𝐃𝐀𝐑 𝐀𝐓-𝐓𝐀𝐑𝐓𝐄𝐄𝐋 دار الترتيل

𝐃𝐀𝐑 𝐀𝐓-𝐓𝐀𝐑𝐓𝐄𝐄𝐋  دار الترتيل

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from 𝐃𝐀𝐑 𝐀𝐓-𝐓𝐀𝐑𝐓𝐄𝐄𝐋 دار الترتيل, Education, General Santos City.

دار الترتيل 📖📚💚
A Home of Qur’an and Sunnah

A place dedicated to teaching the Qur’an & Sunnah, conducting muḥāḍarah, & sharing beneficial reminders from the words of the scholars, upon the understanding of Ahlus-Sunnah wal Jamā‘ah (Salafiyyah) 📚💝

18/08/2026

📌 A WARM WELCOME TO OUR ESTEEMED Consultant 💝🎉

It is with great honor and joy that DAR AT-TARTEEL warmly welcomes Dr. Mardhea Abdul Jalal as our esteemed Consultant.💚📚

We are blessed to have among us a woman of knowledge and dedication, with an impressive academic journey in Shariah, Law, and Islamic Studies—from the International University of Africa in Khartoum, Sudan, University of Sinnar, and The University of Jordan in Amman, where she is currently pursuing her PhD in Islamic Creed (ʿAqīdah).

Her knowledge, experience, and commitment to Islamic education will, بإذن الله, be a valuable contribution to our mission of serving and educating Muslim women.

اللهم بارك في علمها وعملها، ووفقها وسددها، وانفع بها نساء المسلمين.

May Allah bless her knowledge and efforts, grant her success and guidance, and make her a means of benefit for the Muslim women.

Ahlan wa sahlan, Dr. Mardhea! 🌸🫂
May Allah make your presence a source of khayr, benefit, and barakah in DAR AT-TARTEEL. آمين.

Photos from ‎𝐃𝐀𝐑 𝐀𝐓-𝐓𝐀𝐑𝐓𝐄𝐄𝐋  دار الترتيل‎'s post 17/08/2026

Alhamdulillah! 😇
Muli na naman nating matagumpay na natapos ang ating Virtual Muḥāḍarah ng DAR AT-TARTEEL.

📚 TOPIC:
«صفات نساء أهل الجنة»
“Mga Katangian ng mga Kababaihan sa Paraiso”

🎙️ SPEAKER:
الدكتورة مرضية عبد الجلال
Dr. Mardhea Abdul-Jalal

Taos-puso ang aming pasasalamat kay Allahu Ta‘ala sa biyaya at pagkakataong muli tayong makapagtipon upang matuto, makinig, at magpaalalahanan sa pamamagitan ng Qur’an at Sunnah.
✍️ Jazāhallāhu khayran sa ating kagalang-galang na Doktora sa pagbabahagi ng mahalagang kaalaman at mga paalala tungkol sa mga katangian ng kababaihan sa Paraiso, na nagsisilbing gabay at inspirasyon para sa ating lahat bilang mga kababaihang Muslimah.
Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat ng akhawāt na dumalo at nakiisa sa ating muḥāḍarah. Nawa’y ang mga kaalamang ating natutuhan ay maging ‘ilm an-nāfi‘, maging gabay sa ating mga salita, gawa, at desisyon, at maging dahilan upang higit nating mapalapit ang ating mga sarili kay Allah.

🤲 اللهم انفعنا بما علمتنا وعلمنا ما ينفعنا وزدنا علما

“Ya Allah, gawin Mong kapaki-pakinabang sa amin ang Iyong itinuro, turuan Mo kami ng kapaki-pakinabang, at dagdagan Mo kami ng kaalaman.”

بارك الله فيكم جميعا وجزاكم الله خيرا

💚 — DAR AT-TARTEEL —






15/08/2026

بسم الله!

Assalāmu ʿalaykunna wa raḥmatullāhi wa barakātuh, akhawāt! 💚

Inaanyayahan ang lahat ng registered students ng DAR AT-TARTEEL na mayroon nang official Student ID na makiisa sa ating FREE DURŪSUL LUGHA. 📚✨

🗓️ SCHEDULE
📌 Every Friday
🕚 11:00 AM — KSA Time
🕓 4:00 PM — Philippine Time

📌 Every Saturday
🕚 11:00 AM — KSA Time
🕓 4:00 PM — Philippine Time

👩🏻‍🏫 Instructor:
Umm Maghfirah Colano

🔐 EXCLUSIVE FOR DAR AT-TARTEEL STUDENTS

📌 REQUIREMENT:
🪪 I-profile picture ang inyong DAR AT-TARTEEL Student ID sa inyong Facebook profile at gamitin din ito bilang profile picture sa Google Meet.

⚠️ NO ID, NO ENTRY.

📌 Ang Google Meet link ay isesend lamang sa official group messenger .

✍️ Sama-sama nating pag-aralan ang Arabic at mas mapalalim ang ating pag-unawa sa wika ng Qur’an.

🌱 Learn • Understand • Grow

DAR AT-TARTEEL
For Teaching the Qur’an and Sunnah — For Women

Bittawfīq, akhawāt! 🤲💖
Bārakallāhu fīkunna. 🌷

14/08/2026

Maa shaa Allah 😍🥰

Subhanallah! Hindi hadlang ang kapansanan upang maabot ang kahusayan sa pagbabasa ng Qur’an. Napakaganda ng kanyang pagbigkas—mahusay sa mga batas ng Tajwid, malinaw, at may tinig na napakalambing at kaaya-aya.
Allahumma baarik! 💝🤲

Video credits to the rightful owner. 💚

Ayah na kanyang binasa : surah annisa 115

وَمَن يُشَاقِقِ ٱلرَّسُولَ مِنۢ بَعۡدِ مَا تَبَيَّنَ لَهُ ٱلۡهُدَىٰ وَيَتَّبِعۡ غَيۡرَ سَبِيلِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ نُوَلِّهِۦ مَا تَوَلَّىٰ وَنُصۡلِهِۦ جَهَنَّمَۖ وَسَآءَتۡ مَصِيرًا

At sinumang sumalungat sa Sugo [kay Muhammad] pagkaraang naging malinaw para sa kanya ang patnubay at sumunod sa ibang [landas] bukod sa landas ng mga naniniwala, siya ay Aming pananatilihin sa [landas na] kanyang pinili at siya ay Aming papapasukin sa Impiyerno, at sadyang napakasama [nito] bilang isang patutunguhan.

14/08/2026

Assalaamu alaykum warahmatullahi wabarakatuhu, akhawaat! 🥰

Dahil umabot na po tayo sa maximum limit ng ating GC na 250 members, hindi na po natin ma-accept ang iba pang akhawaat na nais sumali.

Kaya, minabuti po nating gumawa ng Messenger Community upang makapasok at makasali po ang lahat ng ating mga kapatid, in shaa Allah. 💚

📌 Purpose: Para sa mga announcements, links, updates, at iba pang mahahalagang impormasyon.

🔗 Community Link:
https://m.me/cm/AbbX-0-D9jM7Wsdd/?send_source=cm%3Acopy_invite_link

✍️ P**i-invite po rito ang inyong mga sisters, kaibigan, kakilala, at iba pang akhawaat na nais makasali.

🚫 SISTERS ONLY PO.

Jazaakunnallahu khayran wa baarakallahu feekunn. 🤲💚

-DAR AT-TARTEEL MANAGEMENT -

13/08/2026

Ang Makharijul Huruf (مخارج الحروف) ay tumutukoy sa tamang pinagmumulan o lugar ng paglabas ng bawat titik kapag binibigkas ang Qur’an.

Ibig sabihin, hindi lamang kagandahan ng tinig ang mahalaga sa pagbabasa ng Qur’an, kundi higit sa lahat ang wasto at malinaw na pagbigkas ng bawat titik, sapagkat ang tamang pagbigkas ay mas mabilis na nakaaabot sa puso kaysa sa magandang tinig lamang.

وَرَتِّلِ الْقُرْآنَ تَرْتِيلًا
“At bigkasin mo ang Qur’an nang may wastong pagbigkas.”
(Surah Al-Muzzammil 73:4)

ما شاء الله، ما أجمل تلاوته للقرآن، حرفا حرفا، بإتقان ووضوح.
اللهم بارك له وزده حسنا وإتقانا. 🤲📖💚

13/08/2026

RECORDED VIDEO | VIRTUAL MUḤĀḌARAH

📚 مُحَاسَبَةُ النَّفْسِ
“SELF-ACCOUNTABILITY”
Pagsusuri at Pananagutan sa Sarili

🎙️ Shaykh Jamael Usodan
Faculty, Al-Ma’arif Educational Center

Nawa’y maging kapaki-pakinabang ang paalalang ito at makatulong sa atin na magsagawa ng tapat na muhasabah, ituwid ang ating mga pagkukulang, at pagbutihin ang ating mga gawa bago tayo humarap kay Allah سبحانه وتعالى. 🤲

13/08/2026

RECORDED VIDEO | VIRTUAL MUḤĀḌARAH

📖 Topic: Mga Aralin sa Islam — ‘Aqeedah (دروس في الإسلام — العقيدة)
🎙️ Speaker: Shaykh Al-Radi Alfad Yusop
🎓 Master’s Degree, Jerash University – Jordan

Nawa’y maging kapaki-pakinabang ang kaalamang ating mapapakinggan at maging dahilan ng pagpapatatag ng ating ‘Aqeedah at pagsunod sa Qur’an at Sunnah. 🤲

13/08/2026

السلام عليكم ورحمة الله وبركاته

BISMILLAH!

Ang tunay na kagandahan ng isang Muslimah ay hindi lamang nasusukat sa kanyang panlabas na anyo, kundi higit sa kanyang īmān, magandang asal, pagsunod kay Allah, at mga katangiang minamahal Niya.

Ano-ano nga ba ang mga katangian ng mga kababaihang kabilang sa Ahlul Jannah? At paano natin maisasabuhay ang mga katangiang ito sa ating pang-araw-araw na buhay?

📚 صِفَاتُ نِسَاءِ أَهْلِ الْجَنَّةِ
“MGA KATANGIAN NG MGA BABAE SA PARAISO”

🎙️ Dra. Mardhea Abdul Jalal
PhD Student in Islamic Creed
University of Jordan

📅 August 17, 2026 | Lunes
🕘 🇵🇭 9:00 PM | 🇸🇦 4:00 PM
💻 Google Meet

💝 OPEN FOR ALL SISTERS
🚫 NO RECORDING | NO LIVE STREAMING
🚫 Male accounts will be removed

📌 I-save ang petsa at anyayahan ang inyong mga kapatid na babae na makibahagi sa mahalagang muḥāḍarah na ito.

🤲 Nawa’y gabayan tayo ni Allah upang maging kabilang sa mga kababaihang may marangal na katangian, matatag sa īmān, mabuti ang asal, at karapat-dapat sa Kanyang Jannah. Nawa’y gawin Niya tayong mga babaeng nagsusumikap na mamuhay ayon sa Qur’an at Sunnah at naghahangad ng Kanyang KALUGURAN. Aameen 🤲

🔗 Mangyaring pumasok sa Messenger Community para sa GMeet link.

https://m.me/cm/AbbX-0-D9jM7Wsdd/?send_source=cm%3Acopy_invite_link

✍️ P**i invite po dito ang inyong mga sisters kaibigan kakilala at iba pa.

📌 Sisters only po
Jazaakunnallahu Khayran wa Baarakallahu Feekunn 🤲 💚

Photos from ‎𝐃𝐀𝐑 𝐀𝐓-𝐓𝐀𝐑𝐓𝐄𝐄𝐋  دار الترتيل‎'s post 12/08/2026

Alhamdulillah! 😇

Muli na naman nating matagumpay na natapos ang ating Virtual Muḥāḍarah ng DAR AT-TARTEEL.

📚 TOPIC:
مُحَاسَبَةُ النَّفْسِ
“Self-Accountability — Pagsusuri at Pananagot sa Sarili”

🎙️ SPEAKER:
Shaykh Jamael Usodan
Faculty, Al-Ma’arif Educational Center

Taos-puso ang aming pasasalamat kay Allahu Ta‘ala sa biyaya at pagkakataong muli tayong makapagtipon upang matuto, makinig, at magpaalalahanan sa pamamagitan ng Qur’an at Sunnah.

✍️ Jazāhullāhu khayran sa ating kagalang-galang na Shaykh sa pagbabahagi ng mahalagang kaalaman at mga paalala tungkol sa Muḥāsabah an-Nafs—ang pagsusuri sa ating sarili, pagkilala sa ating mga pagkukulang, at pagsisikap na patuloy na ituwid ang ating mga sarili bago tayo managot kay Allah.

Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat ng akhawāt na dumalo at nakiisa sa ating muḥāḍarah. Nawa’y ang mga kaalamang ating natutuhan ay maging ‘ilm an-nāfi‘, maging gabay sa ating mga salita, gawa, at desisyon, at maging dahilan upang higit nating mapalapit ang ating mga sarili kay Allah.

🤲 اللهم انفعنا بما علمتنا وعلمنا ما ينفعنا وزدنا علما

“Ya Allah, gawin Mong kapaki-pakinabang sa amin ang Iyong itinuro, turuan Mo kami ng kapaki-pakinabang, at dagdagan Mo kami ng kaalaman.”

بارك الله فيكم جميعا وجزاكم الله خيرا

💚 — DAR AT-TARTEEL —






Want your school to be the top-listed School/college in General Santos City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


General Santos City