At katiyakan, Aming [lubos na] nababatid ang paninikip ng iyong dibdib sanhi ng anumang kanilang mga sinasabi.

98. Kaya, luwalhatiin mo nang may papuri ang iyong Panginoon at makibilang sa mga nagpapatirapa [para sa pagsamba sa Kanya].

99. At sambahin mo ang iyong Panginoon hanggang dumating sa iyo ang katiyakan [ng iyong kamatayan].

Al-Hijr

15/06/2026

قَلِيلٌ دَائِمٌ خَيْرٌ مِنْ كَثِيرٍ مُنْقَطِعٍ!
Ang kaunting gawain na tuloy-tuloy ay higit na mabuti kaysa sa maraming gawain na napuputol-putol.

Ilang beses ka nang nagbalak na magsaulo ng Qur'an ngunit nahirapan kang ipagpatuloy ito?
Ilang taon na ang lumipas sa iyong buhay ngunit hindi ka pa rin nagsisimulang magsaulo nito?

Paano kung araw-araw ay dalawang linya lamang ang isinasaulo mo? Sa ngayon, marahil ay nakapagsaulo ka na ng malaking bahagi ng Qur'an.

Kaya magsimula ka na ngayon at huwag mong ipagkait sa iyong sarili ang dakilang gantimpala: ang pag-angat ng iyong antas sa Paraiso sa bawat āyah na iyong naisasaulo. 💚

قال رسول الله ﷺ:
«يُقَالُ لِصَاحِبِ الْقُرْآنِ: اقْرَأْ وَارْتَقِ، وَرَتِّلْ كَمَا كُنْتَ تُرَتِّلُ فِي الدُّنْيَا، فَإِنَّ مَنْزِلَتَكَ عِنْدَ آخِرِ آيَةٍ تَقْرَؤُهَا»

“Sasabihin sa taong may Qur'an: Basahin mo at umakyat ka, at bigkasin mo ito nang maayos tulad ng iyong pagbigkas sa mundo, sapagkat ang iyong antas ay nasa huling āyah na iyong mababasa.” 💚

Paalala: Ang pagsasaulo ng Qur'an ay hindi nakasalalay sa dami ng iyong naisasaulo sa isang araw, kundi sa iyong pagiging tuloy-tuloy at matatag sa pagsisikap. 🌹📖

والله تعالى أعلم

14/06/2026

35. Katotohanan, ang mga lalaking tumatalima at ang mga babaing tumatalima, ang mga lalaking naniniwala at ang mga babaing naniniwala, ang mga lalaking masunurin at ang mga babaing masunurin, ang mga lalaking matapat at ang mga babaing matapat, ang mga lalaking matiisin at ang mga babaing matiisin, ang mga lalaking mapagkumbaba at ang mga babaing mapagkumbaba, ang mga lalaking mapagkawanggawa at ang mga babaing mapagkawanggawa, ang mga lalaking mapag-ayuno at ang mga babaing mapag-ayuno, ang mga lalaking mapangalaga ng kanilang dangal at ang mga babaing mapangalaga ng kanilang dangal at ang mga lalaking nagbibigay alaala sa Allah at ang mga babaing nagbibigay alaala sa Allah tuwina - ang Allah ay naghanda para sa kanila ng kapatawaran at isang dakilang gantimpala.

Al-Ahzaab | Surah 33:35

14/06/2026

حِفْظُ الْقُرْآنِ وَتَثْبِيتُهُ خَطَّانِ مُتَوَازِيَانِ، فَلَا تُؤَجِّلِ التَّثْبِيتَ إِلَى مَا بَعْدَ الْخَتْمِ. 💚

Ang pagsasaulo ng Qur’an at ang pagpapatibay (pagre-review at pagpapanatili) nito ay dalawang magkasabay na landas. Kaya huwag mong ipagpaliban ang pagre-review hanggang matapos mong maikhatam ang Qur’an. 💚

Maraming tao ang abala sa pagdaragdag ng bagong mga pahina para sa memorization ngunit nakakalimutan ang murājaʿah (pag-uulit at pagre-review). Ang tamang paraan ay pagsabayin ang ḥifẓ (pagsasaulo) at murājaʿah (pagpapatibay) upang manatiling matatag ang mga naisaulo at hindi madaling makalimutan.

قال رسول الله ﷺ:

«تَعَاهَدُوا هَذَا الْقُرْآنَ، فَوَالَّذِي نَفْسُ مُحَمَّدٍ بِيَدِهِ، لَهُوَ أَشَدُّ تَفَلُّتًا مِنَ الْإِبِلِ فِي عُقُلِهَا»

"Patuloy ninyong alagaan at ulit-ulitin ang Qur’an, sapagkat sa Sumpa sa Kanya na may hawak ng kaluluwa ni Muhammad, ito ay mas mabilis pang mawala kaysa sa kamelyong nakawala sa tali nito."
— Sahih al-Bukhari at Sahih Muslim

Huwag hintayin ang pagtatapos ng Qur’an bago mag-review. Ang tunay na tagumpay ay hindi lamang ang makatapos ng pagsasaulo, kundi ang mapanatili ito hanggang sa huli. 💚 📖

والله تعالى أعلم

14/06/2026

فَلَا يُمِلَّنَّكَ مَا تَكَرَّرَ، لَعَلَّهُ يَحْلُو إِذَا تَقَرَّرَ! 💚

Huwag kang magsawa sa mga bagay na paulit-ulit mong ginagawa, sapagkat maaaring maging kaaya-aya at magaan ito kapag lubusan na itong naitatag at nakasanayan. 💚

Ibig sabihin:
Sa pag-aaral, pagsasaulo ng Qur’an, at paggawa ng mabubuting gawain, ang paulit-ulit na pag-uulit ay maaaring nakakapagod sa simula. Ngunit kapag naging matatag na ang kaalaman at nasanay na ang puso at isip, mararamdaman mo ang tamis at ginhawa ng bunga nito.

Kasabihan ng mga pantas:

مَنْ صَبَرَ ظَفِرَ

"Ang sinumang magtiis at magtiyaga ay magtatagumpay."

naseeḥah:

Huwag mong sukuan ang murājaʿah (pagre-review) at pag-aaral dahil lamang sa paulit-ulit ito. Ang pag-uulit ngayon ang magiging katatagan at kasiyahan mo bukas. 💚📖✨

والله تعالى أعلم

14/05/2026

الناس إلى العلم أحوج منهم إلى الطعام والشراب

“Mas higit na nangangailangan ang tao ng kaalaman kaysa sa pagkain at inumin.”

- Imam Ibn Hanbal rahimahullah -

14/05/2026

📌🫀📖

Ang madalas na pagbigkas ng Qur’an ay nagpapahina ng pagnanasa sa kasalanan. Ito ay isang bagay na tunay na nararamdaman ng mga taong may kaugnayan sa Qur’an. Habang dumarami ang iyong pagbigkas ng Qur’an, nababawasan ang iyong pagnanais na gumawa ng mga kasalanan, at maaaring dumating sa punto na kasuklaman mo ang mga ito at hindi mo na ito naisin. Ito ay kabilang sa mga biyaya ng Qur’an.

Kung ikaw ay nahihirapan sa isang partikular na kasalanan at hindi mo ito matigil, ang pinakamabisang lunas para sa iyo ay ang madalas na pakikisama sa Qur’an—sa pagbabasa at pagninilay-nilay nito. 📖

قال الله تعالى:
﴿إِنَّ هَٰذَا ٱلْقُرْآنَ يَهْدِي لِلَّتِي هِيَ أَقْوَمُ﴾

“Katotohanan, ang Qur’an ay gumagabay sa landas na pinakatuwid.”

09/04/2026

Assalaamu alaykum!
In shaa Allah magbubukas po ulit ang TIBYAAN batch 7 biidhnillah.

Inbox po sa gusto MAGPA REGISTERED at matoto mag asa ng Qur'an tumatanggap po kami ng begginer or kahit huruful hijaiyyah ay Di pa po alam.
Masaya po kaming sa amin nyo muna ito matutunan.

PS: ( NOT FREE)

Now a days, The best way to learn proper TAJWEED of reading Qur'an is to learn AT-TIBYAAN.📖
Try it and Be Amazed! 🥰💪💚

Want your school to be the top-listed School/college in General Santos City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


General Santos City