Bawal magwalis kapag may patay.
Napansin niyo ba kapag burol napkakalat? Dahil ito sa paniniwala ng mga pinoy na bawal magwalis kapag may patay. Sinasabi nila na kapag nagwalis ka ay may susunod kaya wala nang nagbalak magwalis kapag may patay. Ok na sana kaso may mga taong nagtatapon na lang basta ang masaklap, di niya kaanu anu yung namatay o namatayan, kumbaga napadaan lang.
Manunulat Ivan
Pilipinong manunulat
01/12/2022
Alam mo ba?
Isa pang tradisyong nakaukit sa kulturang Pilipino ay ang panghaharana. Karaniwan itong ginagawa ng lalaki para sa kaniyang nililigawan pero ngayon, ginagawa na rin ito sa panunuyo at pakikipagbalikan sa mga magkasintahang nagkalabuan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkanta ng lalaki sa babaeng kaniyang sinusuyo. Puwede itong gawin nang may tugtog o acapella. Kaya kung naghahanap ka kung ano ang kaugalian ng mga Pilipino para sa mga romantiko, harana ang sagot d’yan. Bagamat hindi na kasing dalas gaya ng dati ang panghaharana, nananatili pa rin ang tradisyon na ito pero ginagawa sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Sa pangkalahatan, ang harana ang isa sa mga natatanging bahagi ng kultura ng mga Pilipino.
01/12/2022
Alam mo ba??
Isa sa magandang mga kaugalian ng Pilipino na talagang ipinagmamalaki ng mga Pinoy ay ang bayanihan. Ito ay ang sama-samang pagtutulungan ng taumbayan sa mga nangangailangan. Isang simpleng halimbawa na lang ay ang paglilipat-bahay kung saan nagtutulungan ang mga kapitbahay na magbuhat ng mga gamit. Hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin iton tradisyon ng mga Pilipino. Dito mo makikita ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino ng mga Pinoy.
01/12/2022
Alam mo ba?
Ang Pambansang Watawat ng Pilipinas, na tinatawag din na Tatlong Bituin at Isang Araw, ay isang pahalang na watawat na may dalawang magkasingsukat na bahagi na bughaw at p**a, at may putting pantay na tatsulok sa unahan. Sa gitna ng tatsulok ay isang gintong-dilaw na araw na may walong pangunahing sinag, na kumakatawan sa unang walong mga lalawigan ng Pilipinas na nagpasimula ng himagsikan noong 1896 laban sa Espanya; at sa bawat taluktok ng tatsulok ay may gintong bituin, na ang bawat isa ay kumakatawan sa tatlong pangunahing rehiyon – ang Luzon, Visayas, at Mindanao; ang gitnang bituin naman ay orihinal na tumutukoy sa Panay. Maaari rin maging watawat pandigma ang watawat na ito kapag ibinaligtad.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Telephone
Website
Address
Maunlad
General Santos City