17/09/2026
PABATID
Ipinababatid po namin na ang Giving of Cards para sa Term 1 ay gaganapin sa Setyembre 18, 2026 (Biyernes) ika- 2:00 ng hapon. Layunin po ng gawaing ito na maibahagi sa mga magulang ang akademikong pagganap, pag-unlad, at mga obserbasyon tungkol sa kanilang mga anak.
Kaugnay nito, ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng Modular Learning sa araw na ito at at walang face to face na klase. Ang mga mag-aaral ay inaasahang sasagutan at gagawin ang mga itinakdang learning activities o modules na ibibigay ng kanilang mga g**o.
Hinihiling po namin ang inyong pagdalo upang personal na matanggap ang Report Card. Ang inyong presensya at pakikiisa ay lubos na mahalaga sa patuloy na paggabay at pagsuporta sa pag-aaral ng inyong mga anak.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikipagtulungan.