23/07/2026
๐๐ด๐๐๐๐ป๐๐ฐ๐ฝ๐ถ ๐ฟ๐ฐ๐ฝ๐ถ๐๐ธ๐บ๐ฐ 2026
๐ ๐๐ ๐๐บ๐๐๐๐บ๐
๐บ ๐๐ ๐ฒ๐พ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ถ๐๐๐บ ๐บ๐ ๐ช๐๐
๐๐๐๐บ โ ๐ฌ๐ฒ๐ด ๐ฆ๐พ๐๐พ๐๐บ๐
๐ฒ๐บ๐๐๐๐ ๐ข๐๐๐ ๐บ๐ ๐๐๐๐๐๐บ๐
๐๐บ๐๐ ๐๐๐บ๐๐๐๐ป๐บ๐๐บ๐ ๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐บ ๐ถ๐๐๐บ๐๐ ๐ฅ๐๐
๐๐๐๐๐ (๐ช๐ถ๐ฅ) ๐ป๐๐
๐บ๐๐ ๐ป๐บ๐๐บ๐๐ ๐๐ ๐๐๐บ ๐๐บ๐๐๐๐ ๐๐บ ๐บ๐๐๐๐ป๐๐ฝ๐บ๐ฝ ๐๐บ๐๐บ ๐๐บ ๐ก๐๐๐บ๐ ๐๐ ๐ถ๐๐๐บ 2026.
๐ช๐บ๐๐บ๐๐บ ๐๐๐ ๐บ๐๐ ๐๐บ๐๐๐บ๐๐บ๐
๐๐๐ป ๐๐ ๐๐๐๐ฝ๐ ๐ป๐๐
๐บ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐บ ๐๐บ ๐๐บ๐๐บ๐๐๐๐๐บ๐ ๐๐บ ๐๐บ๐๐๐บ๐๐บ๐๐บ๐๐๐๐บ๐๐บ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐บ๐๐บ.
๐๐ช๐ป๐ช๐ถ๐ฒ๐ท๐ฐ ๐ผ๐ช๐ต๐ช๐ถ๐ช๐ฝ, ๐๐ธ๐ถ๐ฒ๐ผ๐๐ธ๐ท ๐ผ๐ช ๐ฆ๐ฒ๐ด๐ช๐ท๐ฐ ๐๐ฒ๐ต๐ฒ๐น๐ฒ๐ท๐ธ!
๐๐ซ๐ช๐ท๐ฐ๐ช๐ท ๐ช๐ท๐ฐ ๐ถ๐ฐ๐ช ๐ผ๐พ๐ผ๐พ๐ท๐ธ๐ญ ๐ท๐ช ๐ช๐ท๐พ๐ท๐ผ๐ฒ๐๐ธ.
#๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฝ๐พ๐ต๐๐ช๐ท๐ฐ๐๐ช๐ท๐ฐ๐๐ฒ๐ด๐ช2026 #๐๐พ๐๐ช๐ท๐๐ฐ๐ฆ๐ฒ๐ด๐ช2026 #๐๐ฆ๐ #๐ข๐ฆ๐ #๐๐ข๐ค๐๐ข๐
22/07/2026
๐ฏ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐ ๐ซ๐๐!
Nakikiisa ang Samahan ng mga Mag-aaral sa BA Filipino sa pagdiriwang ng araw ng mga kapatid nating Blaan. Sa araw na ito, ating kinikilala at ipinagdiriwang ang mayamang kultura, wika, kasaysayan, at mga tradisyong patuloy na nagbibigay-buhay sa ating mayamang kumunidad.
Nawa'y magsilbi ang pagdiriwang na ito bilang paalala ng kahalagahan ng paggalang, pagkakaisa, at pagpapahalaga sa ating mga katutubong pamayanan. Maligayang pagdiriwang sa ating mga kapatid na Blaan!
Pubmat | Nathaniel Paul Lesmoras
21/07/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐ค๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ซ. ๐๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ง ๐๐๐ฅ๐ฉ๐ก ๐๐ฌ๐ฅ๐, ๐๐๐จ๐ฆ๐ฆ.!
Mula sa Samahan ng mga Mag-aaral sa BA Filipino, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pinakamainit na pagbati sa iyong kaarawan!
Bilang Vice Chancellor for Studen Affairs and Services ng Mindanao State University - General Santos, lubos naming pinahahalagahan ang iyong dedikasyon, malasakit, at kahandaang maglingkod sa kapakanan ng bawat iskolar ng bayan. Nawa'y patuloy kang maging inspirasyon sa pamamagitan ng iyong mabuting pamumuno, pagpapakumbaba, at pagmamahal sa ating samahan.
Sa pagdiriwang ng iyong kaarawan, hangad namin ang iyong mabuting kalusugan, masayang puso, at patuloy na paggabay at pagpapala ng Poong Maykapal. Nawa'y mapuno ang iyong araw ng pagmamahal, saya, at mga biyayang tunay na nararapat para sa iyo.
๐๐ข ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ช, ๐๐ข๐ญ๐ช๐จ๐ข๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ข๐ณ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ ๐๐ช๐ณ ๐๐ฐ๐ณ๐ฎ๐ด!
21/07/2026
๐๐๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ง๐๐ฉ ๐๐ฅ๐ . ๐๐๐ ๐ฌ. ๐๐๐๐ | Pagtatalaga ng mga Katuwang ng Komite at Miyembro ng Komite ng SABFIL
Alinsunod sa Saligang Batas at mga Tuntunin ng Samahan ng mga Mag-aaral sa BA Filipino (SABFIL), pormal nang inilalabas ng Tanggapan ng Pangulo ng SABFIL ang ๐๐๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ง๐๐ฉ ๐๐ฅ๐ . ๐๐๐ ๐ฌ. ๐๐๐๐ na nagtatakda ng paghirang sa mga Katuwang ng Tagapangulo at Miyembro ng mga Tumatayong Komite.
Inaasahan ang bawat hinirang na maging maagap, responsable, at aktibong katuwang sa pagpaplano, pagpapatupad, at pagsubaybay ng mga programa at gawain ng kani-kanilang komite. Higit sa lahat, inaasahan ang kanilang pakikipagtulungan, inisyatiba, at tapat na paglilingkod sa pagsusulong ng mga layunin at adhikain ng SABFIL para sa kapakanan ng mga Makata.
Basahin ang buong nilalaman ng Kautusang Tagapagpaganap rito: https://drive.google.com/drive/folders/1TVBvKWL71q5138Trcg18Ucm31FVGXR6I?usp=drive_link
15/07/2026
๐ง๐๐ก๐๐ก๐๐ก | SABFIL Seminar and Workshop, umarangkada!
Matagumpay na naidaos ng Samahan ng mga Mag-aaral sa BA Filipino (SABFIL) ang seminar na naglalayong ihanda ang bawat opisyal sa mga pangunahing kaalaman at tuntuning kinakailangan upang matiyak ang maayos, organisado, at epektibong pagpapatupad ng mga proyekto, pagpupulong, at iba pang gawain ng samahan. Naganap ang nasabing seminar sa CSSH SMART Room ngayong ika-15 ng Hulyo taong kasalukuyan. Layunin nitong mapatatag ang kakayahan ng bawat opisyal sa pamumuno, wastong pagpapasya, at mahusay na pamamahala sa kanilang mga tungkulin.
Binigyang-diin sa seminar ang kahalagahan ng pagsunod sa mga itinatag na proseso at alituntunin ng organisasyon bilang pundasyon ng mabuting pamamahala. Tinalakay ang basic parliamentary procedures upang maging gabay sa maayos na pagdaraos ng mga pagpupulong at wastong pagproseso ng mga mosyon. Ipinaliwanag din ang wastong paggawa ng project proposals at resolutions upang matiyak na ang bawat programa at inisyatiba ay naaayon sa layunin at direksiyon ng samahan. Kasabay nito, inilahad ang mga probisyon at paunang introduksyin ng Fiscal Manual bilang gabay sa responsable, transparent, at may pananagutang pamamahala ng pondo ng organisasyon.
Sa pamamagitan ng seminar na ito, higit na magpapatibay ang kahandaan ng mga opisyal sa pagganap ng kanilang mga tungkulin at ang kanilang pangako na isulong ang isang organisadong, responsable, at mahusay na pamamahala. Nawa'y magsilbi itong matibay na saligan sa pagpapatupad ng mga programang tunay na makikinabang ang bawat mag-aaral ng BA Filipino at ang buong pamayanan ng SABFIL sa Akademikong Taon 2026โ2027.
14/07/2026
๐ฌ๐๐ฆ ๐ฃ๐ข, ๐ข๐ฃ๐ข โ ๐ฆ๐๐๐๐๐ ๐.๐ฌ. ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒโ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ณ ๐๐ฆ ๐ข๐ก ๐ง๐๐ ๐๐ข๐จ๐ฆ๐!
Mga Makata, narito na ang ating mga opisyal na online platforms para sa Akademikong Taon 2026โ2027!
๐ฆ๐๐๐๐๐ ๐๐ฟ๐ผ๐๐ฝ ๐๐ต๐ฎ๐
Ito ang opisyal na group chat ng samahan na siyang magiging espasyo para sa komunikasyon, talakayan, at koordinasyon ng mga gawain at programa ng SABFIL at ng Departamento ng Filipino.
Link: https://m.me/j/AbY9rOzvpJUlJfJ7/?send_source=gc%3Acopy_invite_link_t
๐ฆ๐๐๐๐๐ ๐๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐ ๐๐ต๐ฎ๐
Bubukasan rin ang SABFIL Community Chat upang magsisilbing pangunahing daluyan ng mga opisyal na anunsiyo, paalala, at mahahalagang impormasyon mula sa Samahan. Hinihikayat ang lahat ng mga kasapi na manatiling bahagi ng community upang hindi mapag-iwanan sa mga update ng Samahan.
Link: https://m.me/cm/AbYVN78Z-n7pIPxt/?send_source=cm%3Acopy_invite_link
Mahalagang Paalala:
โข Isang (1) account lamang bawat indibidwal ang maaaring gamitin sa pagsali sa Group Chat. Kung gustong magdagdag ng ibang account, mangyaring sa communy chat ito isali.
โข Siguraduhing nakasali sa Community Chat upang patuloy na makatanggap ng mga opisyal na anunsiyo at mahahalagang abiso.
Magsisilbi ang mga platform na ito bilang ating tulay sa mas mabilis na komunikasyon at koordinasyon sa buong akademikong taon.
Maligayang pagdating sa SABFIL A.Y. 2026โ2027! Sama-sama nating buuin ang isang mas aktibo, organisado, at makabuluhang taon para sa bawat Makata.
-on
13/07/2026
๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ๐ ๐๐๐๐: ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐๐ซ ๐๐๐ฏ๐๐๐ฅ!
Maaari mo nang ma-download o makakuha ng kopya ng poster ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ
Mada-download ang digital na poster at iba pang kolaterals sa: https://hostyurl.com/HB40c1
๐๐ข๐ง๐ ๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐ ๐ญ๐๐ฆ๐
Kinikilala ng tema ng Buwan ng Wika 2026 ang magkaugnay na papel ng wikang Filipino at artificial intelligence (AI) para sa makabansang gawain ng pananaliksik. Panawagan ito para sa responsableng paggamit ng AI habang tinitiyak na may makabuluhang espasyo ang Wikang Pambansa sa mga usaping may kinalaman sa mga umuusbong na teknolohiya at kaugnay na usaping pang-etika rito.
Itinuturing ang AI bilang kasangkapan para maiangat pa lalo ang kalidad ng saliksik na inihahandog ng mga Pilipino, unang-una, para sa mga kapuwa Pilipino. Habang kinakasangkapan ang AI, patuloy pa ring tinatahak ng wikang Filipino ang landas ng intelektuwalisasyon na magbubunga ng panloob at panlabas na pagbabago sa bansa. Sa ganitong paraan, kapuwa ang AI at wikang Filipino ay nagiging tulay na gagamitin ng mga Pilipino para sa kanilang pinapangarap na magandang bรบkas.
Ating ipagdiwang ang ating Wikang Pambansa sa Agosto 2026!
12/07/2026
May mga kuwentong hindi kailanman maisusulat nang buo sa mga pahina ng aklat; mga kuwentong nananatili sa bawat sulok ng Pamantasang Mindanao, kun saan nagsimula ang mga pangarap, nahubog ang mga pananaw, at unti-unting nabuo ang mga Makatang handang harapin ang daigdig.
Ngayon, sa huling pagkakataon, hindi na alaala ang sinusubok. Hindi na semantic webbing ang binubuo, at hindi na mga teorya ang hinaharap. Ang tunay na hamon ay ang isabuhay ang lahat ng natutuhan.
Nang una ninyong tahakin ang landas bilang mga Makata, buong puso kayong tinanggap ng Pamantasang Mindanao. At ngayon, buong pagmamalaki naman kayong ihahatid nito sa panibagong yugto ng inyong paglalakbay.
Lagi't laging basta Makata, Pag-on!
Layout | Precious De Guzman
-on
11/07/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐ค๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง ๐๐ ๐ . ๐
๐๐ฆ๐๐ ๐๐ซ๐๐๐ ๐๐๐ซ๐ขรฑ๐จ
Mula sa Samahan ng mga Mag-aaral sa BA Filipino, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pinakamainit na pagbati sa iyong kaarawan!
Bilang Katuwang ng Komite sa Palakasan, lubos naming pinahahalagahan ang iyong dedikasyon, malasakit, at kahandaang maglingkod sa kapakanan ng bawat makata. Nawa'y patuloy kang maging inspirasyon sa pamamagitan ng iyong mabuting pamumuno, pagpapakumbaba, at pagmamahal sa ating samahan.
Sa pagdiriwang ng iyong kaarawan, hangad namin ang iyong mabuting kalusugan, masayang puso, at patuloy na paggabay at pagpapala ng Poong Maykapal. Nawa'y mapuno ang iyong araw ng pagmamahal, saya, at mga biyayang tunay na nararapat para sa iyo.
๐๐ข ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ช, ๐๐ข๐ญ๐ช๐จ๐ข๐บ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ข๐ณ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ ๐๐ฃ. ๐๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ข!
11/07/2026
Unang Magkasanib na Pagpupulong ng SABFIL at SAFE para sa Akademikong Taon 2026โ2027
Petsa: Ika-9 ng Hulyo, 2026 (6:00 n.g.)
Talaan ng mga Gawain:
I. Pagtawag sa Pagpupulong
II. Mga Paunang Gawain
- Panalangin
III. Pagtatala ng mga Dumalo
IV. Presentasyon at Adapsyon ng mga Agenda:
1. Buwan ng Wika 2026
VI. Iba Pang Usapin
VII. Mga Anunsyo
VIII. Pagtatapos